Tag-iyak
#003Hindi ba kapag umuulan ay gumuguhit ka ng araw sa kaldasa? Para huwag itong tumuloy at hindi ka makarinig ng kulog, sa ganoong paraan wala ring kidlat, hindi ka matatakot at nanamnamin ang araw habang ito ay sumisikat.
Ngunit habang tumatagal napagtatanto mong ayos lang umulan paminsan minsan, tipong maaaring mapakinggan ang sigaw ng kulog, o kung paano kumawala ang takot sa kidlat.
Madalas, yung kinatatakutan mong pagbuhos ng tibig mula sa yero ay siya palang huhugas sa mga sugat mo, na ito pala ang pinakamabisang paraan para maghilom, ang sumigaw at kumawala.
Hayaan mo lang na umulan, sa mga susunod masasanay ka rin, at hindi ka na matatakot satuwing kukulimlim, sa halip ay mas nanaisin mo ng ulanin.
#TintaSaKalawakan