CHAPTER 14: FAMILY PROBLEM

21 8 0
                                    

Zahaira Ysabel's P.O.V

Tahimik lang kaming dalawa habang
binabaybay ang daan patungo sa
mansion namin, mabuti na lang ay
itinali ni Nathan sa wrist ko gamit
ang panyo para matigil ang pagdurugo, gigil na gigil talaga ako
don sa mga lalaking yon lalo na nung
sabunutan ng isang lalaki ang buhok
at pilit kaming ipinasakay sa kotse,
pinilit namin manlaban ni Reishary
ngunit masyadong masikip sa loob
ng kotse nila at hindi kami makagalaw.

"Magaling ka pala makipaglaban"
Nagbukas na siya ng topic. Tumingin
ako sakanya ngunit busy siya sa pag-
mamaneho kaya tumingin na lang din
ako sa harap at sinagot siya

"Self defense lang yon." Sagot ko,
narinig ko ang mahina niyang tawa
"Why are you laughing?" Tanong ko

"Seriously? Self defense lang yon?"
Hindi makapaniwala niyang tanong
kumunot ang noo ko at saka nag-nod
"Marunong ka ba mag martial arts?" Tanong niya

"Medyo."

Hindi na siya nagsalita pa kaya isinandal ko na lang ang ulo ko sa
window ng sasakyan niya, sumakit
ang anit ko dahil sa pagsabunot sakin
ng lalaking yon! mabuti na lang ay
marunong rin makipag laban si Rei,
unti unti akong pumikit dahil kinakain nako ng antok.

ᕙ⁠(⁠ ⁠~⁠ ⁠.⁠ ⁠~⁠ ⁠)⁠ᕗ

"Zahaira? wake up" Nagising ako
dahil sa pagyugyog saakin sa balikat
napaayos ako ng upo ng makita kong
nasa tapat na kami ng mansion

"G-Gusto mo pumasok?" Anyaya ko
umiling siya kaya pilit akong ngumuti
"Sige t-thankyou.." Sabi ko, nag-nod
lang siya kaya bumaba na ako, pag-
pasok ko sa gate pinaandar niya agad
ang kotse niya at ng mawala na sa
paningin ko ang kotse niya at tuluyan
nakong pumasok sa mansion.

Pagpasok ko sa mansion isang malakas na sampal ang bumungad
saakin nawalan ako ng balanse at
natumba, napatingala ako para
makita kung sino yon, pero pumikit
din agad ako ng tumama sa mata
ko ang ilaw, tumayo ako kahit
nahihilo dahil sa malakas na sampal,
kaagad nagsalubong ang mga kilay
ko ng makita ko kung sino yon. Si
DADDY! ama ko ang may gawa sakin
non ito ang unang beses na napag-
buhatan niya ako ng kamay.

Hinawakan ko ang aking pisngi, na halos namanhid sa lakas ng pagkakasampal ni Dad. Pakiramdam ko parang tumigil ang mundo sa sandaling iyon. Galit na galit ang mga mata niya, salubong din ang mga kilay niya. Tumingin ako sa likod ni daddy nandoon si mommy at Zarina. Si Zarina ay umiiyak habang si mommy naman ay nakatingin sa akin nang puno ng pag-aalala.

Bigla akong kinabahan nang humakbang si daddy papalapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Isang malakas na sampal ulit ang dumapo sa aking pisngi, na nagpagimbal sa akin. Ramdam ko ang init at hapdi ng kanyang palad, habang ang buong mundo ko ay tila bumagal.

"Yousef!! Wag mo saktan yung bata!!" sigaw ni mommy, habang mabilis siyang lumapit sa amin. Hinawakan niya ang braso ni daddy at pilit na hinihila palayo sa akin. Ngunit si daddy, puno pa rin ng galit, ay tila walang naririnig. Nanginig ang katawan ko sa takot, habang si Zarina naman ay patuloy sa pag-iyak sa isang sulok.

"D-Dad? b-bakit mo-" Hindi niya na ako pinatapos

"Sinong nagsabi na mag boyfriend ka?!!!at sa Villamor pa talaga?!!!" Sigaw niya, dahilan para mapamaang ako

Tumingin kay mommy umiiyak na
rin ito at parang humihingi pa ng
pasensya, bumuntong hininga ako
hindi ko aakalain na sasaktan ako
ng ama ko dahil lang may boyfriend
nako.

"At bakit meron kang mga pasa
ha?! nakipag away ka nanaman?!"
Sigaw nanaman niya at saka ako
patulak na binitawan, sumakit ang
wrist ko kahit kasi nakabalot ito ng
panyo dahil sa mahigpit na hawak
ni daddy don ay kumirot ulit.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now