CHAPTER EIGHT

20 7 0
                                    

A/N: Hi readers! Please don't forget to vote, comment and share!

O⁠_⁠o

Zariah Yazmin's P.O.V

"Mahal!!!"

Kunot-noo akong lumingon sa likod
ko, napairap ako ng makita ko naman
ang siopao na lalaki na ito! Parati na
lang siya ang nakikita ko sa t'wing
pupunta ako dito sa company ni dad!
papunta kasi ako sa opisina ni daddy
may inutos siya saakin, ayoko sanang
pumayag dahil may tatapusin pakong
papers at ipapasa kay Prof. Chua pero
syempre si daddy na yon, baka ipahiya niya lang ako sa Prof ko kaya
pumayag na lang ako.

Nakangiting lumapit saakin siopao
na lalaki na ito at aastang yayakapin
ako ngunit nabatukan ko na, nakanguso niyang hinimas himas
ang kanyang ulo at saka ngumuti
ulit, abnormal talaga.

"Bakit ba nandito ka nanaman
siopao?!" Inis kong tanong sakanya

"Mahal, hindi siopao ang name ko
Cedrick ang name ko 'no" Saad niya

Hindi ko talaga maintindihan ang
lalaking ito kung bakit niya ko
tinatawag na mahal, palagi na lang
siyang sumusulpot kung nasaan ako
pag nasa hospital ako ng Luna university, nandoon din siya.

Napabuntong hininga akong naglakad
ngunit kahit anong bilis ko ay nasa tabi ko na agad siya, bumati saamin
ang guard ng makapasok kami, hindi
ko hindi pinansin at deretso lang
ako naglakad hanggang sa makapasok
na ako sa loob, kasunod ko pa rin ang
siopao na lalaking ito! Para siyang
linta! dikit na dikit, para din babae
ang daldal.

"Good morning po madame" Bati
saakin ng secretary ni daddy, hindi
ko ito pinansin sumabay siya sa lakad
ko at ng nasa harap na kami ng pinto
ng opisina ni daddy ay humarap ako
kay siopao

"Siopao! puwede bang umalis ka na? baka sumama ka pa sa loob!"
Inis kong sabi sakanya, natigilan ako
ng mag bow ang Secretary ni daddy
sa siopao na ito"What are you doing
huh?" Masungit kong tanong, kaagad
lumingon saakin ang Secretary

"A-Ah Madame, siya po ang anak
ni Mr. Montero nandito po siya para po sa meeting nila ng daddy
ninyo" Paliwanag niya, Kunot-noo
akong lumingon kay siopao pero
nakangisi itong nakatingin saakin

Nanliliit ang mata kong tinignan
siya at saka umirap"I don't care."
Sambit ko at binuksan na ang pinto,
nakita ko si daddy na nagbabasa ng
papers, naka upo ito sa swivel chair
niya. Tumikhim ako at lumapit sakanya"So, anong gagawin ko
dito dad?" Naiirita kong tanong

Binaba na niya ang paper at saka
deretsong tumingin saakin"May
meeting ako, paki-check ang
financial reports, at tapusin mo
na rin ang mga papers na ito
hindi ko pa natatapos." Saad ni
dad at tumayo walang salita siyang
naglakad sa pinto at lumabas.

Inis akong suminghal sa hangin at
umupo sa swivel chair, tinignan ko
ang financial reports, mga balance
sheet, at mga statement. Sunod
non ay inayos ko na ang mga papers
na hindi pa natatapos ni daddy.

Nagbasa na rin ako ng Management
and leadership books, na about sa
company. Actually wala pa ako
masyadong alam about sa company
ni dad, si mommy and daddy lang
ang kumikilos sa company, ako naman ay paminsan minsan lang
si Zarina ay malabo pang maka
tulong siya sa company, si Zahaira
tamad yon at walang pakialam sa
company ni dad ang sabi niya nga
ay nagtataka daw siya kung bakit
pagod lagi si daddy eh nagbabasa
lang naman ng papers si dad. Stupid
diba? Tss

Kasalukuyan ako nagbabasa about
sa company ni daddy ng may kumatok
sa pinto.

"Come in." Saad ko, nasa book ang
paningin, ng marinig kong bumukas
yon ay inilapag ko na ang book at
deretsong tumingin sa pumasok.

Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now