"Pwede ba pumasok sa kwarto mo, Ai? Nagpaalam naman ako kay tita Tre."
"Pasok, Aelon."
Andito nga kami sa kwarto ko, nag-aantay kami ng Resulta sa website ng eskwelahan na nag-offer ng libreng entrance exam sa amin.
"Baliw, paano mo ba kasi napagtanto na teacher na kukunin mo beh? Wala kanamang sinasabi sa akin na ganyan ah.."
Tanong ni Azalon.
Alam ko naman na sa una pa lang, kaya gusto ko mag teacher ay para magtrabaho sa ibang bansa. Katulad ng Thailand, o kaya sa Vietnam. Kung pwede lang naman kasi ipa-KMJS si Itay ginawa ko na e'. Kahit nga pangalan ni Itay hindi ko na maalala, 'e. Paano pa kaya details ng pagkawala nya.. Siguradong nakalimutan na ni Inang ang ilang pangyayari.
"Ah, gusto ko kasi ang mga bata. Alam mo naman 'yon, hindi ba?"
Ito ang mga katagang sinabi ko pabalik kay Azalon. Halatang mahihirapan akong kumbinsihin sya na wala naman talagang rason na mas malalim pa kaysa sa alibi ko.
"Eh? Pero sinasabi mo sa akin na gusto mong mang-ibang bansa.." Saad ni Azalon.
"Wala ka namang magagawa kung ano ang susunod na gusto kong plano, hindi ba? Atsaka, para naman ito kay Inang. Dahil, napalaki nya ako sa komportableng bahay dito sa Cebu. Mayaman kami, marami kaming lupain na sinasaka, kahit na pati itong bahay dito sa syudad, maayos na. Naka-tiles, at syempre may sarili narin akong kwarto. Alam mo, Aelon.. Pasasalamat ko nalang 'to kay Teresita Sigamboa-Severtero na isang biyuda, lumaban sa lahat, naging matatag para sa anak. Para sa.. Inang ko. Sa pagpapalaki sa akin kahit na wala akong kinikilalang tatay."
Habang sinasambit ko ang bawat salita na gusto kong sabihin, hindi ko na namamalayan na para na palang.. Isang talon na umaagos ang mga mata ko. Na dahil sa pagtangis..
"S-sorry naman best. Hindi ko sadyang paiyakin ka. Alam mo naman na hindi tayo magtataguan ng sikreto hindi ba? Promise natin 'yon." Saad ni Azalon.
"Dadamayan kita, okay.. Ai?"
"Salamat, Aelon."
Hindi ko na alam ang nangyari noong mga sandaling 'yon. Ang alam ko lang ay masaya ako, dahil nagkaroon ako ng kaibigan na dadamay sa akin.
Si Aelon ang naging sandigan ko noong binu-bully ako sa elementary. Kasi nga, wala akong father figure na madala sa assignment. Paano ba ako makakapagdala ng father figure artwork, kung hindi ko naman alam anong itsura ng tatay ko?
Sya lang naman ang nagtanggol sa akin noong highschool ako, dahil nga kahit ang mga lalaki sa section namin ina-asar ako. Maganda, matalino raw ako, mukhang chinita na short hair. Saka higit sa lahat, mabait daw ako. Pero.. kulang raw ako ng "Papa".
Ansakit sa part na kahit kailan, kahit kailan hindi ko naramdaman ang presensya ng Tatay ko. Kahit nga sa mismong picture wala akong maramdan na spark 'e. Kahit naman sino, hindi ba? Mamatayan ka ng Itay tapos maliit ka palang.. Walang kamuwang-muwang sa mundo, may maalala paba sa tatay nya? Syempre, ang iba oo.. Pero dahil hirap ako sa pagre-retain ng memory ko, sigurado kaunti o kaya wala na akong maalala kay Itay.
"Ano, okay ka naba miloves?" Pang-aasar ni Aelon na agaran ko namang binigyan ng sapok ang likod nito, habang nakayakap sa akin.
"Umay kana Aelon ha, walang tayo. Tagain kita dyan. Tigilan mo 'yang kahibangan mo." Saad ko at bigla na lang akong lumayo sa kanya-Para akong nakaramdam ng kuryente sa mga oras na yakap nya ako.
BINABASA MO ANG
In Love at Manila (ONGOING)
RomanceSi Aila ay umalis ng Cebu upang mag-aral bilang Teacher sa Maynila. Ginawa nya ito upang hanapin ang nawawalang Ama. Ngunit habang sya ay nag-aaral sa Maynila, makikilala nya ang taong tutulong sa kanya upang mahanap ang nawawalang ama niya (ni Aila...