CHAPTER 29

5 3 0
                                    

A/N: sorry sa mga wrong grammar!

Zahaira's POV

King inang miles yon!

Inis akong umupo sa upuan, nandito na
ako sa Section E sila Kokoy ay wala pa
kaya naman ako muna ang nag-iisang
Section B dito. Kung may cellphone lang
sana ako ay makakapag relax pa ako
dahil sa mga song na galing sa Spotify.

Hindi ko talaga makalimutan yung sinabi ng lalaking yon, mabuti na lang talaga ay
nakapagtimpi pa ako kung hindi ay baka
bukas nilalamayan na siya. Jokijoki lang
syempre yon hindi ko kayang pumatay
ng tao noh! pero kayang kaya ko naman
pahirapan ang miles na yon. Kaganda ng
pangalan ang pangit naman ng ugali.

"Hello!" Napalingon ako sa gilid, tumaas
ang isa kong kilay hindi ko kilala ang isang to, sabagay si Kenji, Denver, Aeron
pa lang ang kilala ko dito sa Section E.
"Ako si Kairo" Nilahad niya ang kanyang
kamay, bumuntong hininga ako at saka
tumingin sa harapan, wala akong paki-
alam kung mapahiya pa siya.

"U-Uhm...Kairo Rizky Narvaez Himaru ang full name ko, may lahi akong japanese hehe halata naman diba?" Dagdag pa niya, lumingon ako sakanya at pinagmasdan ang mukha niya, ngayon ko lang napansin na may kulay ang buhok niya kulay Green. Tsh parang lumot. Makinis ang balat niya at maputi
din siya, halatang halata nga na may lahi
siyang japanese.

"Hi." Yun na lang ang nasabi ko at tipid
na ngumiti.

"Ako ang pinakabata dito, 16 years old
pa lang ako kung nagtataka ka kung bakit ganoon ay nag-aral kasi agad ako"
Nakangiti pa niyang sabi, tumaas naman
ang dalawa kong kilay at napaisip

Pwede ba yon? Sabagay ganon rin ata
reason ni Chad at Gab

"Lahat kami ay puro lalake, hindi ko nga
alam kung bakit eh mababait naman kami" Nakanguso niyang saad, napangiti
ako dahil ang cute niyang magsalita, parang magkakasundo sila ni Chad.
"Ang pinaka matanda saamin dito ay si
Denver! 18 years old na kasi siya at mag
bibirthday siya sa October ako naman ay
kakatapos lang hehehe!" Napangiwi na
lang ako dahil sa sobrang daldal niya.

"Totoo bang wala na kayo ni Idol Matt?"
Parang malungkot niyang tanong, kumunot naman ang noo ko hanggang
dito ba naman ay idol Matt pa rin ang
tawag kay Enzo, pambihira famous din.

Pero wait—saan niya nahagap ang chismis na wala na kami eh si Kristell at
Claude lang naman ay sinabihan ko, tsh
sabagay halatang halata naman na dahil
inamin rin ni Catherine na fiancee siya ni Enzo.

"Aish! ayoko don sa babaeng yon ,ang
panget ng Fiancee ni Idol Matt, mas
maganda ka pa don eh!" Nakanguso
niyang saad, napangiti naman ako at
ginulo ang buhok niya mukhang meron
ako magiging close dito ah. "Alam mo
Ate Zahaira! bagay na bagay kayo non
ni Idol Matt but since wala na kayo pwede kitang ireto sa Vice president
namin!" Sabik na sabik niyang sabi dahilan para unti unti matunaw ang ngiti
ko sa aking labi. Ngumiwi ako

"Loko." May inis na sabi ko sakanya,
tumawa naman siya at lumingon sa
dulo, lumingon din ako don nakita ko
na nakatingin si Kairo kila Denver at
Kenji na nag-uusap naman ngayon.
"Nu meron?" Tamad kong tanong

Ngumiti naman siya at nilingon ako
"Mukhang bagay kayo ni Denver"
Deretsahan niyang sabi, napaubo
naman ako at saka nagsalubong ang
kilay. "Hehehe, bakit? bagay kayo promise!" Dagdag pa niya

Napalingon ako kila Denver, busy pa rin
ito sa pakikipag usap kay Kenji. Guwapo
si Denver pero mas guwapo pa rin ang
taong nagugustuhan ko ngayon, hindi
man ako ang mahal niya at gusto niya
loyal pa din ako. Nakakainis nga dahil
sabi ko sa sarili ko na babawiin ko na
ang sinabi kong gusto ko si Enzo pero
sa tuwing makikita ko talaga siya, may
feelings pa rin talaga eh.

Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now