Chapter 20

7 1 0
                                    

"Ms. Albia, nandito na po ang nakipag negotiate sa atin." ani Betty, "Pogi, mabango, ang laki ng katawan. I-deal mo na kaagad nang araw araw ko siyang makita. Huwag mo na iutos kina Mang Lando kung sakaling may ipapadala kang product sa company nila, ako na lang. Ako na lang gagawa, Ms. Albia!" parang nawawala na sa katinuan si Betty sa kaka-pantasya. Nabuhay tuloy ang curiousity ko sa kung sino nga ba ang makakaharap namin ngayon. Hindi ko pa rin kasi nakikita ang pangalan at information dahil gusto ko na ngayon ko mismo ito makikilala.

"Ang landi mo talaga!" saway ko rito.

"Sus, nasasabi mo lang 'yan. Baka kapag nakita mo ayun ay mawalan bigla ng garter ang panty mo, walang boss boss dito, ha!" mataray na tumingin sa akin si Betty kaya naman siningkitan ko ito ng mata.

"Ewan ko sa'yo, tignan mo nga ayos ba ang suot ko?" muli akong tumingin sa whole body mirror dito sa aking office. Ayos naman siguro. Naka-suot lang ako ng white coat at black tube sa loob, white trouser na rin and I think I look so professional on this outfit.

"Yes, Ma'am. Dalian niyo na ho at nag hihintay na ang kanilang team." nasasabik na sabi ni Betty.

"Let's go." sabi ko habang nag mamadaling maglakad. "Nakapag order na ba si Mang Lando ng pagkain? foods for them? doon dapat sa restaurant na pinag-oorderan ko, masarap doon—"

Bigla na lang akong napatigil sa paglalakad and my feet was glued at the floor, hindi ko namalayang nandito na pala ako sa prescon. They're all staring at me, lalo na ang isang taong hindi ko akalaing makikita ko muli.

Nabuhay ang katahimikan sa malamig na kwartong ito, lahat sila ay may kani-kaniyang facial expressions. Gulat, ngiti, tuwa, pagtataka at hindi maipaliwanag na reaction.

"Ma'am!" bahagya akong siniko ni Betty, hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong nakatayo rito.

Gusto kong i-cancel ang meeting at tumakbo palabas, pero naalala kong hindi na ako bata pa na kapag nakakaramdam ng sakit ay tatakbo na lamang. I'm professional at gusto kong ipakita sa kanila ang pagiging professional ko lalong lalo na sa taong ito.

"Good morning, Ms. Floryn Anya Albia." bati ng isang tao na naroon. "I'm the secretary of Mr. Neil Wrelan Wylan. Jessica po, nice to meet you." ibinigay ng isang babae na naka-suot ng short skirt at white long sleeve ang kaniyang kamay sa akin, napaka genuine ng ngiti ng kaniyang secretary, maganda at sexy din kaya imposibleng walang namamagitan sa kanila. Hindi ko pa man ito nakakamayan ay ang dami ko nang naiisip. Ilang taon na ang nakalipas, I'm still affected?

"Good morning. Thank you all for coming. I'd like to welcome everyone. I'd like to thank everyone for coming today. I'm Ms. Floryn Anya Albia the CEO of this company, with my beloved team. My secretary and personal assistance, Betty with the head of farmers, Mang Lando." panimula ko.

"Betty, sino nga pala ang makaka-deal natin ngayon para mabati ko na." bulong ko kay Betty na nakatayo sa aking tabi.

"Ayun oh, si pogi! si Mr. Wylan!" nginusuan pa ni Betty si Wrelan.

"A-Ahm... nice to meet you, Mr. Wylan!" may diin ang boses ko sa huling salitang lumabas sa bibig ko.

"Nice to meet you, Floryn!" halos lahat ay nagulat nang banggitin ni Neil ang aking pangalan ngunit hindi ito nag-bother sa kaniya. Lumapit siya sa kinauupuan ko at kinamayan ako. Inabot ko naman ang kamay ni Wrelan, malambot at makinis.

"A-Ahm.." I faked my cough dahil matagal na ang pagkakahawak ni Wrelan sa aking kamay, binitawan niya naman ako kaagad at ngumiti.

"So here's our agenda. Betty, open the screen." kahit na sobrang awkward na ng mga oras na 'yon ay pinilit ko pa ring maging casual ang boses ko at maging professional sa kanilang harapan, gustuhin ko mang itigil na ang deal na ito pero hindi pwede dahil maraming maaapektuhan lalo na ang pamilya ng mga farmers namin.

I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)Where stories live. Discover now