Part 4

1K 35 0
                                    

➖➖➖✖️✖️✖️➖➖➖






Matapos ko siyang halikan sa kanyang noo ay agad na akong lumabas ng kwarto at naglinis ng buong bahay. Ilang araw ang lumipas at lalong naging sweet sa akin si Kuya. Palagi na siyang may nadadala na pasalubong sa akin kada uwi niya galing sa trabaho nito. But the funny thing is, hindi ko alam kung ano yung trabaho ni Kuya. Inisip ko na lang na baka sa call center din siya nagtatrabaho kasi pang gabi siya eh. Hanggang sa dumating ang aking kaarawan. At dahil sinabi ni Kuya sa akin na maghahanda kami ay inimbita ko yung mga close friends ko sa trabaho. Tuwang tuwa pa ako nang dumating na yung mga kaibigan ko. Pati si Kuya ay inimbita niya rin yung mga kaibigan niya sa trabaho. Habang may inaasikaso ako sa loob ng kwarto ay biglang pumasok si Kuya at niyakap niya ako.


"Happy Happy Birthday sa aking pinakamamahal na kapatid.." sabay abot niya sa akin ng isang paper bag.


"Aaahhh... Kuyaaaa... thank you so much.." tuwang tuwa ko na tugon sa kanya hanggang sa niyakap ko siya nang mahigpit.


"Wala ba akong kiss diyan?.." nakangising tanong ni Kuya Kevin sa akin. Agad naman akong natawa sa kanyang itinanong.


"Oh sige na nga Kuya... heto na.." agad kong tugon sa kanya hanggang sa hinalikan ko na siya sa kanyang labi. Gumanti naman agad si Kuya sa akin ng halik at tumagal ito ng ilang minuto.


"I love you.." nakangiting sambit ni Kuya pagkatapos ng aming paghahalikan.


"I love you too Kuya.." sabay yakap ko sa kanya.


Nang makalabas na ng kwarto si Kuya ay agad kong binuksan ang regalo niya sa akin. Nagulat ako sa laman ng paper bag... iPhone 15...


"Gosshhh!! Ang mahal nito ah..." wika ko sa aking sarili. Agad akong naluha dahil di ko inexpect na kaya akong bilhan ni Kuya ng ganito kamahal na cellphone.


Napakswerte ko talaga dahil mayroon akong kapatid na katulad ni Kuya. Agad ko nang pinaandar ang bago kong phone at nang matapos ko nang isetup ay kaagad na akong lumabas ng kwarto at pumunta sa aking mga kaibigan. Habang kumakain yung mga kaibigan ko ay nakikipag usap ako sa kanila hanggang sa nagtanong yung isa kong barkadang bakla na si Jonas.


"Siss... kilala mo ba ang lalaki na yan??.." sabay turo ni Jonas kay Kuya na kasalukuyang nakikipag usap sa kanyang mga barkada.


"Kapatid ko yan... si Kuya Kevin.." agad kong sagot sa kaibigan ko. Nanlaki ang mga mata niya at tinignan ang iba kong mga barkada na para bang nagulat sila.


"Bakit??.." nagtataka kong tanong sa kanila.


"Alam mo ba kung ano yung trabaho ng Kuya mo??.." tanong nito sa akin.


"Hindi.. bakit?.." sagot ko kay Jonas.


"Uhmm... siss... may aaminin kami sa'yo tungkol sa Kuya mo? Huwag ka sanang mabibigla ha?.." sambit ng Jonas sa akin.


"Bakit?? Ano'ng meron kay Kuya??.." nagtataka ko pa ring tanong sa kanila.


"Uhmmm... isang call boy yang Kuya mo siss.." agad na sagot sa akin ni Jonas. Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya sa akin. Di ko alam kung pinagtitripan ako nila or gusto lang niya na siraan si Kuya sa akin.


"Huh?? Pa-paano niyo alam yan? At saan niyo nalaman yan??.." gulat kong tanong sa kanila.


"We saw him sa isang gay bar nung minsan na nagpunta kami dun. Siya yung kinuha namin sa isang private room. Agad ko siyang napansin kanina dahil pamilyar ang mukha niya sa akin. Pero siss.. kalma... di namin siya tinikman ha??.." paliwanag ni Jonas sa akin. Natulala ako sa sinabing iyon ng kaibigan ko.


"Siss..??? Okay ka lang ba?? I'm sorry ha?? Pero yun yung totoo eh... if you want proof we can bring you there para makita mo nang harap harapan ang ginagawa ng Kuya mo.." wika ni Jonas sa akin.


"Sige... samahan niyo ako... sa rest day natin.. Friday night.." seryoso kong tugon sa kanila.


"Siss... please... huwag kang magalit sa amin ha??.." sambit ni Jonas sa akin.


"No... it's okay siss.. wala ka namang kasalanan eh. Nagulat lang kasi ako.." malungkot kong tugon sa kanya.








Itutuloy...








---spicelopez---

Ang Sikreto Ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon