CHAPTER 32

5 3 1
                                    

Zahaira's POV

Pagdilat ng mata ko ang bumungad sakin ay puting kisame, nilibot ko ang
aking mata at napagtanto kong nasa
silid ako ng hospital, tumingin ako sa
kabilang side ko at nakita ko don si
Enzo, nakaupo siya sa sofa at tulog ata.

Ginalaw ko ang aking binti ngunit hindi
naman ako makabangon dahil kumikirot
pa talaga, masakit din ang likod ko at
marahil ay dahil yon sa paghampas sakin. Punyemas na walanghiyang
lalaking yon!

"Belle.." Lumingon ako sa kabilang side
ko ulit, nakatayo na si Enzo at bakas sa
mukha niya ang pag-aalala o baka mali
lang ako?. Lumapit siya saakin at umupo
sa tabi ng bed hospital na hinigaan ko,
nagulat ako ng hawakan niya ang kamay
ko, "How are you? may masakit ba? ano?
gusto mo bang tumawag ako ng doctor or gusto mo bang magpahinga ulit? don't
worry I'm here lang hindi kita iiwan." Sunod sunod niyang tanong, hindi ako
makasagot dahil na rin sa pagkabigla

"Belle! answer me! may masakit ba?"
Tanong niya ulit, hindi ako sumagot
nakakagulat pa din na tinatanong ako
ni Enzo ng ganyan, nag-aalala ba siya
saakin? dapat na ba akong umasa?

Charot.

"Fvck, bakit ba sobra ang pag-aalala ko?" Bulong niya sa kanyang sarili pero
hindi nakaligtas yon sa aking tenga,
bumuntong hininga siya at tumingin ulit
saakin binitawan niya na ang kamay ko
"How are you?" Tanong niya ulit

"A-Ayos lang n-naman.." Tugon ko

"Shit, mabuti naman gising ka na."
Mahina niyang sabi, kumunot bahagya
ang aking noo

"Huh?"

"3 days kang walang malay." Saad niya,
nanlaki naman ang mata ko, 3 days?
seriously? grabe naman sobrang tagal
naman non so October 5 na ngayon?
damn...bakit ganon katagal akong walang malay? "Maybe kaya ganon
katagal ay dahil sa pagod, madami daw
ata humampas sayo at mahina pa ang
katawan mo kaya ganon ka katagal
walang malay." Para na rin niyang nasagot ang tanong ko sa aking isipan.

Hindi na ako tumugon pa sa kanyang
sinabi, sabay kaming lumingon ni Enzo
sa pinto ng bumukas iyon at pumasok
si Kristell, Kokoy, Chad, Zion, David, at
Gab. Kaagad akong nilapitan ni Kristell
at niyakap kahit nakahiga pa ako

"Mabuti naman nagising ka na, huhu
akala ko hindi ka na magigising eh!"
Parang bata niyang sabi saakin, napangiwi ako pero natawa din

"Tsh, pwede ba yon." Saad ko at umirap,
ngumuso lang siya dahil umiiyak talaga
siya hindi ata siya nagbibiro sa sinabi
niya kanina. Lumipat naman ang tingin
ko kila Chad, umiiyak din ang batang
kumag "Ang panget mo naman umiyak"
Pagbibiro ko, lumapit siya saakin at
niyakap ako kahit masakit ang braso ko
ay niyakap ko din siya. Pana'y ang pag-
hikbi niya kaya pabiro kong hinampas
ang braso niya ng kumalas na siya sa
pagkakayap "Why are you crying? tsh,
hindi pa ako patay para naman kasing
nilalamayan niyo ko e!" Dagdag ko pa

Nakanguso pa rin siya, natawa ako ng
yumakap siya kay Kokoy parang bata
talaga ang ugali niya pero nakakatouch
kasi, may meron palang may pakialam
sakin i mean nasanay kasi ako na walang may pakialam saakin, nasanay
ako na hindi nila iniisip ang kapakanan
ko kaya thankful ako kasi nasa tabi ko
ang tunay kong mga kaibigan.

Nakipag-kwentuhan lang sila saakin bago nila ako iwan dahil dumating na
ang parents ko, nagulat din ako ng
kasama nila si Ate hanggang ngayon
kasi hindi ko pa rin alam kung anong
rason niya kung bakit siya umalis hindi
ko rin alam kung saan siya pumunta.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now