Zahaira's POV
"Wala na ata akong pag-asa." Agad
akong lumingon sa gilid ko hindi ko
na namalayan na katabi ko na pala si
Claude, nakangiti ito pero kitang-kita
ko sa mga mata niya ang lungkot kaya
naman napakunot noo ako at tumingin
kay Kristell, hindi na ito nakangiti
malungkot ang mga mata niyang
nakatingin kay Claude."Gusto mo si Ate Zahaira?" Biglang
tanong ni Kairo, pinanggigitnaan nila
akong dalawa pero sila din ang nag-
uusap. GreatNarinig ko ang buntong hininga ni
Claude at naramdaman ko rin ang
pagtingin niya saakin ngunit hindi ako
makatingin dahil na rin sa naiilang ako
king ina naman kasing batang to, nag
tanong pa nakakailang kaya. Kainis"Oo." Hindi ko na naituloy ang pag-nguya
ko ng sabihin ni Claude ang totoo, putek
bakit naman napaka honest ng taong to
dapat sinabi niya na lang hindi niya ako
gusto, huhu baka malaman pa ng iba
tapos ipagkalat edi baka magkaroon
naman ng away sa pagitan ni Claude at
Enzo."Gusto ko si Haira, matagal na." Dagdag
pa niya, nabitawan ko ang spoon na
hawak ko at saka nasapo ang aking noo
napatingin naman sila saakin pero hindi
ako makatingin sakanila ng deretso,
nilagay ko ang kamay ko sa aking muka
"Haira? ayos ka lang?" Tanong pa niya,
napailing na lang ako at tumayoTumingin ako kay Kristell na ngayon ay
nakatingin din saakin, malungkot lang
ang mukha niya kaya tinignan ko siya ng
pagtataka pero ngumiti lang siya ngunit
alam kong pilit iyon, bumuntong hininga
ako iba ang Moody ng babaitang ito."U-Uh....pupunta lang akong clinic
sumasakit ang ulo ko eh" Pagpapalusot
ko tatayo na sana si Claude pero pinigilan ko na siya, umiling na lamang
ako para sabihin sakanya na 'wag na'
bumuntong hininga siya at nag-nod na
lang ako, ngumiti ako sakanila ng pilit
binigay ko na lang kay Kairo ang pag-
kain ko, gusto niya eh.Sumulyap ako sa gawi nila Enzo at
nakita kong nakatingin din siya saakin
nginitian ko siya at ngingitian niya din
ako ng tipid, bumuntong hininga ako at
lumabas na ng cafeteria. Pagkalabas ko
siyang pagpasok naman ni Keziah nag
katinginan pa kami pero mas nagulat ako ng ngumiti siya alam mo yung ngiting pang- creepy. Nyare don?Ngumuwi na lamang ako at dumeretso
sa rooftop, paunti unti na nilang sinisira
ang mga classroom, kahit na hindi
gaano malaki ang main building na to
marami pa rin akong memories dito
tulad nga ng sa pinsan ko na si Adrian,
shuta, naaalala ko nanaman kung paano
kami mag cut ng klase ni Adrian nung
junior kami para lang makatambay dito
sa second floor.Ngumiti ako ng mapait, pagtaas ko sa
rooftop humiga agad ako sa sofa
napatingin naman ako sa maliit na
lamesa nandon pa din ang mga gamit
at yung kinuha kong diary ay nasa
drawer ko. Hindi ko pa nababasa ang
lahat kasi tinatamad ako, pakialamera
din talaga ako eno HAHAHAGinawa kong unan ang kamay ko at
tumingin sa langit, makulimlim ang
langit at baka anumang oras ay
bumuhos na ang malakas na ulan,
napangiti na lang ako ng maalala ko
yung pag-confess saakin ni Enzo! ihh
until now I still can't believe na gusto
niya din ako, ackkkk!! kakilig!!Parang kama naman yung sofa kaya
gumulong gulong ako sa kilig pero
pag gulong ko nalaglag din ako nauna
pa yung pwet kaya shutangina sakit!!,
"Aw.." Daing ko, hinawakan ko ang sofa
at buong pwersasang tumayo habang
nakanguso, pinagpag ko ang pwet ko at
umupo na lang sa sofa.Kainis naman wala na nawala na yung
kilig ko naiirita ako kainis naman,
kinikilig lang naman ih! tumayo na lang
ako at dahil boring ay dumeretso ulit ako
sa lamesa, kinuha ko ang isang notebook na sigurado akong notebook
ito ng mga juniors dati or seniors.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
AcciónDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)