Kabanata Uno: Ang Sulat

68 41 18
                                    

"Bro, may letter nanaman?lba talaga pag pogi eh" nang aasar na sabi ng kaibigan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dito ang creepy kasi at tyaka laging sa iisang tao siya galing. Ano ba kailangan nito sa akin?

Umiling ako, pilit na tinatanggal sa isip yung letter na iyon. Lumakad na ako palayo sa locker ko, narinig ko naman na sumigaw si Gelo at tumakbo papalapit sa akin.

"Balak mo nanaman akong takasan ha," tumalon siya at umakbay sa akin, muntik ng mabali yung leeg ko doon ah!

Winaksi ko yung kamay niya sa balikat ko, "magkaka high blood ata ako dahil sayo par," naiinis na saad ko habang hinihimas ang masakit na leeg.

-----

Naglalakad na ako pauwi ng may maramdaman akong sumusunod sa akin, mas binilisan ko ang paglalakad hindi ako mapakali.

Nasa liblib pa naman akong lugar, ewan ko ba ba't walang street light sa bahaging ito.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagkanta ng kung ano ano para lang iwaksi itong takot na nararamdaman ko.

"Leron leron sinta upo't kalabasa~" di ko na alam ang mga pinagkakanta ko, 'bilis....bilis James!"

Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong bumulong sa akin galing sa likuran ko,

"Shit!" dali-dali akong kumarimpas ng takbo. Wala na akong pake alam kung sasabihin ng tao na kalalaki kong tao tas matatakutin, pwes...ayaw ko ng maging lalaki kung ganoon!

Nang mapansin ko na wala na ako sa maliblib na lugar na iyon ay huminto na ako sa pagtakbo.

"S-Shuta, ano yon?" hingal na saad ko habang nakahawak sa poste at hinahagod ang dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko at parang mawawalan na ako ng hininga!

Nang maka-recover na ako ay inayos ko ang sarili ko at maglalakad na sana ng may marinig nanaman akong tunog.....tunog ng isang lata na para bang nasipa ito.

Napalunok na lang ako sa kaba at pinagpapawisang tumingin sa likuran ko kung ano iyon pero wala namang tao.

May kung anong gumulong na bagay papunta sa akin, tumigil ito sa paanan ko. Kinakabahan man ay unti-unti ko itong tinignan nakapikit pa ang isang mata.

Napahinga na lang ako ng maluwag ng makitang isa nga itong lata, lumang lata ng sardinas.

"Mga tao talaga di marunong magbasura sa tamang basurahan, tsk." Pinulot ko ito at naghanap ng basurahan.

"Pati paghihiwalay ng mga di nabubulok sa nabubulok di pa magawa," pailing-iling na saad ko, hindi natutuwa sa bagay na iyon.

Isasara ko na sana yung takip ng basurahan ng may maramdaman akong nakatingin sa akin. Sa una ay di ko ito pinansin pero naramdaman ko na may kung anong tumakbo sa likuran ko at biglang humangin eh hindi naman mahangin.

"K-Kung sino ka man magpa kita ka na!" tapang-tapangan kong saad, pero sana walang magpakita, sana guni-guni ko lang ang lahat ng iyon.

Sa awa ng diyos wala namang nagpakita kaya napahinga ako ng maluwag, maglalakad na sana ako ng may humawak sa balikat ko.

Dahil sa gulat ay nasikmuraan ko ito, "Ay, gag* ka!" Pinagmumura ko si Gelo na namimilipit sa sakit.

"Ano bang ginagawa mo?! Gabing gabi na tas nananakot ka pa! Sira ulo ka ba!" kung di ko lang ito kaibigan baka kung ano na magawa ko sa kaniya.

Sayang yung hingal ko sa pagtakbo kanina! "C-Chillax bro, a-ang sakit mo mang sikmura," di ko siya pinansin at naglakad na papalayo sa kaniya.

"Shit! Di ko akalain na natakot ako sa mga pakana niya! AHHH!" Naaasar na ginulo ko ang buhok. Nakakahiya ka James!

-----

"Sorry na nga bro, di ko naman alam na matatakutin ka pala," natatawa pang saad ng kaibigan.

Ba't ba sumunod ito sa akin pauwing bahay?

"Ano bang kailangan mo?" Naiiritang saad ko sa kaniya, nabuksan ko na ang pintuan isasara ko na sana ang pinto ng biglang pinigilan ni Gelo ang pagsara nito.

"S-Sandali kasi!" Pinandilatan ko siya ng mata dahil naiinip na ako, ano bang problema niya?

"Magsasalita ka ba o sasarahan kita ng pinto?" taas kilay kong saad dito.

"Si bro ay parang babae napaka maldita," pilosopong sagot niya.

Isasara ko na sana ang pintuan ng magsalita muli siya "S-Sandali! Eto na nga magsasalita na, apaka inipin mo naman!"

"Eh kasi.... p-pwede bang dito muna ako matulog?" kumunot ang noo ko,

"At bakit naman? Wala ka bang bahay aber,"

Kumamot siya sa batok niya, alam ko na ang mga galawang iyon. May ginawa nanamang siyang katarantaduhan kaya ayaw niyang umuwi sa kanila.

"Hindi pwede, mag hotel ka na lang," diretsahang saad ko,

"H-Ha? Sanda-" di ko na siya pinatapos magsalita at isinara na ang pinto.

Dinig na dinig ko pa ang pagsigaw nito ng pangalan ko sa labas pero di ko na iyon pinansin.

Katatapos ko lang mag shower ng may katok ng katok sa pintuan, "Anong oras na, di pa rin iyon umaalis? Napaka kulit talaga!"

Nagpapadyak na pumunta sa pintuan para tignan siya. "Alam mo nakakadis-" di ko natapos ang sasabihin ng makitang walang tao sa labas.

"Ha? Asan na yon? Nang t-trip nanaman ba siya?" Lumabas ako at tinignan sa mga hallway pero wala talagang tao.

Nagkibit balikat na lang ako at papasok na sana nang may makitang isang red envelope sa harap ng pintuan.

Pinulot ko ito at inusisa, "Oh, saan naman galing ito?"

Pumasok na ako at isinara ang pinto, dumiretso ako sa sofa para tignan kung ano ang laman ng envelope.

"Ano nanaman kaya ito?" Nabuksan ko na ang envelope at may parang vintage type na papel na laman nito.

Kinuha ko ito at binuksan, napatigil ako ng mapagtantong kagaya ito ng mga letter na nasa locker ko.

"What the–" di makapaniwala, pati ba naman dito sa bahay di ako tatantanan?

Napasabunot ako sa buhok ko at napagdesisyunan na basahin ang sulat.

May 04, 2022

Dear James;
Eksaktong 1 year and 5 months na ang nakakalipas simula no'ng una tayong magkita at doon rin ako unang nagkagusto ng sobra sa isang lalaki. Alam mo ba na palaging ikaw yung laman ng mga panaginip ko; tayo raw ay nagpakasal, nagkaroon ng anak, ginagawa yung mga bagay na para sa mag asawa lang. Lagi mo akong pinapasaya at pinapakilig sa mga panaginip ko pati na rin sa realidad. Alam mo ang gwapo mo pag natutulog, pag nagpipinta ka, at pag nasa library ka nag aaral lalo na't suot mo yung eyeglasses mo >_<! Para bang mahihimatay ako pag nakikita kang ganon, laging di buo ang araw ko pag di kita nakikita kaya naman gumagawa ako lagi ng paraan para makita at malaman bawat kilos mo. Sana magustuhan mo ang regalo ko sa iyo!

                           Ang iyong future wife,
                                                 A. M
                

Nabitawan ko iyon dahil sa pagka gulat.

"Sinong baliw ang magsusulat ng gan'to?!"

Nagkalat ang sulat at....... mga litrato?

Pinulot ko ang mga ito at mabilis na tinignan isa't isa ng di makapaniwala

"Ako lahat ito ah!"

Litrato ko habang natutulog, nag-aaral, kumakain, naglalaro, litrato kong nakangiti at nakatawa, at....nagpapalit?!

"What the heck!" Ano bang kagaguhan ito?! Pinunit ko ang mga ito at dali daling sinindihan ang kalan para sunugin ito.

Pinagpapawisan at nanginginig ang mga kamay ko bumabalik ang mga alaala sa taong iyon. Taong bangungot para sa akin ang lahat.

Catch Me [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon