CHAPTER 05

182 4 0
                                    

PROGRAM

I still couldn't recall the day my older brother died. He was kidnapped when I was 5 years old, we were together that day.

Kuya put his handkerchief on my hair when we decided to go outside our subdivision house to play pass the ball.

Ipinasa ni Kuya sa akin ang bola, tumawa ako nang tumilapon iyon sa kung saan, tumakbo ako, sinundan ang bola habang malakas ang hagikgik. Gumulong iyon dahil pababa ang kalye ng subdivision.

"Eirrah!" sigaw ni Kuya na tumakbo na rin pasunod ko. Humagikgik ako ng tawa hanggang sa tumigil ang bola sa paa ng isang lalaki. Tumigil ako at tiningala ito.

He's wearing a sun glasses and a black suit. He squatted as he get the ball. Ngumisi ako nang ngumiti ito sa akin at inilahad iyon, tumakbo ako palapit at aktong kukunin sa kanyang kamay ngunit binaba niya iyon at inangat ako ng walang kahirap-hirap.

Napahawak ako sa kanyang braso at sumigaw.

"Eirrah!" narinig ko si Kuya pero hindi ako lumingon roon.

"Bitawan niyo siya!" sigaw niya. Nag simula akong umiyak nang binuhat ako nito sa kanyang balikat at tinutukan ng baril si Kuya.

"Eirrah! bitawan niyo siya! Mommy! Daddy!" naririnig ko ang iyak sa boses ni Kuya.

Umatras ang lalaking nakahawak sa akin at nang palapit na kami sa isang SUV ay natanaw ko ang isang batang lalaki na madilim ang tingin sa lalaking may hawak sa akin, nakatayo ito roon sa gilid, umiyak ako at sumigaw lalo.

Binaba ako ng lalaki na iyon at may dalawang lalaki pa ulit na bumaba ng SUV at bubuhatin sana ulit ako ng isa pero inangat ng batang lalaki ang kanyang kamay. Naka puting polo ito at itim na pants.

"Leave her." anito sa seryosong boses. Natigilan ang dalawang lalaki, gamit ang dalawang palad ko ay pinahiran ko ang walang tigil na luha sa aking pisngi.

Nilingon ko si Kuya na ngayon ay kinikwelyuhan ng lalaking bumuhat sa akin kanina. Tumakbo ako roon at sumunod ang dalawang lalaki, nakita ko kaagad sina Mommy at Daddy na tumatakbo palapit mula sa malayo.

"Kuya!" sigaw ko, tinulak ni Kuya ang lalaki kaya natumba, tumakbo sa akin si Kuya at bigla akong niyakap. Tsaka naman bigla akong nabingi sa isang putok.

Niyakap ako ni Kuya. Mahigpit. Pareho kaming natumba. Narinig ko ang malakas na sigaw nina Mommy at Daddy. Tumakbo sa akin ang lalaking bumuhat sa akin kanina at bigla akong hinila at binuhat ulit, tumatakbo na, tsaka ko lang din nakita na bumagsak si Kuya na duguan ang likuran. Sumigaw ako hanggang sa isinakay sa SUV pero iyong batang lalaki ay hinawakan ang braso ko, bago pa man nakasakay ang lalaking bumuhat sa akin ay tinulak ako ng bata na iyon palabas ng SUV at isinara niya iyon kaagad, napaluhod ako sa semento. Umiiyak.

Nakaikot na ang lalaki at biglang humarurot paalis ang SUV. Tumakbo si Mommy kay Kuya, si Daddy naman ay sa akin. Kinuha niya ako kaagad at kitang kita ko na basa ng luha ang kanyang mukha. Nagulo ang buhok ko. Natanggal ang panyo ni Kuya na itinali roon.

My mind was occupied again with those traumatic moments. Napatitig ako sa harapan dahil nag sasalita pa ang professor hanggang sa natapos na ang klase ko. Nag aya kaagad sina Cheska na mauuna na sa Gymnasium dahil sa program na gaganapin ngayon sa parting na visitors.

"Pupunta pa akong locker, ilalagay ko lang itong mga libro!" sabi ko nang nasa pintuan na at sila'y nasa loob pa ng classroom at nag aayos.

Cheska wave at me, "See you, Dom!"

Umalis na ako kaagad roon. Abala ako pag lalagay ng mga libro sa locker nang matanaw na tumatakbo na ang mga babae sa hallway. Kumunot ang noo ko at pinanood silang lampasan ang pwesto.

DOMINATEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon