Kabanata cuatro: Ang Pagtatanong

39 36 13
                                    

"AHHHH!" Isang nakakarindi na sigaw ang lumabas sa bibig ko, ang mga red envelope nagkalat sa lahat ng sulok ng bahay!

"May nakapasok ba dito? Pero imposible! Maski nga si Gelo di niya alam ang password ko," Hindi ko alam pero kinikilabutan na ako sa mga nangyayari. Ni hindi na nga ako nakakapasok sa paaralan ng payapa.

Ayaw ko ng ganito, ano bang problema nila sa akin at ginagawa nila itong panggambala na'to?

Wala akong inaapakang tao, wala akong kaaway pero bakit?

Hindi ko mawari pero ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, ang bigat ng katawan ko na para bang galing ako sa isang marubdob na bakbakan.

Hinilot ko ang leeg at saka ini-strech ang katawan habang naglalakad papunta sa paaralan. "Ha.... ang sakit ng katawan ko," napapapikit na lang ako sa sakit at antok pero dapat pigilan kasi may pasok pa ako.

-----                                     

"Ba't ganiyan nanaman yang itsura mo? Lagi ka na lang haggard baka magulat ka na lang lahat ng babae na may gusto sa'yo eh sa akin na may gusto." Ang loko hinawakan pa ang mukha feel na feel niya yung mga sinabi niya.

Tinapik ko ang balikat niya, "Huwag kang mag alala di yan mangyayari hanggat nabubuhay ako," Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti tyaka pinisil ang tungkil ng ilong niya para mas lalong asarin.

Umalis na ako ng makita kung umuusok na yung ilong niya sa inis, "James..... humanda ka talaga sa akin!" Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya pero tinawanan ko lang ito.

Malapit na ako sa klasroom namin ng may nakasalubong ako. Hindi ko alam pero kaka-iba ang awra nito hindi ko siya gusto, hindi ko nakita ang mukha at hindi ko rin alam kung lalaki ba ito o babae dahil sa suot niya.

'H-Ha? Parang kilala ko 'tong awra na ito,' lumingon ako para tawagin siya pero nawala siya, inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko siya mahanap. Sino siya?– "h-ha?! Ano nanamang ginagawa ng litratong iyan dito?!" Nanginginig man ay dinampot ko ito.

"A-Alam ko na hindi ako ito pero bakit kamukhang-kamukha ko siya? At bakit parang natatakot ako sa kaniya?" Nakakapagduda, hindi ko talaga alam ang sa–ha? Hindi kaya may....... pero napaka impossible noon. Walang sinabi sa akin ng mga magulang ko na may kambal ako at tyaka kung kapatid ko man siya imposible rin kasi si Jane lang ang kapatid ko at babae pa hindi lalaki.

Ano bang nangyayari? Sino ka ba talaga? Kung sino man ang gumagawa nito humanda siya sisiguraduhin kong mahahanap kita at pagbabayarin mo ito. Halos di na ako matulog sa mga nangyayari sa akin tas ikaw na pasaya-saya...... Tsk, di ako papayag.

Eksaktong pag upo ko ay nandito na rin ang prof namin. Discussion ngayon kaya kailangan kong makinig pero ang isip ko ay tila ba may sariling mundo, imbes na makinig ako ay mas iniisip ko kung paano huhulihin yung taong may pakana ng lahat ng ito.

Pero ang tanong meron nga ba talaga? Paano kung wala? Paano kung guni-guni ko lang lahat? Paano kung trina-traydor ako ng sarili kong isipan? AHHH! Ang hirap naman nito. Ano ba ang dapat kung gawin?

Nabalik ako sa realidad ng tapikin ako ng kung sino. "Bro, kanina ka pa tulala dyan ayos ka lang?" Hindi ko alam pero paano kung siya ang may pakana nito? Pero wala siyang alam at tyaka ba't niya naman iyon gagawin?

"Bro... Bro....Hello?"  Napailing ako, hindi siya ang may kagagawan nito, kilala ko siya hindi siya gano'ng klase ng tao.

"Ayos lang ako," matipid na saad ko, napagpasyahan ko na makinig na lang sa discussion kaysa sa mag isip ng kung ano ano. Hindi maganda pag babagsak ako ng dahil dito.

-----                                     

"Alam mo, napapansin ko wala ka sa sarili mo nitong mga nagdaang araw," umakbay nanaman siya. Hay naku, di talaga nag tatanda.

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko, "may iniisip lang at tyaka diba sabi ko huwag mo akong aakbayan dahil ang init init!"

Napakamot siya sa ulo niya saka ngumiti at nag peace sign, "Sorry, nasanay lang kasi ako eh."

"Nasanay? Eh, hindi kita kailanman pinayagang umakbay sa akin," tama, kasi pag umaakbay siya lagi ko itong inaalis at kung iisipin mo ngayon college lang kami naging magkaibigan.

"H-Ha? Ah, ang ibig kong sabihin ay nasanay ako sa mga dati kong tropa noon, lagi kasi akong umaakbay sa kanila," tumawa pa ito, pero bakit parang may kakaiba sa kaniya iniiwasan niya na magtama ang tingin namin at tyaka pinagpapawisan siya eh hindi siya pawisin.

"May tinatago ka ba sa akin?" Diretsahang saad ko, ayaw ko ng magduda pa sa kaniya kaya gusto ko na malaman kung totoo ba ang hinala ko o hindi.

"T-Tinatago? A-Ano naman ang itatago ko sa'yo?" Ang likot ng mga mata niya.

"Halimbawa....," naglakad ako papalapit sa kaniya,

"Ikaw yung nagpapadala sa akin ng red envelope," nakita ko ang paglunok niya, napangiti ako ng dahil doon.

"Tara!" naglakad na ako papalayo, iniwan siyang tulala at gulat. Kalaunan ay nakaabot siya sa akin.

"Ano iyon? Sandali, pinagdududahan mo ba ako?" Nagkibit-balikat na lang ako bilang tugon.

Kung ano man ang tinatago niya sisiguraduhin ko na malalaman ko ito......

Catch Me [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon