Kabanata XIII

7 2 0
                                    

Nag lakad lakad ako at hinanap kung sino man ang makikita ko sa loob ng bahay na to. May narinig akong ingay sa may kusina at parang amoy nasusunog.

Agad akong pumunta doon at nakampanti ng makilala ko kung sino ang taong nandun.

"Ahmm, Da-david" banggit ko at lumapit sa kaniya.

"A-asan ako? Kailangan ko ng umuwi. Can you help me?" Sunod sunod na sabi ko sa kaniya. Inihain niya yung pancake na sunog na gawa niya at tumawa.

" Sorry, hindi kasi ako nagluluto eh." Sabi niya.

" It's okay, for now I need you to listen to me. Okay?" Sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa aking ng seryoso at tumango.

" Where did you find me? At nasan tayo ngayon?" Bulong ko, dahil mahirap na baka marinig ng iba at malaman nila na nandito ako.

"Hinanap kita kagabi, hindi ka sumipot sa parade at nakita kita sa baba ng bundok kasama si Tina, kaya dinala muna kita dito sa bahay."

Good, at least nasa kanila ako, wait. What about Tina? Where is she?

" S-si Tina? Asan siya?" Tanong ko sa kaniya.

"Sinama ni Papa, babalik na rin yun. Teka nga lang, ano bang nangyayari?" Takang tanong niya at nalilito sa mga ikinikilos ko.

"Hindi ko alam kung maiintindihan mo or paniniwalaan mo ako, but I swear, There are a fucking cult in this town!" Sabi ko sa kaniya.

Halata naman na nagulat siya at hindi agad nakapag salita.

"Now, I need to leave. Kailangan ko ng bumalik ng Manila, I'm sure hinahanap pa rin nila ako ngayon."

" Matutulongan mo ba ako?" Bulong ko ulit sa kaniya at nag alangan pa siya habang tumatango.

" Mamaya, hintayin nalang natin si Tina, Isasama ko na siya sa Manila." Sabi ko at umupo at kinain yung sunog na pancake.

Nakita kung pinagmasdan niya yung reaction ko about sa luto niya and he's right, ang pangit ng lasa ng pancake.

Maayos na pala ako, pinalitan ako ng damit, wait what? Oh my ghaddds!

"David, s-sino nag pa-palit ng damit k-ko?" Nauutal na tanong ko dahil sa hiya, at hindi ko siya matingnan.

"Don't worry, Inutusun ko si manang na bihisan ka, pero ako na ang gumamot ng mga sugat mo." Sabi niya,

Tiningnan ko naman yung sa may wrist ko na may bandage, sa tingin ko mag pe'peklat to.

"Sandali nga lang, anong kulto? Ba-bakit walang naireport na ganyan sa barangay?" Tanong niya.

"They are fucking nuts! Murderer!" Sabi ko habang nakatingin lang sa kaniya ng deritso.

Ayaw kong sabihin na yung Tita niyang si Margarette ang leader ng kulto na yun, baka maging hadlang pa yun para tulongan niya kaming maka takas dito.

"Nag aalay sila ng buhay ng isang tao para matupad ang lahat ng hinihiling nila." Dagdag ko pa.

"Unbelievable!" Yan lang ang naging reaksiyon niya sa mga sinabi ko.

"And besides, hindi ka naman official ng baranggay kaya hindi mo alam kung ano ang mga na ireport doon." Sabi ko sa kaniya at uminom ng tubig.

"Yeah, I'm not. B-but my father is." Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Papa niya isang official ng barangay?

"S-sino?" Tanong ko.

"Si Kapitan. I am his son, pero hindi kami malapit sa isa't isa kaya hindi kami napaghahalataan." Malungkot na sabi niya.

Echoes From The HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon