Chapter 10: Mr. S?

31 6 0
                                    

[HANG UP]

"Masaya ako na pinagkatiwalaan mo ako, Aila."

----------------------------
[Ikatlong persona]

Pagtakapos ng ilang minutong pakikipag-diskusyon sa dalagang si Aila, ay siya rin kaagad na ibinaba ng isang lalaki ang kanilang pag-uusap sa telepono.

"Bagong araw na naman para lumutas ng mga misteryong kaso at humatol sa mga taong makasalanan." Mga salita na naglalaro sa kaniyang isip habang siya ay patungo sa isang gusaling mataas.

Ito ang Law Firm na pinagtratrabahuan ng lalaki. Puno ang gusaling ito ng mga magagarang salamin, at mamahaling kasangkapan. Karamihan sa Law Firm Company employees ay mga big time at mga nakatapos ng kolehiyo. Ang Law Firm na ito ay pagmamay-ari ng ama ng lalaki. At kung tatanungin ang isandaang libong tao na lumapit sa kanila upang kumuha ng lawyer o abogado, hindi sila kailanman magbibigay ng mga hindi magandang kumento sa serbisyo ng kanilang kumpanya.

Ang lalaking ito.. Isa siyang lehitimong lawyer at judge. At kung gugustuhin mo na malaman ang kaniyang sikretong quota, ito ay ang pagiging isang..

Private investigator.

"Good morning Sir!"

"Magandang umaga sir Judge!"

"Hi sir!"

"Bakit ba palaging handsome si sir judge?"

Matikas, matipuno, mabait sa kapwa at mapagpakumbaba. Ganito nila kung ilarawan ang lalaking naglalakad.

"Good morning, Heira." Isang pagbati ang namutawi sa bibig ng lalaki, para sa isang babae na kaniyang nakasabay. Kitang kita sa kaniyang kilos ang pagiging tahimik at mahiyain noong mga sandali na sila ay nagkasabay ng co-employee.

"Magandang umaga, hon." Ito naman ang naging tugon ng babae sa lalaki. Dahilan upang ang isang astig at mala-aksyon star na lalaki ay biglang manghina at manlambot dahil sa isang babae.

"Ingat." Paalala ng babae habang sila ay papalo nang papalayo.

Umakyat na ng ilang palapag ang lalaki gamit ang isang elevator. Sa wakas, ay narating niya rin ang opisina ng CEO.

"Goodmorning, Dad." Bati niya sa CEO na nakaupo sa isang magarbong upuan habang nasa tapat ng laptop.

"Yes, goodmorning my son. I need your help right now."

"What's the matter?" Malamig na sagot ng lalaki.

"Well, tumawag sa akin si Police General. You did a great job for your private investigation about doon sa missing child. They found it and fortunately, the child is alive." Malamig na pagbati ng nakaupo, doon sa lalaki.

"Thank you so much dad. I knew that I can solve it easily." Sagot niya habang nakangiting aso. Alam niya na dahil sa tagal ng kaniyang experience sa gantong field, hindi siya kailanman papalpak.

"I gotta go, may aasikasuhin ako." Pagpapaalam ng lalaki sa CEO.

"Ano naman ang gagawin mo, anak. You deserve to take rest too. Baka, may tinanggap ka na naman na offer, ha."

Ang tono ng CEO ay tila nanenermon at nag-aalala sa lalaki.

"Well, sa susunod ko na sasabihin ang lahat." He whispered in air.

Bigla siyang umalis sa loob ng opisina ng CEO, at umakyat pa ng ilang palapag papunta sa opisina niya.

Kaagad niyang binuksan ang pinto ng kaniyang opisina at nagmamadaling pumasok sa loob.

"A.. B.. C.." Pag-iisip niya.

"Why Aila, ano kaya ang pumasok sa utak niya. I can't say that her father.. No.. How can I hide it from her?" Bigla siyang napadabog sa mesa na tila nag-aalala.

"Well, there is nothing wrong if I act fool." Mga salitang binitawan niya habang tinititigan ang repleksyon ng sarili sa mesang babasagin.

"I can't.. Do this.."

----------------------------
[KASALUKUYAN - IKATLONG PERSONA]

"Manong, please pakibilisan po ang pagmamaneho, I need to come home in time." Pakiusap ng lalaki sa nagmamaneho. At sa hindi inaasahang oras, siya ay nakauwi nang maagap.

Pagpasok niya sa gate, ay biglang sumalubong ang katulong na siyang nagbukas sa kaniya.

"Magandang hapon po si-"

"Good aftie."

Halata sa mga kilos ng lalaki na aligaga ito. Hanggang sa maka-akyat ito sa kaniyang silid-tulugan.

"Nanny! Where is my spare phone."
Pagtatanong niya dahil hindi niya mahanap ang cellphone niyang ginagamit para sa sikreto niyang trabaho.

"S-sir, ito po ba?" Iniabot sa kaniya ng katulong ang cellphone na sa mga oras na iyon ay tumutunog. At may sumusubok na tawagan siya.

[MR. S, CALLING]

"Nanny, umalis ka nga muna dito." Malamig na utos niya sa kaniyang katulong

[ACCEPT.]

"Hi sir. There is a problem right now." Saad ng lalaki sa kanilang linya.

"I know, kaya mo naman iyan itago hindi ba?" Pagtatanong ng nagngangalang 'Sir S' na nanggaling sa kabilang linya.

"S-sir.."

"Malaking kapahamakan ang naghihintay kapag nabuking tayo. Remember, you, your cousin, and me.. Tayo lang ang nakakaalam ng sikretong ito." Pagbabanta ng lalaki na nasa kabilang linya.

"I-i know s-sir, I'll keep you updated. Kaya ko naman ito ihandle, do not worry." Paninigurado ng lalaki.

"Tama 'yan. Sa tamang panahon malalantad lahat. Saad ng lalaki na nasa kabilang linya.

Bigla naman kaagad na pinutol ng lalaki ang telepono.

Nanginginig sa pag-aalala ang lalaking galing sa Law Firm, at siyang tinumba ang sarili sa kama. Dahilan upang maiharap ang mukha niya sa kisame.

"Gusto ko na talaga 'to sabihin kay Aila. But how? Parehas nila akong bino-blockmail?" Pag-iisip niya.

----------------------------
[Aila's POV]

Pagkatapos ng maikli naming pag-uusap sa telepono, tinawagan ko ang manager na humahawak sa records ng bawat lawyer sa isang Law Firm company kung saan nagtratrabaho si Jiamura.

Habang hindi pa ako nakakalapag ng Maynila, dapat ay makasigurado na ako, na hindi ako tatraydorin ng pinsan ko. Kailangan kong ipacheck sa manager ng Law Firm nila kung may mga nagawang mali ang pinsan ko.

"H-hi sir Al. Please paki-clean check nga ng taong ito if may record siya ng maling pamamalakad as a lawyer?" Pakiusap niya sa lalaking nasa kabilang linya.

"What's the surname or name code, ma'am?" Tanong lalaki.

"Ahh, Mr. Jiamura, Code J." Saad ko.

"Wait, let me check ma'am... AH, Sir Jiamura?.. Uhm.. Ma'am. I am happy to say na wala pa po siyang complaint records at puro good reviews lang po ang narito sa records." Saad ng lalaki.

"Ahh. Speaking of Mr. J, andiyan po ba siya?"

"Kauuwi lang po niya."

"Ah, thanks." Pagbati ko at bigla kong ibinaba ang tawag.

----------------------------

The man behind the secrets. Mr. Jishan S. Jiamura. 20 years old. Mayroon siyang girlfriend na nagngangalang "Gelhlia".

He has everything. Money, looks, height, and attitude. Siya ang kauna-unahang Severtero na umumlad. Kaya naman pati ang kaniyang tatay, ay isa ng CEO dahil sa kaniyang pagtitiis na makatapos ng pag-aaral.

Pursigido sa lahat ng bagay si Jishan. Pero, maraki siyang itinatago sa mga tao. Hindi alam ng tao, na sa kaniyang pagiging ulirang tagasilbi ng bayan, mayroon siyang mga sikretong siguradong kapag nalaman mo, ay siguradong kahit na ikaw na nagbabasa, matu-turn off.

Siya kaya ang tutulong kay Aila? O may iba pang tao na nakatakda upang tulungan siya sa matunton ang diumano'y hindi pa patay, na tatay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love at Manila (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon