012: THEO

2 0 0
                                    

Pagkatapos ko malaman ang lahat, umalis ako sa bahay ng mga Winslet at pumunta sa company ng Family ko para i-pull out ang shares namin sa kanila..pero iba ang nangyari.

Pagkapunta ko sa room, I saw my older brother Joseph talking to someone sa kanyang phone, naroon ang dating secretary ko at si Mera.

That b*tch.

"We successfully manipulate him, ano na ang susunod Sir?" rinig ko na tanong ni Mera sa aking ama.

"Pagkatapos niyo siyang manipulahin, puwede niyo na kuhain ang lahat sa kanya." wika ng bastardo kong kapatid.

"Ginawa ko lang naman siyang pain para mabayaran ko ang utang sa mga Winslets at bumalik ang tiwala sa'kin nila Mom," wika niya at hinawakan ang balikat ni Mera.

Naramdaman ko ang pag init ng ulo ko sa mga narinig ko? All this time pinaikot lang ako ng mga taong to! Lumapit ako sa kanya at tinabig ko si Mera at ang kasama niya, sinira nila ang buhay ko!.

"F*ck you Joseph! you destroy me!" asik ko at sinuntok ko 'to.

"All this time! akala ko si Thera ang may kasalanan! akala ko niloloko niya lang ako or ginagamit, pero kayong lahat ang totoong kalaban ko!"

After that.. nalaman nila Mom ang nangyari, but hindi siya nakinig as always. After that umalis ako sa company nila, lahat ng na contribute ko na shares sa company kinuha ko at nagtayo ng sariling company.

I named my company Heras Corp. Back to zero ako, nahirapan at first since wala akong assistant, but after ilang years naging successful ang company ko all over the world.

Right now, nasa mall ako at naglalakad papunta sa security. Kailangan ko na din mahanap ang family ng batang 'to para makaalis na ako.

Pero before pa ako maglakad, narinig ko na may familiar na boses na tumawag. I turned around and I saw a woman I've been looking for for a long time.

"Elias!" He called the child, the child immediately released from my grip. Nakatayo lang ako at tinitignan ang bata na lumalapit sa kanyang Mommy.

Mommy?

May anak na siya?

Naglakad ako papalapit sa kanya, at nakita ko siya na tumigil sa pagsasalita. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya.

"Sorry.. yung pamangkin ko kasi malikot," wika niya.

Nakahinga ako ng maluwag, wala pa siyang anak kaya may paraan pa ako na bumalik siya sa'kin.

"Nasan ba parents niya?" Tumingin ako sa bata pero tinabig ni Thera ang kamay ko. Nakita ko naman na natigilan siya at umiwas ng tingin.

"I'm sorry."

"Don't be sorry I know-"

She cuts me off. "Y-Yung parents niya wala na," she said. "If wala ka na sasabihin aalis na kami."

"Thank you sa pag bantay sa nephew ko."pagpapasalamat niya at mabilis na naglakad papalayo.

Thank you lang? walang kamusta or what?

Napailing nalang ako, pero gusto ko pa siya makasama ng matagal. Umalis na siya agad, alam ko na takot pa siya sa'kin dahil sa nangyari noon.

MABILIS akong nakabalik sa condo ko, tatawagan ko si Agosto kaagad na ipapapostponed ko muna ang meeting para bukas.

Kinuha ko ang laptop ko, pagkabukas ko tumambad sa'kin ang wallpaper ng laptop. Ang wedding photo namin.

Inangat ko ang kamay ko upang haplusin ang screen ng keyboard. "I miss you..Thera."

back on his armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon