Chapter 2

4 0 0
                                    


Niyaya ako ni Alenzi?! Alenzi?! Niyaya akong magkape?! WOW! Naglalakad na ako pauwi habang iniisip 'yong mga nangyari kanina dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. It's a miracle! 3 years na akong naghihintay tapos kung kailan na malapit matapos ang Junior High School  ay hindi ko man lang naranasan ang high school love na'yan! 


"Good mood ka 'ata ate ah? Na-crush back ka na ba ni Alenzi?" Sabi ng nakababatang kapatid ko na si Aries.


"Ah oo, Intramurals kasi kanina diba? Tapos na sainyo?" Sabi ko sa kapatid ko.


"Opo ate, Last week pa. Nauna lang kami." Sabi ni Carina. Same year sila ni Aries.


Tumango lang siya at dumiretso na sa kwarto nila ni Aries, naiwan ako dito sa sala dahil magliligpit pa ako at magluluto ng dinner, wala pa kasi si mama. Nagpalit lang ako ng damit at inayos ang mga kalat sa sala at kusina. Nagluto na din ako ng Chicken Curry, mayroon naman kaming ingredients sa ref.


"Aries! Carina! Bumaba na kayo riyan, kakain na!" Tinawag ko na sila sa taas para makakain na  kami ng sabay-sabay.


"Wow! Ang bango, ano ulam ate?" Tanong ni Carina.


"Secret.. Upo na kayo diyan, wala ba sinabi sainyo si mama kung anong oras siya uuwi? Mag alas-otso na." Tanong ko sa kapatid ko dahil kahit text ay wala pa din si mama.


Naghain na ako at umupo sa hapag, nag ready naman ng mapapanood 'tong si Aries. Horror ang pinapanood namin kahit alam niyang ayaw ni Carina na nanonood ng horror movies kapag gabi dahil nanaginip daw siya ng masama. Habang nagtatalo ang dalawa sa kung ano ang papanoorin napatingin ako sa cellphone ko dahil bigla itong vibrate ng vibrate.


@wenzki messaged you


Kinuha ko agad at binuksan ang instagram ko! Grabe napaka oa niya naman, Ang dami niyang message akala mo iiwan siya eh, sa'yo lang naman ako, kimi!


wenzki: Hey, You're still up?

wenzki: How are you?

wenzki: What time tayo mag meet-up tom and where? 

wenzki: hey? you're still there?


"Luh, ngumingiti ka na diyan! Ma, si ate ngumingiti habang nakatingin sa phone! May jowa na siya." Sigaw ni Aries, Nandiyan na din pala si Mama, kakarating lang.


"Don't talk when you're mouth is full." Pagsuway ni Carina kay Aries.


"Epal ka, ngumiti lang may jowa na agad?" Pag deny ko. Hindi ko din muna siya nireplyan at naghain ng pagkain para kay Mama dahil mukhang pagod na pagod siya.


Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng pagkain ni Mama at ayusin ang mga grocery, habang kumakain ang mga kapatid ko sa sala.


"Salamat Naia ha?" Sabi ni Mama sa likod ko. "Bakit ma?" Curious na tanong ko sakaniya. "Kasi tinutulungan mo akong alagan ang mga kapatid mo." Naiiyak na sabi ni Mama. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Amongst the WaveWhere stories live. Discover now