Kabanata 30

917 17 2
                                    

ARZI

"Kung ayaw mong magkaroon tayo ng problema dito lubayan mo ako, Captain Alferez."

Umukit ang ngiti sa labi niya matapos marinig ang sinabi ko. Lumingon ako sa paligid para tingnan kung nakasunod ba sa amin si Hegel pero wala. Mabuti hindi iyon sumunod dahil sigurado akong magagalit iyon pag nakita niyang kinukulit na naman ako nitong si Captain Alferez.

"Saan ka ba? Sasamahan na kita, Captain."

"Pag nakita ka ng asawa ko sigurado akong mag-iinit na naman ang ulo nun sayo." Aniko bago siya nilagpasan.

"Wait, nag-aalala ka ba sa akin?" Aniya na para bang isa iyong magandang balita. "Ayaw mo bang inaaway ako ng asawa mo?"

Salubong ang kilay kong lumingon ulit sa kanya. Nakangisi ito sa akin na akala mo'y nakikipag biruan ako sa kanya.

"Just please, Captain Alferez. Leave us alone. Ayokong mapaaway ang asawa ko dahil lang sa kagaya mo. I'm warning you, Captain."

"Damn! Why do I find that so sexy, huh? Swerte naman ni Javier sa'yo. Sayang." Wika niya, tunog nadidismaya ang huling sinabi.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy na ako sa pagpunta sa opisina ko para gawin ang kailangan kong gawin. Mabuti na lang hindi na ito sumunod sa akin kaya napanatag ako. Ayokong maubos ang pasensya ko sa kanya dahil kilala ko ang sarili ko.

Paglabas ko ulit ng opisina nasa field na silang lahat, naghahanda para sa physical and combat training. Mga nakahanay na ito at nakahubad na ang mga military jacket. Hinubad ko rin ang suot kong military jacket at pinasok muna ulit iyon sa opisina bago tuluyang lumapit sa kanilang lahat.

Pumwesto ako kahanay ang mga kasamahan ko. Nasa tabi ko si Vincent na nakatuon lang ang atensyon sa mga sinasabi ni Hegel. Gaya nilang lahat nakikinig lang din ako sa mga sinasabi niya. Tungkol iyon sa magaganap na physical and combat training mamayamaya.

Team ko at team ni Captain Alferez ang maghaharap para sa gagawin na close combat training. Nilatag sa gitna ng field ang mga interlocking mats at nang matapos iyon ilagatag pumalibot kaming lahat doon.

Napatingin ako ng hindi sadya sa gawi ni Captain Alferez. Nangunot ang noo ko nang makitang nakatingin na pala ito sa akin ngayon habang nakangiti pa. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Hey…"

Napabaling agad ako sa gilid ko nang tumabi sa akin si Hegel.

"Hegel…" ngumiti ako.

"Pagod ka na? Hindi pa tayo nag-uumpisa." Aniya tsaka inabot sa akin ang dala niyang tumbler na kulay itim at army green. "Panonoorin kita mamaya kaya galingan mo."

Kumabog tuloy bigla ang puso ko. Wala namang kaso sa akin dati kung may nanonood sa akin pag may mga ganitong training pero dahil kay Hegel nahiya ako bigla. Ayokong mapahiya sa harap niya kaya sisiguraduhin ko na pagbubutihin ko ang training na 'to.

Nagyayabang akong ngumiti sa kanya. "Watch me."

Natawa naman siya at napataas ang kilay.  "Watch me, huh?" Aniya at lumapit pa ng kaonti sa akin para bumulong. "I want to kiss you."

"Hegel naman, eh!" Dali-dali akong umatras palayo sa kanya.

"What?" Naguguluhan niyang tanong. Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ulit ako. "Darling…"

"Huwag ka ngang ganyan pag nasa trabaho tayo. Baka may makarinig sa'yo, sige ka! Pareho tayong mapapagalitan niyan."

"Relax, wife. No one knows. Kiss mo lang ako saglit then tapos na." Pagpipilit niya.

War Of Destiny (Military Series 3) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon