#6

6 1 0
                                    

Kiana's pov:

"Hi, good morning. Did you sleep well? Have your breakfast!" Wala na. Naka-ngiti na naman ako nito.

Kakagising ko lang at kagaya mo, kagaya nila, cellphone agad ang kinuha ko pagkagising ko.

Unang notification na binuksan ko ay ang Instagram account ko. Dati naman hindi ako mahilig magpunta sa app na to pero simula nung maging magkaibigan kami ay halos ito nalang ang binubuksan kong app.

Isang linggo na kaming magkaibigan ni Simon. Madalas din ang pag-uusap namin sa ig.

Parang hindi na nga ako mabubuhay kapag walang notification na galing sa Instagram.

Nagtype ako sa keyboard ng irereply ko sa kaniya. Dati pinapangarap ko lang na sana maging close man lang ako kay Simon pero ngayon sobra sobra na, hehe.

"Hi! Good morning din. Nakatulog naman ako ng mahimbing, ikaw ba kumusta tulog mo? Mapaparami yata ako ng kain ngayon ah HAHAHAHA" sent.

Naka-ngiti habang tinatype ko ang reply ko sa kaniya. Bumangon na ako at humarap sa salamin at inayos ang nagmamantika kong mukha at nagsuklay na rin.

Kinuha ko yung cellphone ko at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si ate na naghuhugas sa lababo.

"At buti nagising ka pa" ang init naman yata ng ulo niya ngayon.

Uminom ako ng tubig at naupo sa upuan. Tinignan ko yung niluto niya. Hotdog, scramble egg tapos sinangag na kanin.

Hmm, mapapakain nga ako ng marami ngayon. Kumuha ako ng plato at naglagay na ng sinangag na kanin sa plato.

"Wala kang raket ngayon?" Tanong ni ate. Umiling lang naman ako dahil punong puno yung bunganga ko.

"Oh... Ipambayad mo yan ng koryente at tubig." Sabi niya at nagbigay ng pera sa akin. Tinuro ko naman yung lamesa at nilagay niya yung pera duon.

"Anong oras ng work mo ate?" Tanong ko sa kaniya nung malagok ko na yung pagkain na nasa bunganga ko.

"Ngayon na" sabi niya at pumunta na sa loob ng cr. Tinapos ko naman yung pagkain ko pero hindi parin mawawala ang cellphone sa tabi ko.

Ting! Tunog ng notification ko. Excited na inopen ko yung notification and sa Instagram nga ang notification.

"That's good. Maayos din ang tulog ko I dreamed about you nga eh. HAHAHA you have a big monster inside you" reply niya sa akin.

"Huh? Ano naman ang napanaginipan mo sa akin? Gutom na gutom si halimaw HAHAHA" sagot ko sa kaniya at nagsend din ako ng picture.

Madalas din kaming magsend nga mga picture sa isat isa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Madalas din kaming magsend nga mga picture sa isat isa. Nung una ang awkward pero dahil madalas ang pag-uusap namin ay mas naging normal na saamin ang ganito.

Kahit nga nakakatawa na yung itsura ko ay sinesend ko sa kaniya. Nung una nahihiya ako pero makapal din talaga ang mukha ko kaya mas nagagawa ko na siya ng hindi masiyadong nahihiya.

"HAHAHAHA eat a lot but don't forget to drink some water" tignan mo rin ang lalaking to.

Nakakatawa yung mukha ko sa picture pero hinart react niya parin. Ganyan siya, kahit na ang pangit ko na sa picture na sinesend ko sa kaniya hinahart niya parin.

"Are you free ngayon?" Tumingin ako sa phone ko kasi nagnotif na naman. Tinignan ko yung chat niya sa akin.

"Oo, bakit? Yayayain mo akong magdate? HAHAHAHA" naloloko ko na rin siya. Nung una ang awkward talaga kapag jinojoke ko siya lalo na at aircon humor siya eh ako kanal humor ang meron ako.

"HAHA maybe, so are you free?"

"Free naman ako pero may pupuntahan pa kasi ako. Anong oras ba?"

"Hmm, 1 pm sana? G ka?"

Maaga naman ako siguro matatapos sa pagbabayad ng tubig at koryente.

"Sige pero baka malate ako ng kaunti ahh, okay lang ba? hehe"

"Yeah, it's okay. Sa izoo food court nalang tayo magkita"

"Sige!" Naputol yung convo namin at tinuloy ko naman yung pagkain ko.

"Alis na ako, ilock mo tong pinto ng maigi kapag aalis ka na" sabi ni ate at nilagay sa lamesa yung susi ng bahay. Tumango naman ako sa kaniya.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ito at pumunta sa kwarto ko para kunin yung twalya ko at dumeretsyo sa banyo.

30 minutes lang ay tapos na akong maligo. Namili naman ako ng idadamit, namili pa talaga ako eh wala naman akong ganun karaming mga damit na bago.

 Namili naman ako ng idadamit, namili pa talaga ako eh wala naman akong ganun karaming mga damit na bago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nag ayos lang ako ng sarili ko at lumabas na ng bahay. Nilock ko ito at naglakad na papunta sa waiting shed.

Sakto naman at may bus ng dumating at sumakay ako. Sinabi ko sa kondoktor kung saan ako bababa at binigay ang bayad ko. Grabe nagmamahal na talaga ang mga gastusin ngayon, ako kaya kailan niya mamahalin?

Love Me (Simon Marcos)Where stories live. Discover now