Kabanata 29

1.3K 25 11
                                    

ARZI

"I think it's time for you to use my surname, Mrs. Javier." Ani Hegel pagpasok namin dito sa bahay.

Umupo siya sa sofa tsaka ako pinanood na naglakad papunta naman sa kusina.

"Sige!" Sagot ko habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref.

"I'll ask someone to process all your ID's and new sets of uniform with my surname on it. It seems they weren't aware you're married to a handsome man."

Paglabas ko sa kusina nakangiti kong inabot ang tubig na kinuha ko para sa kanya. Umayos muna siya ng upo bago niya iyon tinanggap at ininom. Umupo ako sa tabi niya bago nag salita.

"Aware naman yung isang sundalo kasi sinabi ko sa kanya kanina. Inutusan kasi siya ni Captain Alferez ibigay sa akin yung pagkain na inorder niya."

"What?!" Gulat siyang napalingon sa akin. Padabog niyang nilapag ang baso sa center table at hinarap ako. "He did what?"

Napalunok ako.

"Nagpaorder siya ng pagkain sa isang sundalo doon para ibi—"

"What a fucker talaga!" Nagagalit niyang sabi. Tumayo ito at napahawak sa magkabila niyang balakang. "Is he that dumb para 'di niya maintindihan na may asawa ka na?"

"Hayaan mo na siya, Hegel. Huwag mo na siya pag-aksayahan ng oras. Hiling ko lang sana na sa susunod habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Ayaw kong mapaaway ka dahil sa kanya." Mahinahon kong sabi tsaka inabot ang mga kamay niya. "Nagugutom ka na ba?"

"Sabay tayo maligo." Aniya na nagpakunot ng noo ko.

"B-Bakit?"

Maloko itong ngumiti sa akin. "Nagugutom ako, eh."

"Hegel!" Nanlalaki ang mata kong sabi at napatayo. Naintindihan ko agad ang sinabi niya. "Umakyat ka na para makapag palit ka na ng damit. Iinitin ko muna yung ulam na niluto ni Manang para sa atin."

Nagmamadali akong naglakad papunta sa kusina para initin ang nakita kong ulam sa island table. Kumabog ng mabilis ang puso ko nang maramdaman kong sumunod sa akin si Hegel. Nang lumingon ako sa kanya halos mapatalon pa ako sa gulat dahil nasa likod ko na siya agad.

Hinawakan niya ako sa braso para ipaharap sa kanya.

"Sabi ko nagugutom ako," naglalambing niyang sambit.

"O-Oo nga!" Umatras ako palayo sa kanya at nagmamadaling naglakad papunta sa lagayan ng microwave. "Iinitin ko na nga itong pagkain natin."

Walang gana itong umupo sa kitchen Island chair at tumunghay sa akin.

"You know what I mean, yeah?"

"Hindi." Umiling pa ako.

Kinuha ko ang mga pagkain na nakalagay na sa microwaveable tupperware at pinasok iyon sa microwave. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil halatang natetense ako sa nangyayari. Nanginginig ang kamay ko habang iniikot ko ang control panel para maiset ang time nito.

"Hindi?"

Natigilan akong bigla sa ginagawa ko nang maramdaman ko na lang si Hegel sa likod ko. Dahan-dahan itong yumakap sa akin at nas dinikit pa ang katawan niya sa katawan ko.

"Or you're just pretending?" Bulong niya sa mismong tainga ko.

Napapikit ako lalo na nung maramdaman kong nanayuan ang balahibo ko. Maging ang paghinga ay pigil na pigil ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi naman ito ang unang beses pero parang laging unang beses pa lang ang reaction ko tuwing ganito kami.

War Of Destiny (Military Series 3) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon