Prologue

2 1 0
                                    


"Krait Doll Vladimir!"

Napabalikwas agad ako ng bangon dahil sa napakalakas na sigaw ni Kuya.

"And'yan na, pababa na!" Agad-agad ko namang ginawa ang morning routine ko at bumaba agad ng hagdan.

"You're moving so slow, we'll be late for your class," sabi ni Kuya Kahel habang sinasandukan ako ng pagkain.

"Krait Doll Vladimir!" rinig kong sigaw ng lalaking kababa lang din ng hagdan.

Balak ba nilang laging buohin ang pangalan ko? Ang bantot pakinggan ng pangalan ko. Krait Doll? Parang hindi pinag-isipan.

"Oh?" sagot ko dito at inirapan siya.

"You supposedly beat up another classmate again, and now he's comatose in the hospital, and the teachers said you should never go back to them!" bulyaw nitong damuhog na isa kong Kuya.

"Aren't you going to behave, Krait?" tanong sa'kin ng kakababa lang.

"Ma, sila ang nauna, gumanti lang ako."

"And you're really proud of what you're doing?!"

"Ah eh, mommy hehe," napakamot na lang ako sa may batok ko. Mukhang may kuto na ako ah.

"What are your plans in life? Don't you plan to take things seriously and behave? You've transferred so many times. Every day, you're changing schools. I don't know what to do with you. And the course you chose, you're not even sure. What do you really want? What are your dreams in life?" pangsesermon sa'kin ni mama.

"Gusto ko maging engineer," nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Really, Krait? You want to be an engineer? Are you kidding?" Kuya Kahel teased me with a mocking laugh.

Napanguso na lamang ako. Alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako magaling sa acads lalong lalo na sa math. Gusto ko ang math subject pero mukhang ayaw sa'kin ng math.

"Stop teasing your sibling, Kahel. My decision is final, you will study at the school Kahel is attending, no buts. That's my final decision. Behave, Krait, because if you don't, I will send you to our grandmother's province," sabi ni Kuya Daun bago sumimsim ng kape.

Lalo akong napanguso sa narinig. Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin na gusto ko namang umiwas pero dahil sa sama ng ugali nila pinapatulan ko. Ayaw kong pumunta sa probinsya nila Lola dahil panigurado akong hindi ako makakapag-barkada doon dahil masyadong dalagang Pilipina ang dating ni Lola. Haler, 2024 na kaya!

Tumango na lang ako para wala nang gulo.

"You're in your first year of college. Are you really sure you're taking Engineering? That course is no joke. Civil engineering, right?" tanong sa'kin ni mama kaya tango lang ang naisagot ko dahil mas mahalaga sa'kin ang pagkain.

"Hurry up and eat so you can enroll at JPC University," utos sa'kin ni Kuya Daun kaya dali-dali akong naglagay ng mga pagkain sa plato ko at lumamon na. Ang numero unong motto ko sa buhay ay "food is life."

Anyway, I'm Krait Doll Vladimir, ang nag-iisang maganda sa pamilyang Vladimir, but you can call me K dahil ang bantot ng pangalan ko mukhang hindi manlang pinag-isipan. Meron akong dalawang Kuya at of course, may mama kami na hopeless pagdating sa pag-ibig s'ya ay walang iba kundi si mama Mela. Hindi kami mayaman o mahirap, may kaya lang sa buhay at may kumpanyang ipinapatakbo si mama at nabibili namin ang lahat ng mga gusto namin. Kung itatanong n'yo ang papa ko, ayun, sumakabilang bahay at kweba.

"Please hurry up and eat so we won't be late for work and school. Krait, let your brother Daun accompany you to enroll at JPC University first because I still have a lot to fix in our company. All I ask of you, Krait, is to behave and stop being rebellious. You're in college now, so act like a lady and focus on your studies," Hirit na sermon ni mama bago tumayo.


"And you too, Kahel, umayos ka. Do you think I don't know what you're up to at your school? Behave and don't follow the footsteps of your sister Krait. You both give us a hard time, that's why your brother is getting old without a girlfriend because he's too busy understanding and solving your problems." Patuloy pa na sermon nito.

"Don't worry Kuya, Ako na bahala sa chix mo. How many do you want? I have plenty of them." Sabi ni kuya Kahel na nagyayabang pa sa amin dahil sa daming babae n'ya.

Inirapan lang s'ya ni Kuya at striktong tiningnan s'ya bago sumubo ng pagkain.

""Stop emulating your brother, Kahel. H'wag mong igaya  'yang kuya mo sa'yo na kabila kabilaan ang mga babae at ginagawang parang laruan ang mga babae. Umayos ka Kahel dahil hindi ko kayo pinalaki na paglaruan ang damdamin ng mga babae." Habol pa na sermon ni mama bago kami hinalikang tatlo sa pisnge at lumabas na ng bahay.

"Buti nga sa'yo." Turo ko kay kuya Kahel at inirapan.

"Nye Nye" sabi nito at ginatihan rin ako ng irap. Bakla.

"Both of you need to behave. Para kayong mga bata kung umasta. I'll knock your heads together if you don't stop. You're really arguing in front of your food. Hurry up and eat because you'll be late in a few minutes," Sita sa'min ni kuya Daun at parehas kaming tinapunan ng matalim na tingin ni kuya Kahel.

Ay, wow. Bawal mag-away sa harap ng pagkain pero pwedeng manermon.

"Ikaw Kasi." Paninisi ko kay kuya Kahel at pasimple s'yang dinuro.

"Ikaw kaya nauna." Sabi pa nito at ginatihan din ako ng duro.

Kaya ang ending...

"Shut up!"

Nasigawan kami ni kuya Daun at nagwalk out.

Ang iinit ng mga ulo nila ngayon. May mga regla ba sila ngayon?

Binilisan ko nalang ang pagkain ko at baka mabugahan na ako ng apoy ni kuya Daun at gawin akong taga hugas mamaya ng plato.

Ano kayang magiging kapalaran ko sa JPC university? Makakaya ko kaya doon at makakaya ko kaya ang course na kukunin ko? Ay, bahala na!

THE REBELLIOUS TROUBLEMAKER OF SECTION E IN ENGINEERING DEPARTMENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon