Tag-iyak
#005Takip silim habang umuulan,
ganoon pala ang pakiramdam kapag naiiwan, payapa kung humagod ang hangin, habang may mga salitang hindi bumibitaw kahit nais mo na silang palayain.Iba ang pagtama ng mga ilaw kung tititigan, niyayakap na lamang ako ng hangin para mapatahan, hindi naman ganoon kalakas ang buhos ng ulan, sapagkat hindi mo ito masisilayan.
Iba na kung sumayaw ang mga dahon, kumakaway ito at pilit kumakapit, habang ang musikang napapakinggan ay tila paulit-ulit, at hindi na ito nagbibigay ng hinahon.
Hanggang sa natapos ang kanta, naglaho na rin ang araw, mas dumilim ang paligid, at muli na lamang na ikukulong ang ulan kasama ko sa isang silid.
#TintaSaKalawakan