Chapter 9: Planuhin ang lahat

16 6 0
                                    

DISCLAIMER

ANG KABANATANG ITO AY PATUNGKOL SA SALOOBIN AT MGA PLANO NI AILA. Kung kayat ito ay naglalaman ng maraming mga impormasyon patungkol sa kanyang plano, kaysa sa mga dayalogo. Maging mapagpasensiya sa pagbabasa, maraming salamat.

Yorieathinks ©

-----------------------------------------------------------

Ito ang mga saloobin ni Aila, patungkol sa pag-alis niya sa Maynila.

-----------------------------------------------------------

Kung iisa-isahin natin. Nagsimula ang lahat sa kagustuhan kong umalis ng Maynila para hanapin ang Itay.

Sa ngayon, marami na akong nacheck dito sa check list. Kaya naman, yeah..

Kailangan ko pa pala asikasuhin ang iba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kailangan ko pa pala asikasuhin ang iba..

Balik ulit sa topic!

Alam nga ng lahat na patay na siya, ngunit base sa imbestigasyon ng pulisya, ang bangkay ni Itay ay hindi nakita sa pinangyarihang insidente, kahit sa ilalim ng tubig ay hindi ito nakita.

Kaya naman, sinimulan kong magplano upang sa gayon ay matunton ko si Itay.

Andito ako sa sasakyan ni Tito Ian, ang kapatid ni Itay. Iniipon ko ang lahat ng mga naiisip ko, at lahat ng mga planong kailangan kong tuparin habang nag-aaral ako sa Maynila.

Nakikita ko sa labas ng van ang mga sasakyang walang tigil sa pag-andar, at mga taong sumasakay ng dyip.

Marami ang naglalakad, dahil marami rin ang hindi pabor sa jeepney phase out.

Dito kasi sa Cebu, eh.. Balak na raw palitan ang dyip, pero para sa akin. Aanhin ko ang bagong dyip kung sobrang mahal naman ng pamasahe.

Anyways, bumalik tayo sa topic.

Sabi ko nga kanina.. Na.. Kung iisa-isahin natin. Nagsimula ang lahat sa kagustuhan kong umalis ng Maynila para hanapin ang Itay.

Nagsimula kong gawin ang mga planong ito noong ako'y humatong sa edad na 15 taong gulang.

Nakumbinsi ako na mag-imbestiga dahil sa isang librong aking nabasa.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

Hindi ako naniniwalang namatay siya, o hindi kaya ay hindi na nahanap pa ang katawan ni Itay dahil malalim ang pinagbagsakan nito sa ilalim ng tubig.

Marami na akong nakausap na mga private investigators. Pero isa lang ang pumasa sa aking standards.

Siya si Private investigator Jishan S. Jiamura. Isang Japanese-Filipino.

Isa siya sa mga pinsan ko na umalis rin ng Maynila upang mag-aral ng kurso na gusto niya.

Naging matatag rin naman ang samahan namin. Actually, siya ang nagprisinta na mag-imbestiga para kay Itay.

Kaya naman, kaagad ko siyang tinawagan kanina upang humingi ng pabor.

------------------
[IKATLONG PERSONA: FLASHBACK]

Kasalukuyang tinawagan ni Aila ang isa sa pinakamagaling na pribadong imbestigador sa Maynila. Ito ang kanyang pinsan, si Jishan Severtero Jiamura. Ang First Honor sa kanilang University, at isang lehitimong Lawyer at Judge sa Korte.

Maliban sa isa siyang Judge at Lawyer, siya rin ay isang pribadong imbestigador. Marami na siyang kaso at mga sitwasyong naipanalo, lalo na sa Korte Suprema.

Kilala siya bilang "The man of the Cases" at "Best in service" dahil sa galing niya bilang isang judge at imbestigador. Siya rin ang pinakahuting lawyer, dahil kahit ang mga mahihirap, ay tinutulungan niya.

Kaya naman, hindi na nag-alinlangan na bigyan ni Aila ng pagkakataon ang kanyang pinsan upang siya ang humawak sa sitwasyong paghahanap sa nawawala niyang Tito.

Pagkatapos ng isang minutong paghihintay ni Aila, sinagot rin ni Jishan ang tawag.

"Hello, this is Ji Shan Jiamura, at your service." Isang baritonong boses na galing sa kabilang linya.

"H-hi, this is Aila S. Your honor." Sagot naman ni Aila sa kabilang linya.

"Oh, Aila! Congrats on your achievement. I saw you on the news, you were interviewed because you were the topnocher for the Collage entrance exams for scholarships. Well, matalino nga si papa mo, mana ka sa kaniya." Pagbati naman ang ibinalik ng nasa kabilang linya.

"T-thank you Ji. Anyways, can I have your favor? Simple lang naman ito." Saad ni Aila habang nakatitig sa durungawan ng salamin ng Van.

"Y-yes, sure honey. You can have it Ai. Go ahead.."

"Yung sinabi mo sa akin dati na ikaw ang magpriprisinta para hanapin si papa, ih-hire sana kita as my private investigator. Pwede ba, Ji?"

Bigla namang napanganga ang nasa kabilang linya.

Pagkatapos nito ay biglang ngumiti si Jishan, tila ba nakangiting aso ito.

"Are you sure you wanna trust me, Ai?" Paninigurado ng kausap ni Aila.

"Yes. I'll send you the details next week. See you on Manila, Jishan." Saad ni Aila.

"Yes Ai, see ya."

[Hang up]

------------------

Sinisigurado ko na mapagkakatiwalaan itong si Jiamura. Kasi kung hindi, sasabihin ko ang hawak na sikreto nitong pinsan ko. Ipagkakalat ko na anak siya ng mamamatay tao.

Dahil kahit siya ang pinakamagaling sa larangan na kinuha niya, siya rin ang may pinakamaduming kamay sa lahat ng nakilala ko.

Nagawa niyang pagtakpan at hindi ipaalam sa pulis ang lahat ng nangyari.

My father's younger brother-Jishan's Father committed a crime, he killed Japanese wife.

Nakita ko 'yon when I was four. Nalaman rin iyon ni Jishan kinalaunan, noong gumraduate siya bilang isang judge at lawyer. At dahil nalaman niya rin na nakita ko ang lahat, sinabihan niya akong huwag magsumbong sa kahit kanino.

Kaya rin siya nagprisinta bilang private investigator para kay Itay bilang kapalit ng pananahimik ko.

Hindi niya ipinakulong si Tito dahil ang depensa ng Tito ko, nag-away raw sila ni tita. Pero, dahil nanakit si tita hinagis ni Tito ang bakal na upuan sa ulo ni tita kaya namatay ito.

Pero hindi ako naniniwala, alam kong mukhang pera ang kapatid ni Itay, dahil tamad ito magtrabaho. Kaya niya siguro pinatay ang asawa para makuha ang dead claim benefits nito, para magkapera in short..

Nabulag si Jishan sa dahilan ng tayau niya. Kaya naman, mas lalo niya itong prinotektahan.

------------------

Ngayon na nakakuha na ako ng private investigator, pwede ko ng magawa ang mga plano ko.

Habang nag-aaral ako, ay kailangan kong matunton si papa. Para kapag natapos ako dito sa kurso, diretso na akong mangingibang bansa kung saan man naroon siya.

Gusto ko na siyang mayakap.

Kahit na marami siyang kasalanan na nagawa, kung nagsinungaling siya tatanggapin ko parin siya, kasi.. Tatay ko siya e.

Dugo at lamang niya ako.

Kaya naman..

Handa na ako para sa mga susunod na kabanata-hahanapin kita Itay.

In Love at Manila (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon