Chapter 1

3 1 0
                                    

Krait P.O.V.

Nung bumaba kami sa JPC University, sobrang ganda at laki ng lugar. Merong fountain sa gitna ng entrance at exit kung saan dumadaan ang mga sasakyan papasok sa school. May dalawang daan sa JPC: isa para sa mga naglalakad papasok o hinahatid sa kalsada, kailangan i-swipe ang ID mo sa code reader bago makapasok, at makikita mo ang mukha mo sa monitor sa taas. May isa pang daan para sa mga sasakyan diretso sa parking lot. Pero bago makapasok, haharangin ka ng mga guard para sa ID at sticker ng JPC.

Pagpasok mo, makikita mo agad ang malaking gymnasium tapos kakanan ka papunta sa parking lot. Sobrang ganda ng school na 'to, iba sa ibang schools na napuntahan ko. Mukhang mayayaman talaga ang mga estudyante dito.

Balita ko, sa harap ng school, nandoon ang dormitoryo ng mga estudyante. Di inilagay xs loob ng campus dahil para ma-check ang damit ng mga estudyante at sundin ang rules and regulations ng school, lalo na sa kasuotan at bawal magdala ng patalim.

Kung itatanong ninyo kung paano ko nalaman, search lang sa Google.

Pagbaba namin ng kotse ni Kuya Daun kasama si Kuya Kahel, agad tumakbo papunta sa mga babae n'ya.

"Let's go."

Sumunod ako kay kuya Daun habang nagmamasid.

Pagdating namin sa pinto, kumatok si kuya ng tatlong beses bago pumasok at may narinig na "pasok" na boses.

Pagkatapos ng usapan nila, binigay na agad ni kuya ang schedules, uniform, at susi ng locker at kwarto ko.

"Iiwan ko lang sa guard house ang mga gamit mo," paalam ni kuya Daun bago umalis.

"Ingat Kuya!" Sigaw ko habang masama ang tingin ng mga admins ng JPC sa window.

Nag-peace sign na lang ako at nakayuko habang tinitingnan ang schedule ko.

Bakit nga ba ako sumigaw? Tiningnan ko ang schedule ko at section ko, BSCE-1E? Section E ako? Ganon ba kahina ang utak ko?

"Ouch!" Narinig ko ang boses ng babae na nabunggo ko at tumumba s'ya.

"Hala, sorry sorry! 'Di ko sinasadya!" Hinging paumanhin ko sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

"It's okay. Pareho lang naman tayong 'di tumitingin sa dinadaanan, ang pinagkaiba lang natin ay natumba ako. Haha," sabi niya.

"Salamat." Ngumiti ako bago siya tinalikuran at maglakad na sana palayo.

"Uhm, miss." Tawag niya.

Lumingon ako para siguraduhin kung ako nga ang tinutukoy niya.

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Ikaw nga. Btw, my name is Nathalia Jean Oliva but you can call me Natnat. Btw, anong section ka?" sabi niya habang inaabot ang kanyang kamay.

"Krait Love Doll Vladimir but you can call me K or whatever you want. Nice to meet you," sabi ko bago inabot ang kamay at nakipagkamay sa kanya.

"So, anong section ka?"

"Section E."

Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Alam mo bang wala pa isang babae ang nakapasok sa section na 'yan?"

"Hindi ko alam at bakit wala pa babae?" tanong ko.

"Dahil galit sila sa mga babae. Para sa kanila, mahina at walang pakinabang ang babae at pabigat lang sila."

"Ah, ganon ba? Saan ba banda ang classroom nila?" tanong ko.

"Sige, sasamahan na kita," sabi niya at nanguna sa paglalakad.

Huminto kami sa pintuan na may nakasulat na "Section E" na nakabaliktad at parang walang pakialam ang mga estudyante.

"Hanggang dito nalang kita maihahatid, baka magsimula na class namin. Ingat ka sa kanila," sabi niya at tumakbo palayo.

Bigla akong napatingin sa kanya. Okay, talo na naman. Napangiwi na lang ako. Sana lahat nabiyayaan!

"Salamat!" Pahabol kong sabi baka may mag-class at mapahiya ako. Pero wala pa ring estudyante. Nagpatong ako sa upuan at idinukduk ang ulo. Iidlip na lang ako.


Kumatok muna ako bago ko pinihit ang doorknob, pero walang sumasagot.

Pagpasok ko, walang estudyante. Umupo na lang ako sa tabi ng bintana para makita ang labas.

Bakit wala pa ring estudyante? Dapat nagsimula na ang klase kanina.

Ipinatong ko nalang sa armchair ang ulo ko at dumukduk. Idlip na lang ako.

THE REBELLIOUS TROUBLEMAKER OF SECTION E IN ENGINEERING DEPARTMENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon