chapter 7 - The Kiss

10 1 0
                                    

A/N : Kung binabasa mo po ito ngayon salamat sayo :** Pasensya na po kung medyo matagal mag update, ang hirap po kasing gumawa ng scene na kikiligin kayo. Baguhan pa lang po ako dito, so sana po wag masyadong mag expect na talagang magandang maganda yung mga chapters. Ang akin lang naman po eh nai she'share ko yung nasa imagination ko XD hahaha. Yun lang po, tenchu :**

chapter 7

 *ALLIE'S POV*

Uwaaaa! Di ako makatulog!!! Kase naman eh TT_____TT

Bakit ba kasi niya ako ni’kiss? :((

*Flashback*

"Anong basta ka diyan?? Baliw ka ba?? Takas ka sa mental noh??"

"No! May gwapo bang baliw?? Haysss. Idiot."

O________O

Ano daw idiot??? IDIOT??!

"Sinong idi---." 

O______O

“The best way to shut girl’s mouth.”

Yeah, he kissed me pero smack lang naman.. Pero kahit na! WAAAAAHHHHH!!!

*End of Flashback*

HUHUHU. Ano nang gagawin ko ngayon? T_T

*Ting!*

Calling..

(Oh Allie? Gabi na ah? Napatawag ka may problema ba?)

“Kaye hindi ako makatulog eh..”

(Porket hindi ka makatulog eh hindi ka na din magpapatulog ng iba? Ganon ba? Tsss. Dahil ba yan sa kiss kanina? Ow wait bat hindi  mo nga pala sinabi samin na kayo na ha?? Pinaglilihiman mo na kami ah.) Hays, mali ata ako ng taong napiling tawagan. Si armalite nga pala to (-.-)

“Hindi ko naman kayo pinaglilihiman eh, maniwala kayo sakin hindi talaga kami nung Calix na yun! Saydang siraulo lang talaga yung damuho na yun.”

(Zzzzz.. ZzzzZzz..)

“Hello Kaye?? Kaye? Kaye!” ay damuho. Tinulugan ako?  +_+

Wala na. Wala na akong matatawagan pa! Si Jay at Fatty tulog mantika yung dalawa na yun eh. Uwaaa!

EYEBUGS. EYEBUGS.

The Zombie is approaching...

Hala ang pangit ko na T_T puro eyebugs na lang mukha ko. Huhuhu

“HI baby!” sabay akbay sakin ni.. WAAAAA!!

“Ikaw ang may kasalanan nito. Ikaw!! IKAAAAAWWWW!!!”  sigaw ko sabay tadyak sa damuhong Calix na to. Buset naman kasi eh T_T

“Ano na namang ginawa ko?! Baliw ka na ba?”

“TIngnan mo toh!” *sabay tinuro yung mata*

“Oh eyebugs.. anong gagawin ko diyan?”

“Waaah! Ikaw ang may kasalanan nito!”

“Eh bat ak—ahh.. yung kiss? *smirks* Nagustuhan mo kaya di mo makalimutan noh? ;D swerte mo nakahalik ka sa isang gwapong katulad ko.”

O_____O

 Talaga namang palang saksakan ng kapal ng mukha ng taong eto noh?

“Ewan ko sayo!! Kapal ng mukha mo!!!” sigaw ko then tumalikod na.

“Sige Baby ILoveyoutoo!”

 O____O

Nilingon ko siya kaso nakatakbo na yung loko. Sira talaga tuktok nun! Tsss, Lord bat niyo po ba kasi binaba dito yung lalaking yon? T_T

Ay baka kase hindi siya pwede sa itaas. Hahaha XD

Sumunod na ako sa direksyon na pinuntahan ni Calix at nagsimula na yung klase.

After 18392243867653278 years nayari na sa wakas yung discussion =_____=  As always konti lang naintindihan ko dahil na naman sa bwisit na katabi ko. Tsss, bat ba kasi dito sa tabi ko to nakaupo?

“Bat ba dito ka nakaupo?” tanong ko sa kanya.

“Wala lang. Gusto ko eh. Pakelam mo.” Hala taray ni koya meron ata O_O

“Tsss..” tatayo na sana ako ng bigla siyang magsalita.

“Pagkayari ng class sa hapon pumunta ka sa rooftop may pag uusapan tayo..” yun lang at tumalikod na siya. Himala ata wala sa mood yung isa na yun. Problema nun?

 **

“Allie bida na dali!” sigaw ni Jay pagkaupong pagkaupo namin dito sa Cafeteria. Lagi kaming nandito pag breaktime, eto na talaga yung tambayan namin eh hahaha. Kain kain lang din :D

“Eh kase ganito yun...” tapos yun na nga ibinida ko na nga sa kanila yung buong buong kwento ng samin ni Calix.

“AHHHHH... *tango.. tango*”  Tsss. Alam mo yung mahaba pa sa edsa yung binida mo tas ang isasagot lang nila maikli pa sa bangs ni Dora? =___= Nakakainis!

“So ade dapat magin—“

*Splaaasssshh!!*

“OH MY GOD! PROBLEMA MO??! BALIW KA BA???” sigaw ko sa babaeng pusit na pinaglihi sa kutong lupa na nagtapon ng juice sa katawan ko. Ayan tuloy basa yung uniform ko. Grrrr

“Hoy babae!!! Baliw ka ba??? Bat tinapunan mo ng juice yung kaibigan ko ha?!!! Ano! Gusto mo ng gulo?!” sigaw ni Kaye sabay tulak dun sa babae. Buti na lang talaga may mga kaibigan ako.

“Dapat lang sa kanya yan noh! Sa panglalandi niya kay Calix!!” Ano daw? Panglalandi? Wala bang utak toh??! Starfish lang ang peg mo ate?! =___=

“Sinong  malandi ha??!!!” sabay sabunot ko sa pugitang babae.

“Aww. Stop it!” sigaw ni pusit pero hindi ko pa din binibitawan yung buhok niya. Punong puno na ako eh. Okey na sana yung ginawa niyang pagtapon ng juice sakin, yun mapagpapasensyahan ko pa. Pero yung sabihan ako ng malandi. No way!

Kahit pinipigilan na ako ng mga kaibigan ko hindi pa rin ako paawat. Hanggang sa may narinig akong nagsalita..

 isang boses na pamilyar sakin..

boses na kilalang kilala ko..

At ang boses na yun ay galing kay J..

John Calix.

“Aww shit! Baby stop it!” tapos hinila niya ako sa bewang kaya naman nagkalayo na kami ng bruhildang yun.

“Are you okey? May masakit ba?”  sabi niya sakin pagharap ko sa kanya. Hinahawi din niya yung buhok ko na gulo-gulo.

Dug.   Dug.   Dug.   Dug.

Ewan ko kung nag aalala ba talaga siya sakin o kunwari lang yun pero naramdaman ko na..

Nag iba yung tibok ng puso ko..

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon