-20-

787 22 0
                                    

..

Caile


"...Maliwanag ba?" Pagtatapos ko aking pagbibigay ng plano sa mga tauhan ko rito sa Silver Tulips.

Nandito kami sa isang malawak na office kung saan madalas ko ipatawag ang mga tauhan na gusto kong bigyan ng mission. Halos lahat dito ay mga kinuha kong kriminal sa City Jail, yung mga may disenteng itsura dahil ayaw ko ng pangit na madalas mapaghalataang kriminal.

Meron din akong tauhan dito na public servant kaya mas malawak ang connection ko sa labas, this company of mine is secret. Anonymous ang dating ko bilang CEO ng kompanyang ito at si Jena ang secretary ni Don Hernando ang kumakatawan bilang public image of mine.

"Maliwanag, Boss!" Sabay sabay na tugon nila na tinanguan ko lang.

"Makakaalis na kayo at simulan niyo na ang plano." Saad ko at sumandal sa swivel chair ko saka sila pinanood isa isang magsi-alisan sa meeting room.


Nakatanaw lang ako sa kanila habang may makikitang kakaibang ngisi sa labi ko. Who wouldn't smile like this if I already planned everything?

Makatapos umalis ang lahat at natira na lang kami ni Samuel dito ay kaagad ko siyang sinenyasan upang ipatawag ang isa sa tauhan ko rito. May mahalaga kaming pag-uusapan tungkol sa isang bagay na matagal ko nang pinage-eksperimentuhan.

Yumuko nang bahagya si Samuel bago naglakad palabas ng meeting room para tawagin ang isa kong tauhan.


"Siguro naman ay may progreso na sa pinag-uutos ko sa kaniya, matagal tagal din akong hindi nakapunta rito." Saad ko sa aking sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana ng floor ng meeting room na to, maaliwalas ang panahon at parang ang sarap gumawa ng ikasisiya ko ngayon.

"Boss, nandito na po siya." Nagsalita si Samuel pagkabukas ng pinto ng meeting room kaya napatingin ako rito at sa lalaking pumasok na naka-suot ng lab gown.

"Alastair." Saad ko at tumayo para harapin siya.

Makikita ko ang pag-ngiti niya nang makahulugan habang nagtatanggal ng safety goggles at hinayaan na lang na nakasabit ito sa kaniyang leeg. Naglakad siya palapit sa akin at nakangiting tumayo sa harapan ko.

"I thought you'll take almost half a year to come visit here, Caile." Pagbungad niya sa akin at naiiling pa sa akin.

Natawa ako, "I'm just so busy with my personal life and of course, my other company." Tugon ko na lang sa kaniya at pinatunog ko ang dila ko bago tumitig sa kaniya, "Any progress?" Simpleng tanong ko.

"Hmm. I guess so, I couldn't take it since i'm not the one who wants to test it." Sagot niya na lang sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"What do you mean? Sa pagkawala ko ng ilang buwan hindi ka parin sigurado kung nagtagumpay ka sa mga pinagawa ko sayo?" Nakaramdam ako ng inis dahil sa idea na nalaman ko, ilang buwan akong hindi nakabisita rito tapos ito ang ibubungad niya sa akin?

Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya pero mababakas ang kawalang emotion sa mata niya, "Let me clear this thing with you, Caile. This experiment is not like creating some artwork in school that can be done in just a few hours. You'll never know anything about this because you are not the scientist here, got it?" Nakangiti man pero bakas ang kalamigan sa boses ni Alastair kaya mas lalong uminit ang ulo ko dahil parang pinaparating niya na ako na nga lang ang umuutos ay ako pa ang may ganang magalit.

"Hmmp! Exactly my point! Ilang buwan akong nawala tapos hindi mo parin nagawa? Matanong nga kita, makakaya mo ba tong gawin o hindi!?" Gigil na tanong ko sa kaniya at nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya sa labi pero saglit lang yon bago bumakas ang ngisi sa labi niya.

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon