Chapter 2

8 3 0
                                    

FEBE'S POV

"Madali lang naman 'to, don't worry. Parang Q&A lang. Bibigay ka lang ng mga kanta naming lima" si Pablo

"Oh, oh, ako magtatanong.......ayan ayan si Pablo..." pagpresinta ni Stell, napatayo pa sya sa upuan nya habang tinuturo si Pablo.

"Ayan, si Pablo, ano.....bigay ka ng kanta ng pinuno namin." dagdag pa ni Stell.

Eto ba talaga yung sinasabi nilang 'Real Interview'??? Ginu-good time lang ata ako ng mga to eh.

"Tama, tama, tapos kantahin mo na rin!" saba nmn ni Justin habang pinipigil ang tawa. Ano bang kalokohan to???

Hala, shet! Totoo ba? Kakantahin ko???

"Kakantahin ko po? S-Seryoso p-po ba?"

"Ahh..... Ate Chona ayaw kumanta oh" sumbong ni Stell kay Pablo na kinalaki namn ng mga mata ko? Seryoso ba talaga? Tagilid ata ako dito.........

Di nasila sumagot so seryoso nga?????

"Hala, ano a-ahh.....baka pwede pong di kantahin?hehe. A-Ano po kasi di po maganda yung voice ko po, baka pwede po i-recite ko na lang yung lyrics po? M-Memorize ko naman po eh. T-Tsaka 95 grade ko sa recitation nung college ako" sana pumayag, sana pumayag, sana pumayag.

"Oh binabagsakan tayo ng grades oh! Kung ano lang kaya mo oks na yun, wag mong pakinggan yang dalawang yan."

"Oo, oo, tama si Josh, kung ano lang yung alam mo" dagdag namn ni Pablo sa sinabi ni Josh

AYUNNN!!!!! Pwede naman pala ganun. Bti na lang magaling ako mag recite nung nag aaral pa ako mwehehehehe

"Yung kay Kuya Pablo po is yung La Luna and Determinado po." sagot ko

After nun ay nirecite ko na yung lyrics ng song, di ko naman natapos yung parehong song kasi pinapatigil nila ako tapos  nagtatanong ulit ng panibago.

Bale next kong nirecite yung kanta ni Jah at Josh. Ganun din yung nangyari, di ko natatapos yung song laging kalahati lang. Pinaka last yung kay amoken syempre. Save the best for the last kaya noh. Syempre kay baby dapat yung huli. Ooopsss kay KEN, rather.

" Kanako po yung kay K-Kuya Ken."

"Ohhh! Interesting ah. Kasi bisayab lyrics nyan. Kabisado mo?." Pablo asked.

"Marunong kang mag-bisaya?" tanong nmn ni Jah

"Actually no po. di po ako marunong mag bisaya, sa Manila po ako lumaki but memorize ko po yung whole song and I've asked and searched on what the song means."

Shocks! Kinakabahan ako baka mapahiya ako kay Ken, baka mabulol ako eh huhuhuhu

Nag-start na ako, nakatuon lahat ng atensyon nila sa akin, even si Ate Xi-Anne na kakapasok lang ay nakatingin din.

🎶🎵 Mupahiyom di gani mahuna-huna
         Pag-atiman kanako gugma pa kaha
         Makitang kahuyang kay dili ko ana🎵🎶

Habang nirerecite yung song ay napagawi ang tingin ko kay Ken. Seryoso pa rin yung mukha nya habang nakatingin sa akin.

Mas lalo akong kinabahan. Feeling ko inaantay nya lang na magkamali ako ng bigkas ng lyrics, wag naman po sana huhuhu.
Pumikit na lang ako at mas lalong nag-focus sa pag-recite.

🎶🎵 Oh gugma  mo, woah-woah
         oh, gugma mo, woah-woah
         Oh, woah, oh yeah 🎵🎶

"Oii, grabe yan pa ang di marunong mag-bisaya ah, 'Dre! Ken, musta? Anong masasabi mo? Grabe ah ako nga di ko makabisa kahit 1/4 ng kantang yan." sabi ni Josh na ngayon ay nakabaling kay Ken.

Ilang segundo syang nakatitig sa akin bago sya magsalita. Sinisiko-siko sya ni Jah habang nakangiti sa kanya. Ang kulit talaga ni Justin!

"Stop it, Jah. Anyways, nice. Ang galing mo, for someone na di marunong magbisaya, you did a great job."

Weh? Di nga?! Pinuri ba talaga ako ni Ken??!! Ang galing ko daw! WOOOOOHHHH!!! I think I'm gonna cry na!

"Yan na ata pinakamahabang sinabi ni Ken mula magsimula tong interview na to kanina pang umaga. Di ba? hahahahaha" sabi ni Jah na nagpatawa namn kay nila Josh, Pablo at Stell.

'Oooops! Tama na yan boys. Ano ba 'tong ginagawa nyo? Ba't may pa-ganto kayo ha? Wala namang ganto sa interview ah" natatawang tanong ni Ate Xi-Anne.

Ano ba talagang nangyayari?? Eme eme na naman ba 'to? Pinagtitripan ba talaga nila ako?


" Si ISTELL! I dea 'to ni ISTELLLLL!." sigaw ni Pablo at tinuro si Stell. Kakatawa yung pagka-diin nya sa pangalan ni Stell. Parang may galit eh!

"Oh, talaga ba Pablo? Laglagan ah? Di na ikaw yung Pablo na kilala ko" sabi ni Stell at umarte pang nakahawak sa bandang puso nya na parang nasasaktan talaga.

Putekkk!!! HAHAHAHAHAHA. Takteng yan! Ang kukulit nila. Parang ibang-iba sila sa mga halimaw sa stage na napapanood ko sa vids online.

"Uy, nandito pa talaga yung applicant natin. Umayos nga kayo." Aguyyy nasita sila ni Josh.

Naguguluhan na talaga akoooooooo

"Uhm, excuse me po? what's really happening po? Is this some kind of joke po? Can you please enlighten me po?" singit ko nsa gitna ng kulitan nila. Nabaling nmn ang atensyon nila sa akin at bumalik na sa kanya kanyang pwesto. Tumikhim si Pablo at nagsalita.

"Ay, sorry, sorry. Well, kanian ka pa talaga pumasa. Biro-biro lang 'tong 'rteal interview' kanina pa tapos, but I'm impressed kung pano mo narecite yung mga kanta namin as a solo artist"

Kanina pa pala tapos eh. Bigla tuloy akong nahiya sa pagiging competitive ko sa pag-recite ng songs nila hehehe.

"Are you a fan or an A'TIN rather?" pahabol pang tanong ni Pablo.

"A-Ah, yes I am po" nahihiya kong pag-amin sa kanya

"Woah, pero di ko halata kanina ah, nagka-idea lang ako nung narecite mga solo namin." tumayo sya at lumapit sa akin.

"Congratulations to you then." muling sabi nya.

Binati din ako ng iba at nginitian ko naman sila.

"Again, congratulations, and welcome to our Team, the schedule of your work will be send thru your e-mail."

Nilahad ni Pablo ang kamay nya sa akin at malugod ko namang tinanggap yun.

Nilisan ko ang 1Z Entertainment ng may maandang ngiti sa aking labi.


I GOT THE JOB!!!

We Ken-Be (can be)Where stories live. Discover now