#5

7 1 1
                                    

Kiana's pov:

Nakakailang kanta na rin ako at marami pa ang mga request nila.

Marami raming pera na naman ang maiuuwi ko dito, HAHAHA.

Nag break lang saglit para makapag meryenda naman ako kahit papaano at mapahinga ko ang boses ko.

Oh, diba ang bait ni bossing kahit na mainit lagi ang ulo.

"Ilang request pa, bossing?" Tanong ko habang nilalantakan yung fries at hamburger na binili niya.

Kaya gustong gusto ko si bossing eh, may pa meryenda sa akin.

"Nasa bente pa yata ang nasa box, may mga iba pa silang request"

"Ano ba naman yan. Miss na miss yata ako ng lahat ah HAHAHA" Biro ko kay bossing at umiling lang naman ito.

"Maloko ka talagang bata ka. Bilisan mo na diyan at marami rami pa ang kakantahin mo" sabi ni bossing at umalis.

Inubos ko naman yung hamburger ko at ininom yung coke ko. Nagpahinga at niready ko lang yung boses ko at nung okay na ay bumalik na ako sa mini stage.

Hinanap agad ng mga mata ko si Simon. Nasa may table parin sila. Nag-uusap usp at nagtatawanan sila.

Ang cute at ang gwapo niya talaga, hihihi.

"Good afternoon sa inyong lahat. Salamat sa paghihintay at sa pag request ng mga kanta. Dahil sa inyo marami raming pera ang maiuuwi ko HAHAHAHAHA"

Nagsitawanan naman sila dahil sa sinabi ko.

"Okay! Simulan na natin ang pagkanta!" Sabi ko at kumuha ako sa box ng mga request nila at sinearch ko naman yung lyrics.

Nagsimula ng tumugtog yung music.

"Dear future husband..." Pagkanta ko at tumingin sa pwesto nila Simon. Hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa akin.

"Here's a few things you'll need to know if
You wanna be my one and only
All my life" nakatingin parin ako kay Simon habang kinakanta ang linya na yun.

"Take me on a date, I deserve it, babe
And don't forget the flowers every anniversary
'Cause if you'll treat me right, I'll be the perfect wife
Buying groceries, buy-buying what you need
You got the 9 to 5, but baby, so do I
So don't be thinkin' I'll be home and baking apple pies
I never learned to cook, but I can write a hook
Sing along with me, sing, sing along with me"

Sumayaw sayaw ako nang kaunti at yung mga tao naman ay sumasabay sa pagkanta ko.

Nag vi-video rin yung iba. Sana mag viral para makita naman nila yung talent ko, charot!

Natapos ang kanta na yun at may mga ilan pa ako kinanta. Dumating yung kapalit ko na kakanta kaya naman nandito na ako ngayon at nakikinuod.

Nagutom ako kaya naman tumayo ako at pumunta sa may barbeque food. Nag order ako ng sampung barbeque. Gutom na gutom ako kaya sure ako na mauubos ko to.

Pabalik na ako nung may nakabanggaan ako. Ang bango naman ni kuya.

"Ay sorry po, hindi ko po sinasadya" sabi ko at nag bow ng kaunti. Nalagyan pa tuloy  ng mantya yung sleeve niya.

"It's okay, Kiana" hah? Paano niya nalaman yung pangalan ko? Tumingin ako sa taong nabangga ko at ganun nalang ang gulat ko nung si Simon pala yung nakabangga ko.

"Si-sir Simon! Sorry po, hindi ko po sinasadya na mabangga kayo" guilty na sabi ko.

Wala akong tissue or panyo para sa mantya sa sleeve niya. Huhu, paano na niya ako magugustuhan kung unang impression niya palang sa akin ay wala na.

"HAHA it's okay, hindi rin naman ako tumitingin sa way ko kanina." Sabi niya at kinuha yung panyo niya at pinunas sa kamay ko na nalagyan na pala ng mantya.

"Sorry talaga" sabi ko sa mahinang boses.

"It's okay, may kasama ka ba?" Tanong naman niya at umiling lang ako.

"Can I come with you? Pambawi mo nalang sa akin" tumingin ako sa kaniya, ngunit lang naman siya.

"Pero...yung mga kasama mo..." Nag-aalangan na sabi ko.

"They can manage themselves" sabi naman niya. Wow, English yun girl.

"Ahh, okay..."

"Where are you going nga pala? Ang dami naman yang barbeque mo"

"Ahh hehe nagugutom na kasi ako kaya naman naparami ang bili ko. Gusto mo ba?" Nakakahiya naman. Nakikita niya kung gaano ako ka patay gutom.

Naglakad kami hanggang sa pumunta kami sa labas ng izoo food court. Dito makikita mo yung city view. Hindi naman na ganun kainit kaya pwedeng pwede na tumambay dito.

Tignan mo, sabi niya ayaw niya raw ng barbeque pero siya nakaubos ng barbeque ko. Pero okay lang basta si Simon okay lang, hihihi.

Marami kaming napag-usapan. Inaalam namin ang mga kaniya kaniya naming buhay. Nagkasundo rin kami na maging magkaibigan.

Ang saya lang na may kaibigan akong kagaya niya. Ang gwapo niya talaga.

Nagpalitan na rin kami ng ig account at contact number. Hihihi, ngayon may rason na ako kung bakit araw araw magpaload.

Gabi na nung naghiwalay kami. Gusto niya nga akong ihatid pero masiyado naman na yatang nakakahiya yun kahit na magkaibigan na kaming dalawa.

Hanggang sa pag-uwi ay hindi ko maalis yung ngiti ko. Hindi daw makakauwi si ate kasi pinag over time sila.

Hanggang sa pagkain, paghugas, pagligo, at pagtulog ay hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. Hihihi, magkaibigan na kami g dalawa ng crush ko.

Love Me (Simon Marcos)Where stories live. Discover now