"Did you miss Uncle pogi?" tanong niya. Nakita ko naman mula sa likuran niya si Rodolf. Aba sumama pala 'to.
"You're here," wika ko at lumapit. "Hindi ko expect na sasama ka kay Kuya." wika ko.
"Oo, sumama ako sa Kuya mo," wika niya. "Binabantayan ko kasi may pinupun-ouch!"
Napatigil siya sa pagsasalita ng hinampas ni Kuya ang braso niya. Ngumiti naman ako ng nakakaasar. "May pinupuntahan sino?" curious na tanong ko.
"Will I ever have Auntie pretty?" inosente tanong ng anak ko.
Gusto kong tumawa ng malakas,nakita ko naman na sinamaan ng tingin. Alam niya na 'di siya titigil ni Artheous kakatanong.
Tumingin naman siya kay Artheous, ngumiti siya at inayos niya ang pagkarga. "Not now,"sagot niya
"Soon?" tanong ni Artheous. "Yes Elias." sagot ni Kuya.
"May pagkain kayo?" tanong niya. "Oo nasa kitchen, kakaluto lang nung Adobo." sagot ko.
Naglakad na si Kuya habang dala si Artheous sa kitchen, kakain si Kuya for sure kasi napagod sa byahe. Kami nalang ni Rodolf ang naiwan sa may main door.
Kahit ako nacurious kung sino ang pinupuntahan niya dito sa Auckland maliban sa amin ng pamangkin niya.
"Hey, hindi mo tinuloy yung sinabi mo kanina," paninimula ko. "Sino ba ang pinupuntahan niya maliban may Artheous?" tanong ko.
Tumingin naman siya sa'kin. "Ikaw siyempre, sagot niya.
"Sus meron pa," hindi naniniwalang wika ko. "Alam ko na meron pa, umamin ka nga. Ikaw siguro ang-"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Therron was a lowkey about his life," he said. "Hinahanap ko pa kung sino 'yon." dagdag niya pa.
Napaisip ako sa sinabi niya na masyadong lowkey si Kuya about sa buhay niya. Totoo nga, hindi ko nga alam kung ano na status niya sa life, kung ang status niya hindi na siya mag-aasawa.
Pero hindi puwedeng mangyari 'yon. Kuya also needs to have someone of his own, who will be with him for the rest of his life.
Sumunod na kami ni Rodolf sa kitchen, nandito kasi yung dining room namin. I decided to combine the dining room and kitchen, because Artheous and I are the only two living.
I saw Artheous and Kuya eating together. Inukupahan ko ang upuan sa tabi ni Artheous. "Ganadong ganado ah!" wika ko habang tumingin kay Artheous na kumakain.
Tumingin lang sa'kin si Artheous at kumain ulit, tumawa naman si Kuya. "Hindi ka na talaga pinapansin ng anak mo," pang-aasar niya. "May pinagmanahan siguro kaya-"
Sinam*an ko ng tingin si Kuya, tumawa lang siya ng makita ang reaction ko. Mapang-asar talaga. Kitang kinakalimutan ko na yung tao.
BINABASA MO ANG
back on his arms
Romance[book 2 (final part): thera & theo] Living in a peaceful life with her son for 3 years, but a tragedy happened that cause them to back to the Philippines.