Chapter 15 Meet

413 25 1
                                    

Ivy's Pov

Kinabukasan maaga nga kaming gumising kasi darating nga yung fiance ni deanna kahit labag sa kalooban ko ang tumulong ay wala naman akong magagawa pag-dating kasi sa trabaho ko ay kahit may galit ako ay isinasantabi ko muna.

Hindi kami nag-papansinan ni deanna I need space masyado pang magulo saka nalang siya mag-explain kapag okay na Anong laban ko dun fiance yun gf lang ako.

Nasa baba nga kami lahat hinihintay namin ang pag-dating nung fiance nya napapansin kong kanina pa tingin ng tingin sakin si deanna pero hindi ko yun pinapansin kita din sa mukha nya pag-aalala sakin.

hindi ko yun pinapansin masama ang loob ko sakanya iniisip ko nalang na kailangan muna naming dalawa is wag muna mag-usap syempre para makapag-isip isip kami.

Maya maya lang din ay narinig na namin ang boses ni ma'am judin na parang may kausap wari ko ay dumating na nga ang taong hinihintay ng mommy ni deanna.

"I'm glad that you came jema anak,
Everyone this is your ma'am Jema galanza and soon to be wong fiance ng Boss d nyo"Pakilala samin ni ma'am judin Maganda siya at parang dun palang ay talo na ako.

Matangkad,Maganda ang kutis,Maayos ang hubog ng katawan she was wearing a Floral silk dress with flat sandals perfect na perfect nga siya para kay deanna.

Di hamak na mas maayos ang buhay nya kesa sakin, Mas sasaya pa si deanna kay jema sakin na'kay jema na ang lahat talo na naman ako palagi naman akong talo.

Ngumiti lang naman siya samin at kumaway nakipag-beso nga siya kay deanna nagkatama ang mata namin ni deanna malungkot ang mukha nya na parang nanghihingi ng tawad sakin.

"Okay ka lang?"Tanong sakin ni cait napansin nya atang tulala ako agad akong lumingon sakanya"Okay lang ako"Sagot ko at ngumiti ng pilit lagi nalang ba akong mag-papanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi.

Nawala na nga si deanna at jema mukhang pumuntang garden parang mali ata na minahal ko si deanna dahil ngayon ako yung nasasaktan hindi ko naman kasi alam na may fiance siya.

Ano ba naman kasi itong pagmamahal na to laging may kasamang sakit hindi naman kasi maiiwasan na kapag nagmamahal ka ay hindi ka masasaktan syempre kasama yun.

Nang mapadaan ako sa garden nakita ko silang dalawa na nag-tatawanan Hindi nga ako nagkamali mas masaya nga si deanna kay jema wala akong magagawa dun mas matimbang sakin si jema.

Siguro ang dapat ko nalang gawin ay hintayin ang araw na makipag-hiwalay siya sakin ganun naman diba dapat kasi alam kong darating ang araw na makikipag hiwalay siya sakin.

Kasi baka malaman ni jema na may namamagitan saming dalawa ni deanna edi masasaktan yun katulad ko kasi akala mo sayong sayo yung tao yung ikaw lang pero Hindi mo alam dalawa kayo.

"Masakit noh? Ibyang wala tayong magagawa fiance yun"sabi sakin ni cait habang nag-aayos kami ng kwarto na tutulugan ni jema"Masakit kasi all this time I didn't know na may fiance yung tao"sagot ko tumingin naman sakin si cait.

"Kasalanan ko din naman kasi nakipag-relasyon ako sakanya ng Hindi ko tinanong kung may fiance ba siya kahit alam kong baka meron kasi gaya ng sabi mo madami ng ipinakilalang babae si ma'am judin sakanya na posibleng may magustuhan siya sa isa dun"dagdag ko pa.

"Hindi mo kasalanan yun ibyang nag-mahal kalang naman saka naiintidihan kita sa part na masakit sayo"saad nya buti nalang andyan si cait may mapagsasabihan ako ayoko ng ikimkim pa.

"Pero kaya mo bang mag-paraya?"
Tanong nya sakin natigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sakanya
"Hindi ko alam, pero kung talagang sa ikakasaya ni deanna papayag ako mahal ko yung tao eh lahat naman ata gagawin para mapasaya yung taong mahal nila"sambit ko.

The Heart's DesireWhere stories live. Discover now