Kabanata Tres: Ang larawan

42 40 21
                                    

Laging walang tulog ako kung pumasok, hindi ko alam kung parusa ba ito sa akin. Pero ano nga ba ang nagawa ko na dapat ako magdusa?

Bigayan na ng kard ngayon, kinakabahan ako habang papasok sa loob ng klasroom namin.

"Oh, ba't ganiyan nanaman yang mukha mo? Parang laging mainit ang ulo mo nitong nagdaang araw."

"Di nakatulog kagabi eh, at tyaka pakiramdam ko bumaba ang grado ko ngayon."

Alam ni Gelo na consistent honor student ako simula elementarya hanggang magtapos ng senyor high, at ngayong college ay aspiring dean list ako.

"Hindi naman siguro bro, ang galing mo nga eh kung tutuusin ikaw na nga yung paborito ng mga guro natin dahil napaka active mo," Ngumiti na lang ako tyaka inakbayan siya at inaya ng pumasok.

Alam ko naman na sinusubukan niyang pagaanin 'tong nararamdaman ko, na kwento ko na kasi yung mga bangongot na nararanasan ko kaya alam niyang hirap ako sa pagtulog. Pero hanggang doon lang ang nalalaman niya at wala akong balak sabihin ang iba pang nangyari sa akin.

-----              

Nasa mga kamay ko na ngayon ang kard ko pero parang wala akong balak buksan ito. Alam ko naman na, na bumaba ang mga grado ko at di ko na iyon itatanggi.

"Oh, di mo ba titignan?" Ngumuso pa ang lalaki para ituro yung hawak ko na kard. Umiling lang ako bilang tugon.

Umupo siya sa tabi ko at namayani ang katahimikan, tanging ang paghinga, mga tawanan at usapan ng mga studyante, at ang hangin na magaan na dumadampi sa mga balat namin ang nagpapa ingay sa kapaligiran.

"Mauna na ako, inaantok ako eh, susubukan kong matulog." Pagbasag ko sa katahimikan, kinuha ko ang bagpack ko tyaka tumayo at nagsimula ng lumakad.

"Hindi mo ba ako sasamahan sa paresan?!" Rinig ko pang sigaw nito, napangiti tuloy ako ng maalala ang mukha nito no'ng una kaming pumunta roon.

Tinaas ko ang kamay at winagayway ito habang patuloy pa rin sa paglalakad na hindi man lang lumilingon sa direksyon nito senyales na hindi ako sasama.

Namalayan ko na lang ang sarili na nasa tapat na ako ng building kung saan ako naninirahan. Napabuntong hininga na lang ako tyaka pinagpatuloy maglakad papunta sa condo room ko.

Nasa tapat na ako ng pintuan ewan ko pero kaka-iba yung pakiramdam ko, hindi naman ganto dati. Pinalis ko na lang iyon at tinipa ang password.

"Huh?" Bakit nakabukas itong pintuan? Sigurado ako na ni-lock ko ito bago pumunta sa school.

Napalunok ako, kinakabahan man ay pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Nang tuluyan ko na itong nabuksan ay wala akong makitang nabago sa mga kagamitan ko. Lahat ng gamit ay nasa tamang pwesto pa rin kaya nakakapagtaka kung ba't di naka lock ang pintuan.

Parang nabunutan ako ng tinik, "Hay....akala ko may magnanakaw na naka pasok," Naglakad ako papunta sa sala binagsak ko ang pagod na katawan sa malambot na sofa.

Mahimbing akong natutulog ng biglang may naramdaman akong gumagapang sa tiyan ko papuntang tenga. Nagising ako dahil sa kiliti na naramdaman.

"Ano ba iyon? Wala namang gagamba o anong insekto na nahulog sa akin, ah," Napahawak na lang ako sa leeg ko, ini-strech ko pa ang mga katawan tyaka humiga ulit para ipagpatuloy ang pagtulog.

Pahimbing na sana ang tulog ko ng biglang may humawak at humila sa paa ko dahilan para maalimpungatan ako at napa upo agad.

"W-What the......heck" bulalas ko.

Hindi pa ako nakaka bawi sa pagka gulat ng biglang bumukas at mag sara ang pintuan ng kwarto ko dahilan ng paglikha nito ng malakas na tunog.

Haunted ba itong condo ko? Pinagpapawisan man dahil sa takot ay naglakas loob akong tignan kung anong meron.

Pinihit ko ang doorknob at saka sinipa ang pintuan para sana gulatin kung sino man ang hayop na nangt-trip sa akin.

Pero mabilis ko rin itong pinagsisisihan ng makitang walang tao, ni wala ngang bakas na may pumasok dito. Sarado ang mga bintana kaya imposibleng hangin ang may pakana nito.

Maayos ang higaan ko, maayos rin ang nga gamit ko ni hindi nga ito nagalaw. Pero may isang bagay akong nakita na hindi ko dapat nakikita dito.

"Red envelope...." Nakalagay ito sa bulsa ng uniporme kong damit. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang envelope.

"Ba't ba kung saan-saan na lang kita nakikita?" Tinampal-tampal ko pa ang mukha ko para mapatunayan kung totoo ba ito o guni-guni ko lang. Pero dahil masakit at namumula ang pisngi ko alam kong totoo ito.

Ano nanaman kaya ang laman nito? Bubuksan ko ba o diretso ko na lang na itapon?

Napa upo na lang ako sa kama, di ko na alam parang mababaliw ako. Araw-araw akong nakakatanggap ng red envelope, dahil na trauma na ako sa una ay di ko na binubuksan yung iba pa, nilalagay ko ito sa drawer at ni l-lock pa para sigurado akong walang mangingialam.

Pero sa pagkakataong ito parang may bumubulong sa akin na buksan ko, sa di malamang dahilan parang kusang gumalaw ang kamay ko at tinanggal ang selyo nito.

Nanginginig na nilabas ang laman nito, napahinga ako ng tama ang hinala mga litrato nanaman. Iniharap ko ang mga ito sa akin ngunit laking sisi ko kaya't nabitawan ko rin ito.

Ako lahat iyon pero may......kakaiba, ang mga suot nitong damit ay ibang iba sa paraan ko ng pananamit. Mas nagmukhang mature ito at elegante tignan.

Imposibleng ako ito at tyaka di ako pumupunta sa mga magagarang restawran, bumibili ng mga damit sa mga mamahalin at kilalang brand, at higit sa lahat hindi ako pumupunta sa mga hotel ng walang dahilan.

Oo, mayaman ang pamilya namin pero di ko sinanay ang sarili ko sa yaman na iyon, di ako umaasa sa mga pera ng magulang ko. Kaya di ko maintindihan.......ako nga ang nasa larawan ngunit ibang iba naman sa totoong ako.

Kumalma na ako ng kaunti, pinulot ko ang mga litratong nagkalat at inusisa ito ng maigi. "Kamukhang-kamukha ko siya pero napaka imposible na ako ito."

Napakunot ako ng may mapansin may naka sulat sa likod sa isa sa mga litrato, binaliktad ko ito. Kulay pula ang tinta ng ballpen na ginamit, maganda ang sulat kamay nito.

Nagagalak ka bang makita siya muli James......
                                                                A.M

Parehong initial sa unang envelope, "Sino ka ba kasing A.M?" ginawa ko na ang lahat para hanapin kung sino siya, sinubukan ko ring alalahanin kung may kilala akong A.M pero wala!

At ano bang pinagsasabi nito? Ba't ako magagalak na makilala ang sarili ko? Pero..... teka, kasasabi ko lang kanina na imposibleng ako ito.......kung gayon sino ito na ikakagalak kong makita muli?

Catch Me [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon