chapter 8 - Awts! :(

14 1 0
                                    

*ALLIE’S POV*

 


 

“Ano ba kasing kailangan mo?!” sigaw ko kay Calix. Andito kami sa rooftop ng school. Pagkatapos kasi ng gulo kanina hinila na niya ako dito. Wala naman yung prof namin ngayon kaya naman ayos lang na hindi na pumunta sa room.

“Bat ba nakikipag away ka? Ha?!”  Abat nagtatanong pa?!  Eh siya may kasalanan nito eh! Kung hindi niya sinabi na girlfriend niya ako kahit di naman talaga eh hindi magkakagulo.

“Wala ka ng pakelam dun.” I said in a cold voice. Narinig ko naman siyang huminga ng malalim.

 

“Alam mo bang bestfriend ni Mia yung inaway mo?!” Mia? Ano naman pakelam ko kung bespren yun ng Miyang sinasabi niya. Kahit kaninong kaibigan pa yun papatulan ko talaga yun sa ginawa niya >.<

“Ano namang pakelam ko kung kaibigan yun ng Mia na sinasabi mo?!”

 

“Hays!!” napasabunot siya sa buhok niya na para bang timping timpi.  “Ganyan ka bang katanga talaga?! Masisira nga ako kay Mia! She’s my ex- girlfriend!! Alam mo bang kaya nga kita dinala dito para sana kausapin ka na magpanggap na girlfriend ko para bumalik siya sakin at magkasama na kami ngayong dalawa. Tapos ano ngayon sinira mo lang lahat ng plano ko!!” sabi niya habang sumisigaw sakin halata sa mukha niya na galit na galit talaga siya. Pulang pula yung mukha niya na parang sasabog at anumang oras handang pumatay ng isang katulad ko. Ganon ba talaga kaimportante sa kanya yung Mia na yun? Akala ko pa naman.. akala ko pa naman nag alala talaga siya sakin kanina, hindi pala.. Tapos tanga? Grabe siya! 

“Sorry..” sabi niya pamiya miya. Sorry?? Para san? Sa panggagamit na gagawin niya sakin, sa pagsigaw niya sakin? Sa pananabing tanga?? Para san??

“Ayos lang.. sabihin mo na, ano ba yung gagawin? Umpisahan na natin ng matapos na agad to.”  Pinipigilan ko na huwag tumulo yung luha ko. Masakit pala, masakit pala maging assuming. Masakit pala marinig na tanga ka. Tanga nga ba talaga ako? Hindi ko lang naman talaga alam yun eh.

Nagbago naman yung expression niya. Hindi na siya sumisigaw. Siguro narealize niya din na masyadong marahas yung pakikitungo niya sakin. Pamiya miya lang nagsimula na siyang magpaliwanag, at nakinig lang ako.

 

“Wag kang mag alala, hindi naman to masyadong matagal. Pag bumalik na si Mia sakin, balik na tayo sa dati. Malaya ka na ulit.. magiging masaya ka na.” pagpapatuloy niya. Masaya? Magiging masaya nga ba ako? Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, ilang linggo pa lang naman kaming magkasama pero bat ganito?

“Pasensya ka na ikaw pa yung napili ko, ayaw ko naman kasing basta na lang kumuha diyan ng babae.. saka.. saka..”

“May nagawa akong atraso sayo?” pagtutuloy ko sa sinasabi niya. Alam ko naman eh, kasalanan ko. Kung sana hindi ko siya pinahiya nung nakabunggo ko siya nun ade sana wala siya dito ngayon at hindi nagugulo yung tahimik ko sanang mundo. “Ayos lang.. sige uwi na ako may pupuntahan pa kasi ako eh. Wag ka mag alala gagalingan ko yung pag arte.” pagpapalusot ko. Hindi ko na inintay yung sasabihin niya at umalis na ako.

Bat ganito? Ano ba tong nararamdaman ko? Para kasing..

..parang, ang sakit.

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon