🎭ZABETH
Sherry is still unconscious pero natanggal na ang tubig sa kaniyang baga.
Tatlong araw na mula no'ng mangyari 'yun. Minsan ay bumibisita rin ang mga kaklase namin dito. Salitan kami ng pagbabantay ni Jazmine at Angel. Ayaw kasi ni Sierra at Cheska. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. Mukhang natatakot magbantay kay Sherry.
Nakasandal ako sa sofa nang biglang pumasok ang mga kaibigan ko. They look uneasy. May dala-dala pang pagkain si Jazmine kaya agad akong lumapit dito. I haven't eaten anything yet. Absent kasi ako ngayong araw dahil wala lang, trip ko lang. At ayaw ko ring iwan si Sherry dito na walang nagbabantay.
“Para kayong pinagsukloban ng langit at lupa,” I joked pero mukhang hindi sila natuwa kaya iniba ko na lang ang topic. “Ano ba'ng nangyari? Ba't ganiyang ang mga mukha ninyo?”
“Audrey's dead. Someone stabbed her,” mapait na sabi ni Cheska. “As usual, hindi pa rin matukoy kung sino ang may gawa no'n. CCTV's are tampered.”
That's it. I lost my appetite. Isinara ko na lang ang tupperware na may pagkain at humarap sa kanila.
“Gosh, ano ba ang nangyayari sa Mallory Academy,” nawawalang pag-asa na sabi ni Jazmine.
Hindi ako makapaniwala na wala na si Audrey. Noong una si Lanizah, ngayon naman si Audrey. Sino pa ang susunod? Mamamatay na ba talaga kaming lahat? Bakit hindi ito inaaksyonan ng mga nakakataas sa school? Something's fishy!
Noong una ay ang pagkamatay ni Zoe, ang pagpalo sa ulo ni Tiff, pagkalaglag ni Shin sa hagdan, strange posts of Mallorian's Facebook page, Lanizah's death, and now Audrey's dead.
Oh, Mallory Academy. What's happening to you.
Nauna nang umalis ang mga kaibigan ko. Ako kasi ang magbabantay kay Sherry. Bukas naman ay si Jazmine na ang magbabantay dahil papasok na 'ko. Naiintindihan naman 'yun ng mga guro namin kung bakit kami madalas umaabsent kaya wala akong dapat problemahin.
It was seven in the evening nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Chineck ko ang wallet ko kung may coins ba 'ko para bumili na lang ng maiinom sa vending machine sa may cafeteria ng hospital.
“Sherry, bibili muna 'ko ng kape,” paalam ko sa walang malay na kaibigan kahit hindi naman ako sasagutin nito.
I was humming while walking through the hallway. Nadaanan ko pa ang isang lalaking nurse kaya binati ko ito. Shit, ang gwapo ni kuya! I don't know but I do really have kinks to guys whose way older than me.
Inihulog ko sa vending machine ang pera ko at kinuha na ang kape ko. Pagkabalik ko ay may nadaanan akong nagta-tantrums at pinapatahan ito ni kuyang nurse na nadaanan ko kanina. Pagkaliko ko sa hallway kung saan ang hospital room ni Sherry.
“Hoy!” Tawag ko sa taong nakaitim na lumabas galing sa kwarto ni Sherry. Bigla akong kinabahan nang may makita akong syringe na hawak -hawak nito.
I immediately run towards the room. Nadatnan ko si Sherry na parang kinukombulsyon at bumubula pa ang bibig. Agad akong nagpanic at pinindot 'yung button para tawagin ang nurse.
“Sherry, Sherry, shit. I'm sorry dahil iniwan kita,” maiyak-iyak kong sabi. “Nurse! Nurse!”
She's shaking. Tumitirik na rin ang kaniyang mga mata kaya mas lalo akong kinabahan. Moments later, dumating ang doktor kasama ang isang nurse.
Hindi ko na alam ang pinagsasabi at pinaggagawa nila dahil lumalabo na ang mga mata ko. Nanginginig din ang katawan ko habang nakatitig sa kaibigan kong nag-aagaw buhay.
I was screaming her name nonstop. Halos mapaos na ako. Everything went blur. Dumidilim din ang paningin ko. Bago ako nawalan ng malay, I saw how her lifeline went straight and heard the doctor say,
“Time of death, 7:15 P.M.”
🎭ANYA
I don't know what to do anymore.
Another death. Audrey's gone. Everything and everyone is suspicious for me. Sina Ayesha and Margaret ay hindi ko na makausap ng maayos nang ibalita ko sa kanila na wala na si Audrey.
Nauna kasi silang umuwi dahil masama ang pakiramdam ni Ayesha kay hindi na nila naabutan ang balitang 'yun. I think Ayesha's still not fine. She still looks pale.
Marga and Ayesha were both absent dahil babantayan niya lang daw muna si Ayesha dahil hindi pa rin ito okay. Weird. She's not sick to begin with. At saka bakit ba magkasama sila ni Welvin kahapon?
Maybe she got her heart broken.
Kakatapos lang ng first subject namin nang biglang pumasok si Zabeth, namumugto ang kaniyang mga mata. Siya lang ang pumasok ngayon, wala sina Jazmine. Nagalit nga si ma'am kanina dahil sobrang daming absent.
Hello? Sino ba namang may gana pang pumasok na isa-isang namamatay ang mga kaklase namin.
“Anong nangyari, Zabeth?” Usisa ni Britney. Nag-effort pa talaga siyang umupo sa tapat ni Zabeth para maki-chismis.
May sinabi si Zabeth dahilan ng pagkalaglag ng panga ni Britney. I frowned. Ano ba kasi ang sinabi ni Zabeth? At bigla pa itong humagulhol ng malakas kaya napatingin ang mga kaklase namin sa kaniya.
“Anong nangyari?” Hindi na rin mapigilan ni Rese ang kuryosidad pati ng iba pa naming mga kaklase. Nagsilapitan na rin sila.
“Wala na si Sherry,” he said in a low voice.
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nalaman ko. May isa na naman kaming kaklaseng namatay?! Maging ang mga kaklase ko ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Zabeth. Kaya pala hindi pumasok sina Jazmine. At siya, late pa ngayon, namumugto pa ang mga mata!
Zabeth was sobbing and stuttering while telling us what happened last night. Someone killed Sherry. Nakaitim daw ito at hindi niya matukoy kung ano ang sekswalidad nito dahil sobrang balot na balot daw ang hitsura nito.
Nawawalan ako ng lakas kaya napaupo ako. Ang ibang kaklase namin ay inaalo ang umiiyak na si Zabeth. Syempre hindi rin nawala ang bulong-bulongan sa classroom.
Bigla na namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at binasa. Message na naman ito no'ng baliw na gumawa ng group chat.
⚰️Death after life🌱
Unknown : There are people who would rather observe than to talk.
Unknown : But she observes too much and it irritates me.
Unknown : So she leaves me with no choice but to silence her
Unknown : Forever
_________
YOU ARE READING
Mallory Academy
Mystery / ThrillerYou cannot bring your secrets to your grave, whether you will like it or not, it will slowly unravel. STEM-A thought that last year of being a high school student would be their most memorable school year. Not until someone brought up Zoe's death ag...