Chapter 6

5 1 0
                                    


FEBE'S POV



"NOOOOO!!! Don't leave me...... NOOOOOOO!!!!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon. Uh! That same shit again. It keeps hunting me every night since then. That freaking nightmare. I think I should have paid a visit to Doc Camerino again these days to get a new prescription, di na ata um-eeffect yung iniinom ko. Maybe sooner or later?



I catch a glance on my side table. 5:21am. Maaga pa. Masyado pang maaga. I lay back on my bed and closed my eyes, several minutes had passed pero di pa rin ako makatulog. I got up at tinungo ang kinalalagyan ng maleta ko sa ilalim ng kama. There, I found my old notebooks na naglalaman ng mga tula and spoken poetry ko, marami-rami na rin akong nasulat dito na kung ano-ano.


Writing songs and poems are my coping mechanisms everytime na may pinagdadaanan ako or tuwing nalulungkot ako. Ewan ko ba, basta binubuhos konlang lahat ng nararamdam ko sa pagsusulat, effective naman kasi nakakalimutan ko pansamantala yung mga problema ko.

Mataman kong pinasadahan ng tingin ang bawat pahina sa notebook na hawak ko, nakakatuwang pagmasdan... ang dami ko na pa lang nasulat? Ganon ba ako kabored para makapagsulat ng ganito?

Ano namang isusulat ko ngayon? Tungkol saan? I have to do this, I have to divert my mind into thinking 'things' that may hurt myself.... Aha! Tungkol sa SB19!!!

I held my pen and started writing all about them. I talk about how they somewhat managed to save lives of people through their passion and music, how they gave karangalan at pagkilala sa bansa natin globally, and also on how they managed to raise P-Pop music na umabot sa kung saan-saang bansa. Nagsulat-sulat lang ako ng nagsulat.

'Di ko na namalayan amg takbo ng oras.....basta ang alam ko lang ng matapos ako ay maliwanag na sa labas. Muli kong pinasadahan ng tingin ang tulang nagawa ko....




SB19
✍️: me

Binubuo ng dalawang letra't dalawang numero ang ngalan ng inyong grupo
Apat na pantig kung bibilangin ko
Binubuo ng limang pambihirang mga tao
Na sa industriya ng musika ay talaga namang hindi magpapatalo
Limang mga tao na may kanya-kanyang ugali at pagkatao
Na ang layunin ay iangat ang ekonomiya ng bansang sinilangan ko
Sa pamamagitan ng malulupet na mga liriko

MAHALIMA, 'mahal ka ng lima' ika nga nila
Sa t'wing aking naririnig ang inyong mga musika
Agad na nakakalimutan lahat ng dinadalang problema
Ngayon lang ako nakaranas at nakakita
Ng pagliligtas ng mga buhay na hindi superhero ang gumagawa
Nagbigay ng liwanag at pag-asa sa buhay ng kanilang mga madla
SLMT sa walang humpay na pagkakaloob ng inspirasyon at pagpapasaya

Ang ngalan ng inyong grupo.....
Binubuo ng dalawang letra't dalawang numero
Nagbigay ng sandamakmak na premyo at pagkilala sa bansang ito
Patuloy na pagsuporta ang tanging maipapangako ko
Hinding-hindi mag-s-swerve hanggang dulo
Dalawang letra't dalawang numero......
SB19....kayo ang tunay na Tatak Pilipino

Medyo maikli lang ang nagawa ko, pasensya na yan lang nakayanan. Pero I could say na I'm really satisfied with how it turned out!


**********



It's around  7am already ng matapos ako mag-shower, after ko mag-ayos at magbihis ay lumabas na ako ng apartment ko. Medyo maaga pa para pumasok, 8am pa kasi pasok ang wala pang 10 minutes ang ginugugol ko sa paglalakad papuntang 1Z. How convenient di ba?

Naisipan ko muna na dumaan sa isang coffee shop nag-crave ako bigla sa cappuccino. Bibilhan ko na rin siguro si Ate Xi, as a 'thank you' kasi inantay pa nya ako magising kagabi, di ko namalayan na nakatulog pala ako sa pagaantay sa kanila matapos sa pag-s-shoot. Nakakahiya! Imagine lagpas 3am na nandon pa siya dahil lang sa akin, eh buong maghapon na sila nagtatrabaho, kahit pa sinabi nya na 'okay' lang daw at 'walang problema' sa kanya, nakakahiya pa rin noh!
Isa pa 'tong jacket na 'to! Pinahiram din ata nya ako ng jacket na 'to, pag gising ko kasi nung timw na yun ay nakumot sa half body ko itong black jacket na 'to, siguro nakita nya na nilalamig ako, ang lakas kasi ng aircon sa studio, balak ko sanang hinaan kaso di ko alam kung nasaan yung remote. Grabe super bait nya! Kaya nga nahihiya ako eh!

We Ken-Be (can be)Where stories live. Discover now