chapter 10 - Selos?

30 1 0
                                    

*CALIX POV*

Putcha naman oh! Grrr.

*Flashback*

Naglalakad lakad lang ako sa may hallway sa baba ng building namin di pa naman nagsisimula yung klase eh saka ano.. hmm hinahanap ko si Allie. Kase naman eh, nasan ba yun? Paliko na sana ako when I suddenly heared a familiar voice.

“Mabuti naman na ayos ka lang.. sorry pala ha? Hindi ko naman ginusto na masaktan kita eh..” Para talagang pamilyar yung boses na yun ah? Pagtingin ko sa may lilikuan ko sana, tama nga! Kay Jerico nga yun!

“Wala yun. Ikaw talaga, past is past okey? Just move forward haha.” Nakita kong ngumiti si Allie dun sa lalaking yun. Ang ganda pala niya pag nakangiti. Bakit ako hindi niya nginingitian?

Eerr. Erase. Erase. 

Ano naman kung hindi ka niya ngitian? Ngiti lang naman ni Mia ang gusto mo diba?

Diba?

Diba?

 Huminto muna ako sa paglalakad. Papakinggan ko lang pag uusapan nila hahaha. 

“Ikaw talaga.” Tas nakita kong ginulo ni Eco yung buhok ni Allie. Tsk.

Tas yun nagkekwentuhan lang yung dalawa habang naglalakad. Antagal naman! Naiinip na ako. Kanina ko pa hinahanap yung babaeng yun tas makikita ko lang na ganito. Kakabwisit!

“Sige una na ako.” Narinig kong nagpaalam si Allie dun sa unggoy na yun. Tsk Sa wakas! =____=

“Nagkakamabutihan na ata kayo ah..” sabi ko nung padaan na siya sakin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya nakikita ko pa din naman kahit konti yung mukha niya. Kaya nakita ko nung parang nagulat siya. Kailangan ba talagang magulat?  

"C-calix?" sabi niya. Oo ako nga toh =________=

"Tara na nga!" sabi ko sa kanya. Hindi ko siya tinitingnan umakbay lang ako sa kanya baka kasi makahalata siya na sura ako eh. Kase naman eh hinahanap ko siya tapos yun pala makikita ko lang na nakikipag usap siya sa lalaking yun? Nakakabwisit! Para tuloy akong nagseselos sa ginagawa ko tss..

*End of flashback*

 Nakakagigil lang! Nakakagigil talaga! Tss. Hanggang sa matapos lahat ng klase badtrip pa rin talaga ako. Bat ba kasi ako nababadtrip?? Ano naman kung nag usap sila ng lalaking yun?!

"Calix!"  

"ANOO?!" sigaw ko sa tumawag sakin. Alam ko namang si Allie lang yun eh! Yung panget na gumugulo sa isi-- wait tama ba tong nakikita ko?? Totoo ba to?? O____O

Bago pa yun makalapit samin hinila ko agad si Allie sabay sabing..

"Baby iloveyou.." 

*ALLIE'S POV* 

Pauwi na sana ako kaso naalala ko nasa akin nga pala yung libro ni Calix. Nakalimutan niya kasi sa upuan eh, baka kako mawala pa kaya naman kinuha ko na.

"Calix!" tawag ko sa kanya nung makita ko siyang naglalakad. Buti naman hindi pa siya nakakauwi.

"ANOO?!" sigaw naman agad niya sakin. Tss kanina pa siya ah? Mula umaga hanggang ba naman ngayon badtrip pa rin siya? Bakit kaya?? Magsasalita na sana ako kaso bigla niya akong hinila sabay sabing...

"Baby iloveyou.."

 Iloveyou?

Dug.    Dug.   Dug.     Dug. 

Iloveyou? Tama ba yung narinig ko?? Nag iloveyou siya sakin?? 

Tatanungin ko na sana siya kung bakit kaso..

..nakita kong dumaan si Mia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon