Chapter 4

5 0 0
                                    

FEBE'S POV

"Febe, sure ka ba talaga na kaya mo yan mag-isa?"


2 days has passed mula nung matanggap ako bilang staff dito sa 1Z. Di naman sila mahirap pakisamahan, I mean yung ibang mga staff. Lahat naman sila is friendly and approachable.


"Opo, Ate Xi-Anne, kaya ko na po dito mag-isa, tsaka madali lang naman po gagawin......" tinignan ko ang mga damit na nasa harap ko ngayon bago muling nagsalita "....magtitiklop lang po ng damit."



"Sorry talaga, na-late kasi yung memo kaya 'di nasabihan yung iba na need mag-overtime today."


Kita ko yung pag-aalala ni Ate Xi-Anne. Eh madali lang naman magtiklop ng mga damit.....gabundok nga lang hehehe


"Okay, lang po talaga Ate, baka need na po kayo nila Ate Bea sa labas po." I smiled to reassure her. Lumabas na sya at nagsabing babalik sya agad pag natapos yung shoot nila para tulungan ako dito.



Naiwan ako mag-isa at matamang tumingin sa halos dalawang bundok ng mga damit sa harap ko. Sabi ni Ate Xi na itong mga damit daw na ito is kailangang maayos agad-agad paa sa Closet Wipeout ng SB19. Na kung saan maari momg mabili yung mga damit na ginamit ng boys like yung mga suot nila sa music videos, sa vlogs, or even yung mga sinuot nila s mga events and concerts nila.



Need daw 'to ayusin kasi mag-aannounce na daw sila bukas sa FB Page at once na i-open nila yung site ay siguradong dudumugin aad yon ng mga A'tin.



Nag-start na akong magtiklop ng mga damit, kailangan, kasi siguradong ma-l-late na akong umuwi nito. You can do this Febe! 10:38pm na! Hurry up, Febe!




**********




"Meow, meow"


Nasa kalagitnaan ako ng pagtutupi nang biglang tumabi sa akin si Kuro. Ang cute-cute talaga niya! And ang fluffy-fluffy! Hindi na ako mahilig sa mga hayop. Pero I can't deny the fact na they're super cute!!! Lalo na kapag  bilog yung eyes nila sa gabi!

Kuro is Ken's cat. Not sure sa breed ni Kuro but I guess he's a Persian cat? And he's color black.

"Hala bebe! Alis ka dan! Malalagyan ng fur mo yung mga clothes." tawag ko sa kanya ngunit tumingin lang sya at nagpatuloy sa ginagawa.

Paano ba naman kasi humiga siya sa top ng mga damit na tinutupi ko. Oh mga A'tin alam nyo kapag dumating yung mga order nyong damit na may fur ah. Freebies yun from Kuro!.  Natawa naman ako sa naisip.





Tatlong beses ko na syang inaalis ng paulit-ulit sa ibabaw ng mga clothes and sa pang apat na beses ay hinaharangan ko na sya para di na sya makabalik, yun nga lang ay mukhang nagtampo na yata, humiga na kasi sya sa isang sulok.

WAAAHHH!! Bebe wag mo naman ako tignan ng ganyan huhuhuhuhu. Ba't ganyan ka ba tumingin sa akin Kuro bebe?!


Ang sungit-sungit ng tingin sa akin. Tsk! Mana sa amo! hehehehe


*********


'Di pa rin sila tapos mag-shoot? Tinuloy ko na lang yung pagtutupi ng mga damit at sinalansan ko ng ayos sa isang malaking durabox. Quarter to 2am na pala.

"Meow, meow, meow"


"Bebe, wait lang ah, tapusin ko lang 'to"


"Meow, meow, meow, meow, meow" rinig kong pag-meow ulit ni Kuro. Palakas ito ng palakas.  What is his problem?



"Oh, hindi ka namn pala mag-li-litter eh." I told him nilagay ko kasi sya sa litter box nya kasi umalis nmn sya agad. "Meow" kinikiskis nya ang katawan sa binti ko. "Yumuko ako at hinimas ang ulo nya."Why? Nagugutom ka ba? Or nauuhaw?Wala pa yung Daddy mo eh, nasa work pa sya. Come on, let's go, let's find your food, okay?" pagkausap ko sa kaniya at iginaya sya muli papasok sa studio kung nasaan kami kanina.




Ilang minuto akong nag-ikot at naghanap pabalik-balik sa loob at labas ng mga room dito, even sa banyo naghanap ako hahaha. Pero wala akong nakitang food ni Kuro. Baka nakalimutan syang dalhan ng food?

Muli akong naghanap at wala talaga akong nakita. Suko na ako!. "I'm so sorry talaga bebe  ah, I can't find your food here eh, maybe you'll just have to wait for your Daddy Ken? Baka patapos na rin sila don sa labas."

Hinihimas himas ko ang katawan nya habang pareho kaming nakaupo sa floor ng studio. Nakaharap ako sa malaking salamin kaya naman kitang-kita ko ang background namin. Nasa ganon kaming posisyon ng may maaninag ako sa bandang ilalim ng couch. CAT FOOD!!! Takte dyan ka lang pala nagtatago! Kanina pa ako naghahanap eh!

Dinampot ko agad yun at sinalinan ng food si Kuro sa bowl nya, I even gave him clean water. Iniwan ko sya don na kumakain at bumalik ako sa pwesto kung saan ako nagtitiklop ng damit kanina. Pinagpatong ko yung dalawang malaking durabox at ipinwesto yon sa isang gilid para hindi makasagabal sa mga dadaan.

*Yawn*

Inaantok na ako. Gusto ko na umuwi, pero kanino namn ako magpapaalam? Kay Kuro? charr! Antayin ko na lang ba sila matapos? Parang ang selfish ko naman kasi kung uuwi ako kaagad tapos sila ay nagtatrabaho pa di ba?

Sana lang patapos na sila talaga kasi dinadalaw na talaga ako ng antok. Kumakalam pa yung sikmura ko, wala pa akong kain buong araw. Hayyysss.....

Sumandal ako at pinagmasdan si Kuro na ngayo'y natutulog sa side ko. Naghikab sya at nakita ko naman lahat ng teeth nya. Ang cute!





**********

Naalimpungatan ako at pagtingin ko sa orasan ay late na. Nakatulog pala ako. Umayos ako ng pagkaupo. Wala na si Kuro sa tabi ko. Wala na rin akong naririg na ingay sa labas. Tapos na ba sila mag-shoot?? Hala ka! Nakakahiya baka nakita nila akong natutulog!

Napatingin ako sa side ko ng may masagi ako. Bat nakalabas tong mga to? Did I take these unconsciously??

Lagi na lang ganito.

Sino pa bang tao ang nandito? May kasama pa ba ako? Kaninong jacket 'tong nakakumot sa akin?

"Hey, buti gising ka na."








We Ken-Be (can be)Where stories live. Discover now