"Please welcome, Miss Miya Gallardo!"
Wala sana akong balak kabahan. Ilang beses naman na akong nakakanta sa stage na ito ngunit may kung ano sa likuran ng aking isip ang nakakaramdam ng pagkabahala.
Nang i-announce ang pangalan ko ng DJ ay halos mabingi ako sa lakas ng sigaw at palakpakan. Karamihan ay mga lalaki at sanay naman ako roon. Hindi na bago ang ganoong eksena.
Pero ano 'to? Bakit biglang nanlalambot ang tuhod ko?
Itinago ng mapula kong labi ang kakaibang kaba na nadarama gamit ang aking praktisadong ngiti. Humakbang ako patungo sa entablado at tumungo sa gitna nito na may hawak na mikropono.
Lalong lumakas ang hiyawan ng makinig ko na ang After Hours ni Kehlani sa background.
Nabalewala ang kaba ko sa malakas na tugtog at nag-umpisa igalaw ang aking balakang. Nagkagulo ang mga kalalakihan sa ibaba ng stage ng umpisahan ko ang pag-awit.
We don't gotta take it slow
I'ma hit the gas if you ready to go
I wanna feel the sweat, breathin' through your clothes
The way you touch my neck got me ready to foldKasabay ng bawat maharot na galaw at pag-awit ko ay nakuha ko pang igala ang aking paningin sa kanang bahagi ng bar. I smiled when I saw someone staring at me kaya pumihit ang katawan ko patungo sa kinatatayuan niya at kinantahan s'ya. Ngumiti ako habang kumakanta at sinasabayan ng kontroladong galaw.
I wanna make magic
I want you to feel me
I want you to grab it
I want you to steal me
If you want it, you can have it
I want you to free me
I'm not tryna lock you downHindi ko alam kung anong sumapi sa akin at hindi na ako bumaling sa iba. Nakakandado sa lalaki ang paningin ko at ang kaba na kanina ay nararamdaman ay naging kumportable habang sa kaniya ako nakatingin.
The people around me roared as I started walking towards the man I'm staring at. Ang ilan ay wala sa pagkanta ko ang atensyon kung hindi sa katawan ko. Ang iba naman ay panay ang cheer lalo na ang ilang naging kostumer ko at naging kaibigan ko na rin.
You came here on your own, own, own
Caught up in your zone, zone, zone
In a room full of strangers, different faces
It feels like we're alone, 'lone , aloneNang makalapit sa kaniya ay tumutok sa amin ang spotlight. Doon ko lang din na-aninag ang kaniyang mukha at pinigilan ko mapakagat sa labi ng makitang titig na titig ang kaniyang mga mata sa akin. Ang gwapo ng lalaking ito! Mula sa perpektong pagkahubog ng panga nito at ang mataas na ilong ay parang pinag-igihan talaga ng kaniyang magulang ang pag gawa sa kaniya.
I notice how the side of his lips curve dahil nakatingin ako sa kaniya. Gumanti ako ng mapang-akit na ngiti.
Lalong gumwapo ang lintik.
Iginiling ko ang pang pang-upo habang umiikot at ine-enjoy ang pagkanta. Sinasadyang akitin ang lalaking hindi inaalis ang paningin at matamang nakatingin sa akin. Hindi ko makita ang disgusto sa kaniyang mga mata kaya pinagpatuloy ko ang pag-awit.
Why don't you stay?
Stay here after hours
I know you don't wanna leave
Stay here after hours
After hours, we can-
We ain't gotta check the time
Even when it ends, it's still you, and I
We ain't even know they turned on the lights
We missed the last call ridin' on a high (oh, oh, oh, oh)Matapos ang chorus ay nakabalik na ako sa stage. Natuwa pa ako dahil may naglagay sa sahig ng mga tip nila. Ipapadampot ko iyon kay Agnes pagkatapos ng tatlo pang kanta.