Mallory : 17

84 12 50
                                    

🎭JOHN

“Adi, open the door for me, please.”

Kanina pa 'ko kumakatok sa pinto ng kwarto namin ni Vahn. Alam kong umiiyak siya ngayon sa loob kaya hindi ko mapigilang mag-alala. Kanina kasi habang nasa school pa kami, magkasama, bigla na lang may nambato sa 'min ng kung ano-ano.

They even called us trash in the society. I was confused what was happening earlier not until Clyde Uy showed me the photo posted by the hacked Facebook page of Mallory.

I must admit, it sent shivers down my spine. Limang litrato kasi 'yun na puro kami ni Vahn, doing what couples normally do. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng mga 'yun. Isa pa, our relationship was a secret so how come this pictures leaked? Ni hindi nga namin pino-post ang isa't isa sa social media.

We prefer lowkey because we both know how fucked up society is. And we're right. While reading the comments, it made my chest tightened.

May nagtatanggol naman sa aming dalawa ni Vahn pero mas marami talaga ang kumukontra sa relasyon namin. Even some of our classmates and our former classmates. I received a message from them and I replied to no one.

Why do I, we, have to explain ourselves?

“Just leave me alone for awhile, John,”  he said in a monotone. Okay, first name basis. “I'm too tired to entertain someone right now.”

Someone? Fuck. Naging someone na ako bigla dahil sa punyetang post na 'yun. Kung malalaman ko lang talaga kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to, mapapatay ko talaga siya.

“Adi, buksan mo ang pinto,” nawawalan na ako ng pasensya pero pilit kong kinakalma ang boses ko. Ayokong dagdagan pa ang dinaramdam niya ngayon.

We're supposed to be still in school right now since alas singko y media pa lang naman. Kaming dalawa lang sa bahay ngayon dahil nasa school pa ang housemates namin.

I sighed. Kung hindi lang nangyari 'yun, nasa school pa siguro kami ngayon at nagsasaya. Pero heto kami ngayon, he's isolating himself because of what happened.

Sinisisi niya ang sarili niya sa mga kumakalat na picture. Kung sana lang daw na hindi siya nagpumilit na mag date kami, hindi sana kami makukuhanan ng litrato.

Lalo na kanina nang binasa niya ang mga comments ng kapwa namin Mallorians. I saw how pain pass through his precious eyes. Sumasakit ang dibdib ko habang pinagmasdan siya kanina. I tried to stop him reading the comments but he won't budge.

Kung sana pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit na dinadala niya ngayon, aakuin ko lahat.

🎭JEREMIAH

Kanina pa kami naglilibot dito sa pocket forest pero hindi pa rin namin makita si Mikha.

Kanina kasi ay pinuntahan kami nina Meghan at April sa Cookery Club dahil nagwawala raw si Charles at ayaw magpaawat. Nawawala raw kasi si Mikha at pinakita nila sa amin ang post ng hacked Facebook page.

Mabuti na lang at naawat namin ni Dani si Charles dahil kung hindi, baka umiyak na 'yun sa galit.

Kidding.

So we ended up here, in the pocket forest, searching for Mikha.

I don't know what's the score between the two of them pero dahil sa ginawa ni Charles kanina, mukhang nataaman talaga siya ng todo sa babae.

Mallory Academy Where stories live. Discover now