"M-miya sigurado ka ba talaga? Ano. . . Mag-raise kaya tayo ng funds? Icancel mo na lang Boss."
Isang sapok ang natanggap ni Agnes mula kay Beca. Napangiti ako pero umiling.
"Pumayag ako sa payo ng doktor Agnes. Operasyon ang gagawin sa kapatid ko at kailangan sa lalong madaling panahon ay gumaling sya. Kung tutunganga lang ako ngayong gabi at aasa sa mga maaawa ay baka pati s'ya ay kunin na rin sa akin. "
Kahit sa isipin na ooperahan pa lang si Moymoy ay kating-kati na ang paa ko para takbuhin ang kinalalagyan n'ya. Ang kaso ay hulog ng langit ang taong interesado makama ako. Mahigit kalahating milyon agad ang tinransfer sa aking account na agad kong ginawang down payment sa hospital para makahanap agad ng doctor na mag-aasikaso sa surgery ng kapatid ko. Bukas na bukas ng umaga ay pupunta ako roon para makita ang aking kapatid at permahan ng ilang papeles.
"Susunod sa kwarto si Mister Sy." Inabutan ako ni Beca ng damit na kailangan kong suutin bago pumasok sa loob. Kulay puting lingerie iyon at sa ibabaw ay maskara na natatakpan lang ay ang noo at mata. Parang pusa ang hulma nito at balahibong puti rin sa paligid na kumikinang.
Napalunok tuloy ako at pinanginigan ng kalamnan.
"Ako na bahala sa pagbisita kay Moymoy. Huwag ka na masyado mag-alala." Tinapik ako ni Beca sa balikat at hinila na si Agnes na pinabaunan ako ng ecobag. Pagbukas ko ay baunan iyon na may lamang kanin at ang adobo na luto ni boss. Hindi nga pala ako kumain kanina.
Sa totoo lang ay hindi ko ramdam ang gutom. Nakakahiya rin na kumain ako at mag amoy ulam ang bibig ko kahit kakasepilyo ko lang.
Binuksan ko ang pintuan na may signage na kulay ginto. Sobrang simple lang pero ang ganda ng disensyo at maliliit na pagkakaukit ng kung ano sa gilid nito.
Iginala ko ang paningin sa loob ng silid at muling napalunok dahil sa samu't saring kaba.
Isang malaking kama agad ang bubungad na may makapal at malambot na kutson. Ang punda ng unan ay pula at dalang silk na puti ang nasa magkabilang gilid. Gawa rin sa sutla ang kobre kamang parang malapot ma dugo ang kulay.
Nagtaasan ang balahibo ko. Ewan ko. Ayaw ko talaga ng kulay ng dugo. Kahit na anong ganda nito sa mata ng iba ay may ibang hatid na pakiramdam ang kulay pula para sa akin. Hindi nga ordinaryo ang Golden Door na bukambibig ng mga katrabaho ko. Paano ba naman kasi ay pagpihit ko sa kanan para hanapin ang banyo ay puro sextoys ang nakita ko. May mga litrato rin sa pader na mapapatulala ka na lang dahil sa pagkabigla.
Dire-diretso akong pumasok sa banyo bitbit ang damit at ecobag. Napanganga pa ako dahil mas malawak pa ata ang banyo na ito kaysa sa tinitirhan namin ni Moymoy. Kung ang bungad ng Golden Room ay pula sa banyo naman ay sobrang puti. Parang kinukuha ako ni San Pedro sa sobrang liwanag at ang mga kagamitan ay mga mamahalin.
May bathtub na transparent sa pinakadulo ng bathroom at shower na may heater ang nasa gilid nito. Madali akong naligo at ilang beses nagsabon at naghilod ng katawan. Ginamit ko ang vanilla shampoo na nasagilid at bodywash. Pagkaahon ay nagtuyo ako ng katawan at isinuot ang bathrobe bago mag blow dry ng buhok. Nang matapos ay nagbihis ako at nag-apply lang ng light na lipstick.
Anong silbi ng lipstick ko kung mawawala rin mamaya?
Napatango ako sa naiisip. Nang makuntento ako sa aking itsura ay lumabas na ako sa banyo.
Wala pa rin si Mister Sy kaya naisipan ko na uminom ng alak na nasa lamesa at sindihan ang maliit na kandila sa gilid nito. Napanood ko 'to sa tv eh. Nakakapagparelax daw ng utak at nakakapagpakalma. Nakangiti pa ako ng medyo lumiwanag ang paligid at sumimsim ulit sa baso ng red wine.