"Hindi nanaman makakatulog mamaya si Daia, kasi sinabi mo nanaman," ani Rodolf.
Ayos, pinagtutulungan pa ako ng dalawa. I gave Rodolf a d*ath glare and he laughs. Hindi na ako nagsalita muli dahil alam ko na patuloy lang nila ako aasarin. After nila Artheous at Kuya kumain. Pumunta na sila sa living room para manood ng movie.
Naiwan ako sa kitchen para kumain at maghugas na din ng mga plato. "Uncle,Uncle I like Batman!" rinig kong sabi ni Artheous. Manonood sila ng movie at batman nanaman, hindi nagsasawa ang anak ko kakapanood sa movie ni Batman. "Batman again? bakit hindi si Superman?" rinig kong tanong ni Kuya.
"I like Superman..but I really like Batman!" wika ni Artheous. Ipaglalaban niya talaga kung sino ang gusto niya.just like him....Teka,bakit naalala ko nanaman siya. Kinakalimutan ko na nga siya,pero si Kuya sinabi nanaman tsk!
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at naghugas ng plato. After that, pumunta na ako sa living room para makinood sa kanila. Ang nadatnan ko sa living room, magkatabi sila Kuya and Artheous na nakaupo sa sofa, while si Rodolf nasa mini table at sa lapag nakaupo, nakatutok sa laptop at nagttype. Kahit dito nagtratrabaho pa din siya.
"Appointment mo kay Mr.Campbell, next week," wika ni Rodolf. Nakita ko naman na kumunot-noo si Kuya. "Again?" naiiritang tanong ni Kuya.
Nakita ko naman si Artheous na napaangat ng ulo. "Sorry, Uncle pogi is shouting," paghingi niya ng paumanhin sa anak ko.
"Nakausap ko na si Mr.Campbell, why may appointment siya again?" tanong ko at lumapit kay Kuya at umupo sa tabi niya. "Ayun na nga," wika ni Rodolf at pinakita niya ang laptop samin. "Makulit siya, tinatanong namin kung bakit niya gusto makipag-collab sa company natin, hindi niya sinasabi." wika niya.
"Ang suspicious naman niya kung ganun," wika ko. Totoo naman, kasi hindi naman mangungulit ang isang tao kapag walang kailangan, unless..may plano siya or balak na masama. "Can we investigate him?" tanong ko.
"Puwede naman," Rodolf said. May pinindot siya na hindi ko alam at ilang minuto ang nakalipas lumabas ang mga informations niya at kung sino sino ang mga ka-share niya din sa company niya.
WALKER..
NGUYEN..
PARKER...
SMITH..
ALVAREZ..
THATCHER?
"BAKIT MAY THATCHER DYAN?" gulat na tanong ko. Napatingin naman ako sa kanila na tumahimik din. "Why? may problema ba sa kanila?" takang tanong ni Rodolf
Wrong move! dapat pala nanahimik ako bago ako nagsalita. "Ibang Thatcher 'yan," ani Kuya at tumawa. Gusto kong magpak*in sa lupa ngayon, nakakah*ya!
Mas lalo akong aasarin ni Kuya. "Umamin ka nga Daia,minahal mo ba talaga siya?" tanong ni Kuya.
BINABASA MO ANG
back on his arms
Romance[book 2 (final part): thera & theo] Living in a peaceful life with her son for 3 years, but a tragedy happened that cause them to back to the Philippines.