Kabanata 8

1.3K 25 20
                                    

ARZI

"Where are you going?"

Bumalik agad siya dito sa gawi ko matapos niyang ilagay sa side table ang tray. Kakatapos ko lang kumain at uminom ng gamot. Sabi ko nga sa kanya ako na ang bahala sa sarili ko pero nagpumilit talaga siyang subuan ako ng lugaw kahit na kaya ko namang gawin iyon.

"You should take a rest, Darling." Hinarangan niya pa ang dadaanan ko.

"Gusto kong maligo, Hegel."

"But you're sick."

"Mas mabuti kung maliligo ako para mawala ang init sa katawan ko. Nakapag pahinga naman ako kanina kaya mamaya na lang ulit ako magpapahinga." Sabi ko tsaka sinubukan ulit na lagpasan siya.

"Nagpabili na ako ng mga damit mo." Aniya kaya natigilan ako para lingunin siya. "I'll get it so you can wear it na."

Nginitian ko siya. "Salamat…"

"Okay. I'll be back. Dahan-dahan sa paglalakad." Paalala niya pa bago naglakad palabas ng kwarto. 

Pumasok na ako sa bathroom para simulan na maligo habang kinukuha niya sa baba ang mga damit na sinasabi niya. Puro panlalaki ang mga shampoo, conditioner at sabon niya dito. Wala naman akong choice kaya ginamit ko na lang kahit na alam kong mangangamoy lalaki ako pagkatapos.

Mabilis ang pagligo ko dahil hindi maganda na magbabad. Gustuhin ko man gamitin ang bathtub niya hindi na lang dahil baka lalo pa akong magkasakit pag nagbabad ako sa tubig. Siguro sa ibang araw na lang tutal isang linggo naman ako dito sa bahay niya.

Nagsuot lang ako ng bathrobe na nakasampay dito sa loob. Kulay itim iyon at medyo may kalakihan sa akin dahil kay Hegel iyon. May blower siya dito sa bathroom kaya ginamit ko na muna iyon bago lumabas.

Naabutan ko si Hegel na nakaupo sa sofa habang inaayos ang mga damit na nilalabas niya sa loob ng mga paper bags. Sumulyap siya sa akin pero saglit lang dahil sobrang abala siya sa ginagawa niyang pag-aayos sa mga damit.

Nakaramdam ako ng hiya nang makita ang mga damit na nakalagay sa center table. Naroon ang mga underwear na may iba't-ibang kulay at seamless pa ang mga iyon. May mga bra din na binili sa bench dahil sa tatak na naka burda sa tela. Puro dress na ang nakikita ko at kahit hindi ko pa man iyon nakikita ng maayos sigurado akong magaganda ang mga iyon.

"You can't wear tight bottoms because of your situation so I asked Aera to buy you dresses." Tumayo siya dala ang isang kulay white na dress. "Wear this…" aniya tsaka inabot ang hawak niya.

Hindi ko iyon pinansin. Tumingin ulit ako sa mga damit na nakapatong sa lamesa bago nagbalik nag tingin sa kanya.

"Yung Aera ba na ka team mo ang inutusan mo para bilhin ang mga 'yan?"

Tumango siya. "Yeah."

"Nakakahiya naman sa kanya, Hegel." Heto na naman ang nararamdaman kong hiya. Nagiging pabigat na ako sa kanila kanila.

"It's fine, don't worry. It's not nakakahiya. She's a good friend. Adik sa shopping si Aera kaya nakisuyo ako dahil siya ang magaling sa mga ganito. You'll meet her later."

"Hindi ko pa siya nakikita at nakikilala pero inabala ko na siya. Pasensya na talaga sa inyo, ah?" Nakokonsensya kong sabi.

Mahina siyang natawa. "You're so silly, Arziana. Why are you always like that? You don't have to say sorry every time na may gagawin ang ibang tao para sa'yo."

Napayuko ako. "P-Pasensya na–"

"There you go again!"

"Sorry– ay hindi… ano…" nataranta tuloy ako. "I'm sorry, Hegel. Hindi ko lang talaga mapigilan."

War Of Destiny (Military Series 3) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon