Chapter 24 Promise

617 29 18
                                    

Ivy's Pov

Ngayong araw nga ang paglipat namin sa bahay ni deanna napagdesisyunan ko na kasi na lumipat na kami sa bahay ni deanna gawa nga ng gusto na ng anak nya na lagi siyang kasama.

Of course kasama din yung cafe ililipat na din namin ito dito sa lugar nila deanna well yung location lang naman yung nagbago tuwang tuwa pa nga yung mag-ama at lagi na daw silang magkasama.

Well kagabi pa lang nag-ayos na kami ng mga gamit tinulugan nga ako ni deanna dito din nga siya natulog maya maya pa naman kami aalis kasi kakaligo ko lang din at nag-aayos pa ako.

Yung dalawa nga nasa baba ewan ko kung ano ginagawa dun nanonood ata, nakasuot nga lang ako ng high waist na pantalon at yellow na tops pero pastel lang.

Habang nagsusuklay ako napa-isip ako na eto na ata yung simula ulit ng buhay ko na kasama na si deanna at yung anak namin, Alam ko hindi namin ito ginagawa para lang kay Eli para din sa sarili namin.

Okay na din naman yung ilang araw na nilaan ko para mag-isip isip at eto tuloy na ang desisyon ko magsasama na ulit kami ni deanna sa isang bahay hindi naman maiiwasan na magkaroon pa din ng ilangan sa isa't isa.

Kinikilig pa nga sila cait ng sabihin ko na duun na kami sa bahay nila deanna titira inasar asar pa nga ako ng mga bruha balita ko nga din ay nag-aayos na sila sa kasal nila ni bea.

Si aby naman naka leave muna sa bussiness nya kasi nag-punta silang dalawa ni cal sa singapore buti pa yung lovebirds na yun nakakagala kahit saan, kahit out of the country pa yun.

Grabe ba!?

Bumaba na nga ako, mapapansin talaga na kaunti nalang ang gamit dito sa bahay mga appliances nalang nasa kotse na nga ni deanna yung mga gamit mukhang narinig ata nila yung mga yapak ko kaya napatingin sila saking dalawa abala pa nga sa panonood ng ipad.

"Ano? Tara na ba?"Tanong sakin ni deanna tumayo na nga siya at kinarga na si eli tumango na nga ako naglakad na nga kami palabas pero bago pa man ako makalabas inilibot ko muna ang tingin ko sa kabuuan ng bahay.

Eto yung unang naipundar ko bukod sa cafe dito napunta yung unang sahod ko sa cafe nandito lahat ng masasayang memories kasama si eli simula 8 months siya dito na kami nakatira hanggang sa naglakad na siya.

Isinarado ko na nga ang pinto at tuluyan ng lumabas nakita ko ang mag-ama ko na nakatingin sakin at nakangiti pa ginantihan ko din naman silang dalawa.

Pinagbuksan nga ako ni deanna ng pinto sa passnger seat at pumasok ako at sinarado nya yun nasa backseat naman si eli mukhang inaantok at papikit pikit pa maaga kasi nagising kanina.

"Ayos ka lang?"tanong sakin ni deanna at sumulyap pa"Oo naman, yung anak mo bagsak na"sabi ko sakanya at natawa pa ng bahagya tinignan naman nya sa salamin at natawa nga din.

Nakahiga na kasi at yakap yakap pa yung ipad nya kala mong mawawala eh"Anong plano mo sa bahay?"
tanong nya ulit"Wala pa akong maisip eh, Sila cait kasi sa subdivision nyo na din titira"
Sagot ko.

"Oo kasi nag-aayos na sila ni bea sa kasal nila"sabi sakin ni deanna diba hindi nga ako nagkamali sa nabalitaan ko hindi na nga ako sumagot dahil nag-text sakin yung isa kong staff sa cafe.

Paglinga ko nga sa bintana nandito na pala kami bumaba na nga si deanna at pinagbuksan ako ng pintuan kaya bumaba na din ako"Thankyou"sagot ko ngumiti lang naman siya sakin.

Kinarga ko na nga si Eli kasi si deanna na daw ang mag-bibitbit ng mga gamit nauna na nga kami ni eli dahil ibababa ko pa ito sa kama, Nakapasok na nga ako at dumiretso na sa second floor ang bigat na nga din ni eli.

The Heart's DesireWhere stories live. Discover now