#3

7 1 2
                                    

Kiana's pov:

Hay, king ina! Nakakapagod pero sulit naman kasi may maisasahod ako at nakita ko siya kanina, hihihi.

Ang pogi niya tagala. Sayang lang at ang taas yata ng standard niya sa babae. Ikaw ba naman anak ng Presidente, edi talagang mataas standard mo.

Nakilala ko rin yung isa sa mga cousin niya si Kuya Borgy. Kanina parang inaasar siya ni Kuya Borgy, HAHAHA ang cute nila tignan.

Ang gwapo niya talaga. Hinding hindi ako magsasawa na ulit ulitin na sabihin na ang gwapo niya dahil totoo naman.

"Huy!..." Nawala yung pag-iimagine ko dahil binatukan ako ni ate sa ulo. Ano bang problema nitong babaeng to. Kung maka batok wagas, parang hindi kapatid ah.

"Ano yun!?" Inis na tanong ko sa kaniya. Ang sakit ng pagbatok niya sa akin, nawala pa tuloy yung imagination ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero nakabukaka yang bunganga mo at ngiting ngiti ka pa" Naka pameywang na sabi nito sa akin. Ay, ganun ba?

Nakamot ko nalang yung ulo dahil sa sinabi niya. Iba na yata nagagawa ng pag-iimagine ko kay Simon ahh.

"Halika na dito, kakain na!" Sigaw niya. Bumalik na pala siya sa kusina.

Tumayo naman na ako sa kinauupuan ko, nandito kasi ako sa terrace namin. Naglakad na ako papunta sa kusina namin.

Naupo ako sa mono block na upuan at nagsandok na ng kanin. Itlog na prito at sidang tilapia na tira kaninang umaga, ayun lang ulam namin.

"Oh, kumusta naman ang trabaho?" Tanong ni ate sa akin. Kinuha ko muna yung tubig ko at uminom.

"Ayos naman, oo pala ate hihi hindi ka maniniwala." Nakwento ko na kasi sa kaniya na sa restaurant na pinagtratrabahoan ko minsan kumain ang mga Marcos, napabalita rin naman yun kaya naniwala siya.

"Ano naman" walang interest na sabi niya habang nililinisan yung isda niya.

"Yung second son ni President BongBong, si Simon hihihi nagpunta ulit siya sa restaurant kasama yung pinsan niyang si Kuya Borgy" Alam kasi ni Ate na may crush ako kay Simon nuon pa nung election palang.

"Oh, ano naman?"

"Hay, si ate talaga... Naalala niya pa yung pangalan ko hihihi wala lang ang saya lang na nag-eexist na ako sa kaniya. Na nakilala niya na ako, yung future girlfriend niya hihihi"

Hindi ko namalayan na napunas ko na pala yung kamay na gamit ko pangtanggal ng mga tinik sa mukha ko. Ano ba yan, ang lanit!

"Hay nako ka Kiana... Trabaho ang isipin lalo na at taghirap ngayon" bilin ni ate sa akin. Alam ko naman yun pero bawal ba kiligin?

"Ang killjoy mo talaga ate, kaya hindi ka nagkaka boyfriend eh" sinamaan niya naman ako ng tingin ko ngumiti lang ako sa kaniya at bumalik sa pagkain.

"Ay oo nga pala ate, may raket ako bukas. Wala rin naman akong pasok sa restaurant bukas. Alam mo na kapag sabado at linggo, raket day"

Ang trabaho ko talaga ay ang pagiging waitress sa restaurant pero kapag sabado at linggo naman ay maymga raket ako sa izoo food court.

Alam na dapat mag double kayod Dahl taghirap ngayon. Kahit na may parehas na kaming trabaho ni ate, hindi parin sumasakto sa amin ang mga suweldo namin.

Weekly kasi ang sahod ko eh, araw araw ang gastos kaya dapat nagdodoble kayod din. Isa nga palang call center agent si ate, sa ngayon ay umaga to hapon siya kaya kapag gabi ay nandito siya at nakakasabay kong kumain ng dinner.

Yung mga raket ko nga pala ay pagkanta. Mahilig na talaga akong kumanta, dream ko nga na maging sikat na singer pero kailangan kong magising sa katotohanan na hindi magiging totoo yun kaya sa mga raket ko nalang ginagawa.

Rumaraket din ako sa mga events. Nagho-host ako lalo na kapag sa mga birthday celebration.

"Magpahinga ka naman kahit isang araw lang sa pagtratrabaho mo, Kiana. Masiyado mo ng pinapagod ang sarili mo, may budget pa naman tayo kaya wag ka munang tumuloy sa raket mo. Magpahinga ka nalang"

"Sayang din kaya yung perang makukuha ko dun ate, tyaka hindi naman ako napapagod."

"Hay, nako ka... kapag ikaw na hospital na naman dahil diyan sa kakulitan mo"

"Hindi na yun mauulit ate" sabi ko sa kaniya at tinaas yung kamay ko, yung parang nangangako ka.

Itinuloy namin ang pagkain hanggang sa matapos kami. Mabait yata ang ate ko ngayon dahil nagprisinta siya na siya na yung maghuhugas ng mga pinagkainan namin.

Pumunta naman ako sa kwarto ko at nagpahinga lang saglit at kinuha yung twalya para maligo na.

Lumabas ako at pumunta sa banyo namin. Bigla akong tinamad kaya nag half bath nalang ako. Mabango naman ako at hindi naman amoy pawis yung ulo ko kaya okay na yun.

Love Me (Simon Marcos)Where stories live. Discover now