Kabanata cinco: Sino ka?

29 27 5
                                    

Napabuntong-hininga ako kahit na anong gawin kong pagtatanong ay maingat pa rin si Gelo sa pagsagot na para bang nililimitahan at pinipili niya ang dapat niyang sabihin.

Nakahiga ako ngayon sa higaan ko nagiisip kung paano ko mapapaamin si Gelo. Gusto kong alamin kung ano ang rason niya at ba't niya ito ginagawa.

Sa di malamang dahilan ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko ngayon ko lang ulit ito naranasan na hindi nahihirapang matulog. Sasamantalahin ko na ito.

"Ha? Nasaan ako?" Napakadilim, ano ba ito? Ang alam ko ay natutulog ako kaya nasaan ako? Panaginip ba ito?

Wala akong maaninag na kahit isang maliit na ilaw man lang, para akong nasa isolation sa sobrang dilim di ko na alam kung saan ako pupunta, buti na lang at walang mga gamit literal na empty.

"H-Hello? May tao ba riyan?" Kahit na wala akong makita ay patuloy pa rin ako sa paglalakad, naghahanap ng ilaw pero sana yung pintuan palabas dito yung matagpuan ko.

Napalingon ako sa kung saan nang may marinig akong nag buntong-hininga.

"Nagkita na rin tayo sa wakas James...." Ang boses na iyon.

Hinanap ng mga mata ko ang taong iyon kahit na alam kong walang silbi iyon dahil sa dilim. "Hindi ka ba nasisiyahang makita ako?" Sira ulo ba siya? Paano ako masisiyahan na makita siya kung ang dilim dilim!

Nakarinig ako ng tawa, malakas ito kaya alam ko na nasa malapit lang siya, "Oo nga pala, di mo pala ako nakikita. Pero sigurado ka bang kaya mo na akong makita?" Ano bang pinagsasabi niya?

"Ang dami mong satsat kung gusto mo magpakita edi magpakita ka pake ko ba?!" Naiinis na ako pero sa totoo lang may takot at pangamba dito sa puso ko, hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

"Talaga? Paano kita haharapin sa lagay mong iyan? Hindi ba't natatakot at nangangamba ka? Kaya ngayon, sabihin mo sa akin na handa kana."

'Paano niya iyon nalaman? Manghuhula ba siya?'

Nakarinig ako muli ng pagtawa, "Hindi ako manghuhula at hindi rin ako kung sino lang. Ako ay ikaw.......," Tila ang mga huling salitang iyon ay umalingawngaw sa kapaligiran at sa utak ko rin, paulit-ulit itong nag r-replay.

Parang lumiliwanag na ang paligid, nakita ko ang anino ng lalaki at ramdam ko na nakangisi ito ngayon dahil totoo ang sinabi niya.... hindi pa ako handa para harapin siya.

"Huwag kang mag-alala magkikita pa tayo, James...." Yan ang mga huling salita na binitawan niya hanggang sa tuluyan na siyang naglaho at nawala sa mga paningin ko kasabay na rin ng pagkagising ko.

Di ko mawari pero parang totoo lahat ng iyon, pawisan ako at......bakit nasa rooftop ako ng building namin?

"H–HA!!! Anong ginagawa ko dito?!" Paano ako napunta dito? Nasa kwarto lang ako natutulog kaya paano? Nag sleep walking ba ako?

Napasapo na lang ako sa noo, "Ha, huwag mong sabihin na bumabalik nanaman itong pag s-sleep walking ko?" Dahil sa inis ay ginulo ko ang buhok at umupo na lang sa sahig.

-----                                      

Nakahiga ako sa sahig habang tinititigan ng payapa ang kalangitan, dinadama ang simoy ng hangin, dinidinig ang mga huni at busina ng mga sasakyan.

Bumuntong-hininga ako, "Sana gan'to na lang kapayapa lagi." Ayaw ko ng maranasan ang mga iyon na kahit ako ay hindi alam kung anong nangyayari.

Tahimik lang ako dito na nagmuni-muni nang may marinig akong tila natumbang bagay, agad akong napa-upo at nilingon kung saan nanggaling ang tunog.

"Gelo?" Nakita ko pa ang gulat nito, kumamot siya sa batok saka itinayo niya ang basurahan at pinulot ang mga basura na nagkalat, pagkatapos lumapit siya sa akin na tila ba nahihiya.

"Hi... " May alanganin sa boses nito, hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito. Pero ayos na rin, siguro naginhawahan rin ako na siya iyon at hindi ibang tao.

Hindi ko na lang siya pinansin at humiga muli nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumunod siya sa akin, humiga rin siya at tumitig sa kalangitan. Tahimik lang kami, walang nagbabalak na magsalita.

Tanging mga buntong-hininga ang naririnig namin, naramdaman ko na tumingin ito sa akin pero binalik agad ang tingin sa mga ulap. Humangin, napapikit ako para damhin ito, itinaas niya naman ang kamay para damhin din ito.

Napatingin ako sa kaniya ng umupo siya, tinititigan ko lang siya, nakatalikod na ito sa akin ngayon.

"Jade," pagtawag niya.

Hindi ko alam ang nangyayari pero.....Jade? Ang pangalang iyan ang nakalagay sa likod ng larawan na kamukhang-kamukha ko. Umupo na rin ako at tumingin kay Gelo na diretso lang ang tingin sa papalubog na araw.

"Patawad Jade, hindi ko na kayang itago ang lahat," mapait na ngumiti si Gelo sa akin, nakatitig lang ito na tila may kinakausap, kita sa mga mata niya ang paghingi ng tawad sa taong tinawag niyang Jade.

Umiling-iling ako para bumalik ako sa diwa ko, nakita ko na nakatitig ito sa akin. Seryoso ang mga mata nito, "b-ba't ka nakatitig sa akin ng ganiyan?" Hindi mapakali na saad ko, kinakabahan.

Hindi ko alam pero iba yung awra niya ngayon, ibang-iba sa Gelo na kilala ko, magaan at masaya itong kasama, puro rin kalokohan ang alam pero ngayon? Isang napaka seryosong Gelo ang nasa harapan ko, hindi ko rin mabasa ang iniisip niya.

Kita ko ang pagdadalawang-isip niya. Huminga ako ng malalim, "Ano iyon? Sabihin mo na," seryoso ko rin na saad, hindi siya mag seseryoso kung hindi importante ang sasabihin niya at tyaka ngayon lang siya nagkaganito.

Sasabihin niya na ba sa akin na siya ang may pakana ng lahat ng iyon? Kung gayon ay hindi na ako mahihirapang alamin pa iyon pero bakit iba? Ang bilis ng tibok ng puso ko, tila bang alam kung ano ang sasabihin nito, kinakabahan at pinagpapawisan din ako kahit na mahangin naman.

"Sa tingin mo kakayanin mo na ang lahat?" Anong pinagsasabi niya? Grabeng pa suspense ito, hindi ba pwedeng sabihin niya na lang dahil grabe na ang kaba na nararamdaman ko.

"Kakayanin mo na bang malaman ang tunay na rason sa mga nangyayaring ito?" Hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin, napalunok ako dahil dito. Ano bang totoo? Ano ba ang dapat kung malaman?

"Kakayanin mo bang balikan lahat ng ala-alang iyong kinalimutan?" Kasabay ng pagsabi nito ang pagpatak ng pawis ko.

Ala-alang aking kinalimutan?

Catch Me [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon