Tag-iyak
#001Ulan ang pinakamabisang paraan para sumaya.
Hindi inaasahan ang biglaang pagbuhos ng ulan, masyadong ngumingiti ang araw kaya't wala akong ideyang darating ito ng biglaan, sa pagkakataong iyon ay muli kong naramdaman ang pagtulo ng mga butil nito sa aking balat, kung saan tila kahit sa maingay na paligid ay limot ko ang lahat.
Ang tanging naaalala ay kung paanong ang kulog ay hindi na nakakatakot, satuwing makulimlim ay hindi na ako sumisimangot, naging kakampi ko ang mga ulap at panahon, na sa kabila ng malamig na hangin ay ginagawa ako nitong mahinahon.
Narinig ko kung paano kinakatok ng ulan ang aming bubong, sa kung paanong ginawang padulasan ng ulan ang yero, hindi lang naman pala pag-iyak ang ipinahihiwatig nito, sapagkat ngayon ko lang nasaksihan na ang ulan ay naglalaro.
Iniisip ko tuloy kung bakit mas pinili kong magkulong sa silid, gayong tuwing umuulan ay umaayon sa akin ang paligod, sabagay at hindi mo rin kayang titigan ang ulan ng nakaangat ang tingin, kaya't hindi mo rin nakitang hindi bumisita ang ulan para ika'y hamakin.
LliAn
#TintaSaKalawakan