Kabanata 21

1.3K 31 4
                                    

ARZI

"Hegel hindi mo kailangan gawin 'to!" Natataranta kong sabi at nagtangkang huhubarin ang ang singsing na suot ko pero napigilan niya ako.

"What are you doing? Don't do that!" Aniya habang hawak niya ang kamay ko.

Umiling ako. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to, eh. Ayos lang naman sa akin na hindi mo ako bigyan ng engagement ring, Hegel. Arrange marriage lang naman—"

"Didn't you hear me?" Nangunot ang noo niya. "I just said I like you, Arziana."

"Bakit?" Taka kong tanong.

"What, what?" Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay niya. "Seriously?"

"Pero Hegel hindi mo naman kailangan sabihin 'yan. Alam ko naman na may iba kang gusto."

"Ikaw lang naman nag-iisip na may iba akong gusto, Arziana."

Napatitig ako sa mata niya. Binitawan niya ang kamay ko at buntong hininga siyang umayos ng upo.

"Listen," pinakatitigan niya rin ako. "Wala akong ibang gusto. Nung una hindi pa kasi ako sigurado kung gusto ba kita o hindi kaya hindi kita masagot ng diretso. But now it's different. I'm certain that I like you, Arziana."

"Sinasabi mo lang ba 'yan para pagaanin ang loob ko at hindi ako makonsensya pag kinasal tayo at matali ka sa akin?"

"No!" Sagot niya agad. "Bakit ganyan ka mag-isip?"

"Pasensya ka na, Hegel. Ayaw ko lang kasi talagang makabigat sa'yo. Ayaw ko namang napipilitan ka lang sa akin. Ayaw ko rin naman na hindi mo makatuluyan ang totoong gusto mo." Pag-amin ko.

Napabuntong hininga na naman ito. Hindi naman siya mukang galit pero mukang inintindi niya ng maayos ang mga sinabi ko.

"Arziana wala naman kasi talaga akong ibang gusto." Mahina at naglalambing niyang sabi. "Ikaw nga kasi yung gusto ko…" Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko kung saan nakasuot ang singsing. "Dapat ibibigay ko 'yan nung nag dinner tayo kaso bigla kang umalis."

Napatingin din tuloy ako sa singsing na suot ko. Napakaganda nitong singsing. Kulay emerald green ang dyamante nito at may nakapalibot rin na kumikinang na puting dyamante sa gilid. Halata sa itsura na mahal ang singsing na ito dahil sa laki ng mga bato.

"Thank you for this," aniko, pinatutungkulan ang singsing.

"That ring deserves you, Arziana. You don't have to say thank you. That's my obligation as your fiance." Sabi niya at ngumiti.

Ngumiti rin ako, "Thank you ulit, Hegel. Nagustuhan ko."

"I just confess my feelings, Arziana. Can I hear a word from you? I don't take rejection, ah." Seryosong aniya.

"Kasi…"

"You like me and I like you, so, tayo na officially?"

"Ha?" Nagugulat kong sabi. "Ang bilis naman!"

"We got engaged and had sex on the first time we met. It's been a few days but we already like each other. We sleep together and we cuddle. Oo nga ang bilis nga."

Hindi ko alam kung sarcastic ba siya sa sinabi niya o hindi. Ano ba ang gusto niyang iparating? Na dapat kami na agad dahil gusto namin ang isa't-isa at nagawa na namin ang iba pang bagay na dapat ginagawa lang ng magkarelasyon?

Napanguso ako. "Kung anong gusto mo, iyon na lang."

"Para namang napilitan ka lang. Hayaan mo na nga! I can wait naman. Baka sabihin mo inalisan kita ng freedom to make your own decision. By the way, good morning…" naging malambing bigla ang tono niya nang sabihin ang huling salita.

War Of Destiny (Military Series 3) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon