Prologue

19 4 0
                                    


"Bakit ka umalis? Ha? Bigla kang nawala eh, alam mo ang hirap, ang hirap hirap..."

Kita kong papatak na ang luha nya habang sinasabi ang mga katagang yan.

Shet.

'Di ko kayang tagalan 'to. Eto yung pinaka ayaw ko eh.

Pano ba ako napunta sa sitwasyon na 'to? Kala ko tapos na? Humakbang sya papalapit sa akin na naging hudyat ng pagatras ko.

".....'Ga, bakit 'Ga?"

'Ga' almost a year kong di narinig yan ah. Ang sarap palang pakinggan, pero bakit may kaakibat na sakit?

Ang sakit. Ang sakit kasi I know na di na pwede. Alam kong tapos na. Alam kong hanggang dito na lang...

Unti-unting bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.

" 'Ga, sumagot ka naman. Iniwan mo ko eh... you left... without saying a-any...t-thing....."

Napatakip na lang ako sa bibig ko at tumalikod. Hindi ko talaga kayang makita sya ng ganito.

" 'Ga..... siguro naman may karapatan akong malaman yung dahilan mo...." muli niyang sabi sa gitna ng pag iyak nya.

Sagot. Uyy sumagot ka! Give him answers.

After a year ngayon ko lang sya ulit nakita, I even stop myself from checking my socmed accounts dahil alam kong sya lang nmn ang laman non. Ngayon ko lang ulit sya nakita ng ganito kalapit sa personal after ko syang......iwan.

Yes! You read it right. Ako. Ako yung nang-iwan sa kanya. So basically, this is all my fault.

" 'Ga! Ano ba!, tell me.... t-tell me did I... did I do something wrong? Kase.... Im willing to do anything just to make it r-right"

Stop! Stop crying!! Alam mo naman na iyan yung kahinaan ko eh. Humakbang syang muli at akmang hahawakan ang kamay ko, I immediately step back. Bahagyang nagulat pa sya sa naging reaction ko.

"K-Kung ano man yun, sorry! Im sorry, 'Ga..."

No, Ken. Wala kang kasalanan. Ako. Ako yung problema.

Di ko na napigilan ang pag-agos ng aking luha. I hate this! I freaking hate this! This is all my fault.

Humahagulgol sya sa harap ko! Ang sakit sakit! Feeling ko pinipiga yung puso ko, why it have to be like this?? Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang patahanin, pero hindi pwede.

Kailangan kong panindigan yung desisyon ko. I need to restrain myself.

" 'G-Ga.... j-just tell me, please fucking tell me w-what do I need t-to do?!"

Stop this already! Oh God, please help me! He doesn't deserve this kind of pain. Pareho lang kaming nasasaktan.

"K-Ken, please stop. I c-can't stand seeing you l-like this. Ken tama na ha....please..."

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Inabot ko ang mukha nya gamit ang kanan kong kamay. At marahan kong pinunasan ang mga luha sa kanyang kaliwang mata.

Kita ko ang pagpikit nya habang ginagawa ko yon. Oh God, I miss him....so much.

Ramdam ko ang paghawak nya sa kamay kong nakadampi sa kanyang mukha.

Pareho kaming umiiyak. Kasabay nang pag-agos ng luha sa aming mga mata ay siya namang buhos ng ulan.

Pati ba naman langit nakikisabay sa amin?

"Ken...."

Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata at itinuon ang tingin sa akin, tila nag-iintay sa kung ano mang sasabihin ko.

"K-Ken, you need to go home. Lumalakas na ang ulan, baka magkasakit ka".

Natigilan sya sa sinabi ko at lumayo ng konti, tila hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.

"A-After you left....iiwas ka nmn ngayon?? 'Ga naman! Don't act as if you're concern about me....you left me hanging, right?..."

Why is he being sarcastic now?

"....I need answers 'Ga, 'ANSWERS'..."


Uhmmm. Paano ko ba tatakasan 'to? Pwede bang mag-teleport na lang ako? Konti na lang kasi bibigay na'ko.

" A-Ah, a-ano ahm.... I need to go home na pala, k-kasi magpapakain pa ako ng p-pusa."

Really?! Magpapakain ng pusa?! What a lame excuse! But its true, though...

Kita ako ang pagsara ng kamao nya at pagtingala sa langit. Tila ilang segundo na lang sasabog na sya.

Tinalikuran ko muli sya at akmang aalis na sana nang biglang humarang sya sa harap ko. Yumuko sya ng bahagya upang magpantay ang aming mga mukha.

" 'Ga, just for once, piliin mo namn na 'wag umiiwas. Tapatin mo naman ako. Kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! And I want to hate you for doing that, but I know you have your reasons. What are you doing now? You keep avoiding my questions, you keep changing the topic! Why?! I just want to know why? WHYYYY??!." mahabang litanya nya.

At humagulgol na naman sya. Nasasaktan na ako ng sobra. 'Di ko na kaya.....

"Y-You don't u-understand, Ken"

"Kasi ayaw mo naman ipaintindi!"

"Nahihirapan na ako kasi.....ayoko na...."

Sumeryoso ang kanyang mukha at matiim na tumitig sa mga mata kong nakatuon sa mukha nya. Bumuntong hininga ako tsaka nagpatuloy....

"Ayoko nang bumalik sa nakaraan kung nasaan ka. Hindi pwede. Tapos na eh, nalagpasan ko na yun. Hanggang dun na lang yun..."

Tumutulo pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga.

Sinalubong ko ang kanyang tingin. Alam kong kapag ginawa ko yon ay mapapansin nya na totoo ang kung ano mang sasabihin ko.

"Basta ang alam ko...."

I need to say this now. Para matigil na 'to. This is bad for me, hindi na ako makahinga.

Alam kong masasaktan ko na naman sya sa pagkakataong ito, pero this is the only way I know.

"Basta ang alam ko......nung umalis ako, alam kong........pinalaya na kita."





We Ken-Be (can be)Where stories live. Discover now