➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
Matapos ang aking birthday party ay kaagad nang nagpaalam ang aking mga barkada. Kaagad ko nang iniligpit ang lahat ng mga kalat pagkatapos. Matapos kong iligpit lahat ay kaagad na akong nagtungo ng banyo at naligo hanggang sa nahiga na ako sa kama. Ilang sandali lang ay pumasok na si Kuya at nahiga na rin sa tabi ko at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Kuya?? Thank you dito sa binili mong phone ha?.." masaya kong pasasalamat sa kanya.
"Ciempre naman... gusto ko maging masaya ka Alex at lahat gagawin ko para sa'yo. Tayo na lang ang pamilya dito. Mahal na mahal kita Alex.." malambing na tugon sa akin ni Kuya Kevin. Ilang sandali lang niyakap ko rin si Kuya.
"Mahal na mahal din kita Kuya.." nakangiting sambit ko sa kanya hanggang sa nakatulog na si Kuya.
Ilang sandali pa ang lumipas ay di ako makatulog dahil naiisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Jonas tungkol kay Kuya. Gusto kong mandiri sa nalaman kong iyon pero hindi ko kayang gawin kasi mahal na mahal ko ang kapatid ko... hanggang sa nakatulog na lang ako.
➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖
Ilang araw ang lumipas hanggang sa dumating na yung araw ng biyernes. Araw ng pagsaksi ko sa ginagawa ni Kuya. Kaming dalawa lang ni Jonas ang nagpunta. Nang makarating na kami sa gay bar ay may nakasalubong kaming medyo may edad nang bakla.
"Hii girl!! Private Show again??.." agad na tanong nito kay Jonas.
"Yes sister... pero para lang dito sa kanya.." sabay turo niya sa akin.
"Ohhh... new customer... sige.. sige... si Kevin pa rin ba ang kukunin niyo?.." nagulat ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Lalo akong kinabahan sa narinig kong iyon.
"Yes sister... si Kevin pa rin.." agad na tugon ni Jonas.
"Oh sige... halina kayo sa private room.." aya ng baklang nakausap namin.
"Handa ka na ba sis??.." agad na tanong sa akin ni Jonas. Tumango lang ako sa kanya hanggang sa pinapasok na niya ako sa loob.
"Siss... I'll be leaving you here na ha?? Ikaw nang bahala sa Kuya mo. Uuwi na ako.." paalam ni Jonas sa akin.
"Sige sis.. mag iingat ka ha? Byee.." sabay beso ko sa kanya hanggang sa nakaalis na siya ng bar.
Ilang sandali lang ay sinerve na sa akin ang beer at yung pulutan. Hanggang sa lumabas na sa mini stage ang lalaking mag eentertain sa akin. Nagsimula na siyang sumayaw sa harap ko. Hindi pa niya ako masyadong makita dahil naka blind fold pa siya. Kaagad tumulo yung luha ko habang pinapanood ko si Kuya sa kanyang ginagawa. Ilang minuto din siyang nagsasayaw hanggang sa tinanggal na niya ang kanyang blind fold. Nang makita niya na ako ang kanyang client ay nanlaki ang kanyang mga mata.
"Alex??? A-anong ginagawa mo dito?.." gulat na gulat na tanong ni Kuya sa akin.
"Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan sa'yo Kuya??... ano'ng ginagawa mo dito??.." lumuluha kong tanong sa kanya.
"Patawarin mo ako Alex... pero ito yung trabaho ko.." lumuluha na tugon sa akin ni Kuya.
"Dito ba galing yung ipinambili mo ng cellphone ko Kuya?.." naiiyak kong tanong sa kanya.
"Oo Alex... galing sa pag cacall boy ko ang ipinambili ko ng regalo ko sa'yo.." tugon ni Kuya sa akin.
"Hindi mo naman kailangan na ibenta yung katawan mo para maibili mo ako ng ganung regalo Kuya eh. May trabaho naman ako... hindi mo kailangan na ibenta ang sarili mo para lang matustusan yung pangangailangan natin eh.." naiiyak kong sambit sa kanya. Agad na bumaba ng stage si Kuya at niyakap niya ako.
"Pleasee... Alex... patawarin mo ako.." umiiyak na tugon sa akin ni Kuya habang yakap yakap niya ako. Kaagad akong pumiglas sa kanya at lumabas ng private room at dali daling umuwi ng bahay.
Itutuloy...
---spicelopez---
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto Ni Kuya
RomanceThis story is strictly for readers above 18. Date Started: July 14, 2024 Date Published: July 14, 2024