Chapter 9

49 34 0
                                    

Lei's Pov

Unexpected situation

Nasaan na ba ang mga iyon? Ang tagal tagal nila kanina pa kami naghihintay dito, ang usapan namin 8:30am pupunta dito sa mansion nila Niña pero maga alas nuebe na wala pa sila hayss pilipino time nga naman.

“nasan na kaya yung mga yun?” si Akhira.

“pare-pareho tayong nandito tapos sa'min mo itatanong” pambabara ni Louie kay Akhira.

“buraot ka rin eh 'no? Ganda ganda ng umaga ko sisirain mo!” mataray na saad ni Akhira kay Louie.

“bakit naman masaya?” ekseheradong tanong ni Louie.

“wala lang binigyan ako ni dad ng 50k panggastos sa gmik natin for todays video hahaha” natatawang saad ni Akhira na ikinalaki ng mata ni Louie.

What? 50k ang laki naman! Hindi na lang ako magtataka spoiled nga pala itong si Akhira sa daddy nya.

“ang laki naman nyan! libre mo'ko sa Jollibee ah! Bff muna tayo ngayon makwarta ka eh!” seryusong saad ni Louie na ikinatawa ni Akhira maging si Lavinia, Ace at Henry ay hindi na din napigilan ang pagtawa.

Bff daw porket may pang Jollibee si Akhira!!! Ibang klase talaga itong si Louie!

Sumandal ako sa aking kotse dahil nangangalay na sa kakatayo at medyo naiinip na din sa kanila.

Ang tagal nila baka binuhat na nila pati kanilang mga mansion!

“ANDYAN NA SILA!!!” sigaw ni Louie at tiningnan naman agad namin kung nandito na nga sila pero wala pa din.

Binatukan sya ni Lavinia dahilan para tawanan namin sya.

aray!! para saan naman yun?” nakangusong tanong ni Louie kay Lavinia.

Ibang klase talaga itong si Louie lakas ng trip, kadalasang pagtripan si Ace tapos pagnatatalo sya ni Ace ako naman pagtitripan nya.

“luko ka kasi, pasigaw-sigaw ka pa na nandyan na sila!!” sermun sa kanya ni Lavinia.

“nandyan naman na kasi talaga sila!!” madiing saad ni Louie.

Akmang babatukan na sya ulit ni Lavinia ng sumigaw si Louie.

“mga IMPAKTO kayo lumabas na kayo dyan ako ang napapag-initan dahil sa trip nyo'ng iyan!” sigaw ni Louie na halos mapagaw na.

Kasalukuyan kasing nandini kami sa parkingan ng kotse nila Niña which is mean nasa loob kami ng bakuran nila Niña.

At mga luko at luka, nakatago lang pala sa gate nagatatawa pa sila habang papalapit sa amin.

Lakas din ng trip nila, edi sila na malalakas ang energy!

“bwesit ka Drie pasenyas-senyas ka pa dyan na wag maingay e ako ang nababatukan at hindi ikaw!!” inis na saad ni Louie sa isang lalaki na kasama nila Mhea.

“sinunod mo naman?” pang-aasar nong lalaki kay Louie.

“sino yan?” tanong ni Henry kay Louie.

“sino pa edi shota ni selfie girl Mhea!!” inis na sagot ni Louie.

Ahahaha badtrip na si Louie!!!

The tapestry of love (ONGOING)Where stories live. Discover now