Krait P.O.V.
"Ano ba 'to, bakit may babae dito?!"
"Uh-oh, siguradong magagalit si boss nito."
"Gisingin n'yo at palayasin n'yo."
"Tanga, tulog!"
Nagising ako dahil sa ingay ng mga 'di ko kilalang tao. Inangat ko ang ulo ko at kinusot ang mga mata ko na medyo malabo pa.
"O, gising na."
"Grabe, ang ingay mo kasi!"
Narinig ko ang kanilang mga sinabi. Tiningnan ko silang lahat ng isa-isa. Mga artista ba 'to? Mukhang artista sila dahil sa ang g-gwapo at aura ng mga modelo. Nasa langit na ba ako? Sinusundo na ba nila ako?
Tumingin silang lahat sa akin. Ano bang ginawa ko? Inirapan ko silang lahat.
"Umalis ka rito. Bawal ka dito," sabi ng lalakeng may pulang buhok.
"Dito ang section ko, bakit n'yo 'ko pinapaalis?"
"Hindi ka bagay dito."
"Bawal ang babae sa amin."
"Ayaw namin sa'yo."
"Wala akong pakialam!" Sigaw ko sa kanila at ibinaba ulit ang ulo sa armchair.
"Ano daw sabi pare?"
"Sabi raw, ang gwapo ko."
"Tanga, ang sabi wala raw siyang pakialam."
Narinig ko ang kanilang usapan at nagpasyang magpanggap na walang alam.
Maya-maya, biglang naging tahimik ang paligid parang may mga anghel na dumaraan.
Napaangat ko ang ulo upang tingnan kung bakit biglang nagsipagtahimik ang lahat.
Pag-angat ko ng ulo, nakita ko ang napakagwapong lalaki na tila ba handang pumatay sa pamamaraan ng pagtingin niya sa akin na nasa harapan ko. Ha? Ako ang tinitingnan?
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Kahit gwapo siya, wala siyang karapatang patayin ako sa tingin niya. Akala mo masisindak niya ako.
"Alis!" Sabi niya at agad kong pinagtagpo ang dalawang kilay ko sa pagkairita. Inikot ko ang paningin ko, marami namang upuan na bakante. Anong trip niya sa buhay?
Hindi ko na lang pinansin dahil wala akong panahon para makipag-away, ayoko muna ng gulo.
"Bingi ka ba? Sabi ko, alis!" Sigaw niya sa akin na agad nagpainit ng ulo ko. Tarantado 'to ah, biglang maninigaw. Hindi kami close para sigawan niya ako.
"Hala, galit na si bossing!"
"Gago, pigilan n'yo baka mapano 'yang babae na 'yan."
"Hayaan n'yo na, ginusto n'ya 'yan eh."
"Gago, baka mapano 'yan. Wala pa namang pakialam si bossing kung babae ang kalaban niya kapag mainit at pikon siya."
"Kaya nga hayaan nalang natin. Baka tayo pa ang mapagbuntungan ng galit ni bossing."
"Sabagay. Pinagsabihan na natin 'yang babae na umalis kanina, kaya bahala na siya diyan."
"Pustahan tayo mga pare."
"Tanga, sugalero ka talaga eh no?!"
"KJ mo naman brad. G ako!"
"G din ako. Kay bossing ako tataya."
Narinig ko ang usapan ng mga nasa paligid na nanonood sa lalaking nasa harapan ko.
Tiningnan ko ang mga nagpustahan sa amin, o dapat sabihin ko sa lalaking nasa harapan ko dahil wala namang tumaya sa'kin.
"Anong kaguluhan 'to!?" Narinig naming sabi ng isang lalaking mukhang Koreano na kakapasok lang sa classroom namin.
"Pustahan, pareng Lando!"
"Eh, Lander 'yon, hindi Lando. Binaboy mo ang pangalan ko, tangina ka."
"Sorry po! Pero saan ka tataya?"
Agad siyang tumingin sa akin si Lander at tiningnan ako mula ulo hanggang pas. Agad akong napairap.
"Sa babae," sabi niya at inilabas ang pera upang makisabay sa trip ng kanyang mga kaibigan.
"Sigurado ka pareng Lando? Bahala ka!"
"Tanga, edi wala tayong kalaban kung lahat tayo ay kay bossing tataya!"
Tumingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Inuulit ko, bingi ka ba? Sabi ko alis!" Ulit niya sa akin na nasa harapan ko.
Nginisihan ko siya bago tiningnan sa mata.
"Tanga ka ba? Hindi mo ba naiintidihan na ayaw kong umalis? Bobo lang?" Sabi ko sa kanya at kitang-kita kung paano sumama ang kanyang mukha.
Pikon pala itong bossing nila. Sayang, gwapo sana.
Napawoahhh naman ang mga kasama niya.
'mga timang'
Malamang hindi ko aatrasan itong bossing nila.
Hindi ako pinanganak para api-apihin. Lalaban ako hanggang kaya ko. Ako magpapaapi? Never.
"Ika-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil dumating na ang aming propesor.
Napangisi ako bago inayos ang pagkakaupo. Wala siyang nagawa kundi talikuran ako at humanap ng ibang mauupoan.
Ako pa ang tinakot nitong gago.

BINABASA MO ANG
THE REBELLIOUS TROUBLEMAKER OF SECTION E IN ENGINEERING DEPARTMENT
De TodoWhat if you end up in a college section where you are the only female and the first female classmate they have ever had, and because very few women are interested in Civil Engineering, what would you do? Would you be able to handle their mistreatmen...