Bakit ba kasi ganito ang lalaking 'yon? kung kailan nahanap ko na ang sarili ko, ang katahimikan at kapayapaan ay tsaka naman sila mag susulputan.
Lord, pinaparusahan mo na ba ako dahil sa pagiging bagra kong kaibigan kina Plea? H'wag naman po, please.
"Oh, Madam Anya... bakit malayo ang tingin? nasa Pilipinas ka pa lang ang iniisip mo ay nag ibang bansa na." mula sa malalim na pag iisip ay kaagad naagaw ni Solaine ang aking atensyon.
"Kung p'wede nga lang ay gagawin ko na, gusto ko nang umalis sa Pilipinas!" frustrate kong sabi, wala pa ring idea itong mga kaibigan ko sa nangyari sa akin nitong mga nakaraan. Dahil kung sasabihin ko ay paniguradong magiging OA na naman ito.
"Aba! parang kailan lang ay mahal na mahal mo pa ang bansa, kesho full of resources, mayaman sa kalikasan at masayahin ang mga Pilipino. Oh, bakit parang nag iba ata ang ihip ng hangin?" singit naman ni Plea habang sumisimsim sa kape.
"Wala, gusto ko lang mag unwind-"
"Unwind ba kamo, o magpaka layo layo sa childhood best friend mo na muling nag babalik?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang mag salita si Kai.
Napataas na lamang ang aking kilay, paano niya nalaman ang bagay na 'yon? madaldal ba ako? wala naman akong pinag sabihan!
"Hay naku, Anya! kung saamin ng mga kaibigan mo ay makakapag tago ka, pwes sa anak ko hindi! ginawa mo ba namang human diary si Gianna, eh alam mo namang nakakaintindi na ng kilig kilig 'yon." natatawang sabi ni Kai
"Ow, so what's the tea?" si Plea.
"Ako na ba ang mag ku-kwento, Rapunzel?" pang aasar na tanong ni Kai.
Pinandilatan ko lamang ng mata si Kai dahil sa inis, "Si Wrelan, nag paramdam ulit." maiksi kong sabi.
"Then?" si Solaine.
"He came to my company, and we have a partnership on our upcoming project. Angat Magsasaka Program." nalulungkot kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tono ko
"Oh my Godzilla!" si Solaine. "Sinasabi ko na nga ba, kung kayo talaga ay kayo talaga! so ano nangyari?" lahat sila ay binitawan na ang mga ginagawa. Minsan na nga lang kami mag sama-sama sa condo ni Solaine ay ako pa ang chismis.
"Pumayag ka, ano? para masolo mo si Mr. Chief Wrelan kapag kayong dalawa lang... tapos mag yu-yug yugan kayo sa office, hihingalin ka kakahingi ng tulong. Tapos sasabihin niya 'Hinding hindi na kita sasaktan pa, Floryn... ngunit sa pagkakataong ito ibubuhos ko ang aking—"
"Plea, ang bagra mo!" saway ko rito. Kung saan saan na pumupunta ang usapan, tila ba nag papantasya na itong si Plea.
"Ganiyan talaga kapag alaga sa dilig ni Mr. Caelus hahaha!" si Kai.
"Ganun talaga, eh ikaw, Kai? nasasakyan ka pa ba ng Seaman mo?" natatawang tanong pabalik ni Plea
"Syempre naman—"
"Huy, ano ba yang usapan ninyo! hindi ba kayo nandidiri?" saway ni Solaine, dahil kanina pa nga nag papalitan ng mga maduduming salita ang dalawa. Pakiramdam ko ay minomolestya na ako ng bibig nila
"Palibhasa, winasak ka na ng Engineer mo." sigaw ni Plea.
Napatigil lamang ang mga ito nang lumipad na sakanila ang hawak ni Solaine na tsinelas. Akala ko ay tapos na ang usapan patungkol sa akin, ngunit wala pang ilang minuto ay kaagad na naman nila akong tinanong.
"Wala ka talagang balak mag kwento, Anya? ako na lang mag kukwento, ilalarawan ko sa kanila kung paano ka mag baby talk habang kausap ang anak ko."
Wala akong balak mag kwento dahil paniguradong hindi na naman nila ako tatantanan.
YOU ARE READING
I hate Autumn, My Rose. (Highschool Series #4)
أدب المراهقينOn this playful and chaos world I still didn't let my self to experience a true love, I'm Agriculturist Floryn Anya Albia Bachelor of Science in Agriculture major in Crop Science the only daughter of the owner of Albia Farm that have a large haciend...